Chapter 8: Henry Monteverde

155K 3.5K 120
                                    

Chapter 8

Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang kagandahan ko. Walang aangal dahil maganda talaga ako habang kasaluluyan akong nakasuot ngayon ng kulay pulang dress na sobrang hapit na hapit sa katawan ko.

Nakikita din ang cleavage ko pero wala akong pakealam dahil sanay na akong magsuot ng ganitong kahapit at ka revealing na dress. Mas kumportable pa nga ako kapag ganito ang suot ko.

Hindi ako nang-aakit ng ibang tao dahil sa ganito ang suot ko. Masyado lamang malandi ang kanilang isipan.

Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa mukha ko gamit ang malaking salamin na nasa harapan ko. Sisiguraduhin kong maglalaway sa kagandahan ko akin ang lalaking 'yon.

Maiisipan niya nalang na dapat ako nalang ang naging girlfriend niya sa halip na ang babaeng haliparot na 'yon.

Ano kaya ang nangyari sa kanila ng malaman ng babaeng 'yon ang kiss naming dalawa ni Drew. Break na kaya silang dalawa? Mabuti kung mag break na nga silang dalawa dahil kapag ganun ang nangyari ay magpapa-fiesta talaga ako.

"Ma'am, hindi daw po makaka attend si Sir Andrew ng photoshoot ngayon." sabi ni Mae habang hawak niya ang phone niya habang may binabasa.

"What?" gulat kong tanong at hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang kamao ko dahil sa inis.

"Lasing na lasing daw po siya kagabi at may hung over pa hanggang ngayon kaya hindi po siya makaka-attend ngayon." muling sabi nito habang pinapabasa sa akin ang message ng lalaking 'yon.

"WHAT?" gulat kong tanong dahil ang ibig sabihin ay nasayang lang ang effort ko tapos ay hindi lang pala matutuloy ang photoshoot naming dalawa dahil lamang sa pvtanginang hung-over niya.

Paano na ang plano kong isasagawa ngayon kung wala siya? Bakit naman kasi ngayon pa siya nagka hung-over. Sobrang nangi-gigil talaga ako sa lalaking 'yon.

Sigurado akong nag away sila ng babaeng 'yon kaya siya nagpakalasing kagabi. Bago pa ako mawala sa katinuan nagpalit na ako ng matinong damit at naisipan kong pumunta sa kompanya ng lalaking 'yon.

Hindi parin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na bilyonaryo ang lalaking 'yon. How come na sa bata niyang edad ay may mga naitayo na siyang kompanya dito sa pilipinas at hindi lang 'yon dahil marami pa sa iba't-ibang bansa.

"Miss, wala po dito ngayon si Boss kaya mabuti pa na bumalik nalang po kayo sa susunod na araw." sabi ng guard na ngayon ay nakaharang sa dadaanan ko.

"Nasaan siya?" nagtataka kong tanong at tumingin sa loob ng kompanya kasi nagbabakasakaling makita ko siya sa loob.

"Nasa condo niya po at nagpapahinga." sabi naman ng guard habang hinarangan ang tinitingnan ko kaya napairap ako.

"Saan ang condo niya?" muli kong tanong ng mapansin kong tumaas ang isa niyang kilay na para bang nagtataka siya dahil ang dami kong tanong.

"Sorry miss, bawal po kasi kaming magbigay ng impormasyon tungkol kay Boss sa ibang tao. Mahirap na dahil ang yaman ni Boss at baka mapahamak pa siya." sabi niya na ikinakulo ng dugo ko.

Hindi niya alam na mayaman ang magandang babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi ko kailangan ng yaman ng lalaking 'yon.

"Mukha ba akong magnanakaw at nanakit ng tao?" masungit kong tanong habang nakataas ang isa kong kilay.

Mukha ba talaga akong nanakit ng tao? Siguro nga dahil gusto kong masaktan ang babaeng 'yon at lumuhod siya sa harap ko para magmakaawa na patawarin ko siya.

Pero kahit na ganito ako, malambot naman ang puso ko. Hindi nga lang sa babaeng 'yon.

"Hindi naman po sa ganun dahil ginagawa lang namin ang trabaho namin. Ayaw niya din pong may bumibisita sa kanya at ang alam ko lang po ay ang Girlfriend niya lang ang pwedeng pumunta ng condo niya." sabi nito kaya napairapap ako kasi ang babaeng 'yon na naman.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Kde žijí příběhy. Začni objevovat