Chapter 33: Hitting Two Birds With One Stone

142K 3.5K 616
                                    

Chapter 33

Naantala ang pagtulog ko ng may sunod sunod na nag doorbell sa condo ko. Inis akong bumangon sa kama ko habang pinapatay na sa isip ko kung sino man ang taong nambulabog sa pagtulog ko

Malaman ko lang na pinaglalaruan lang ang doorbell ko humanda talaga kung sino man ang taong 'yon dahil binulabog ang masarap kong pagtulog.

"What?" inis kong bungad pagkabukas ko palang ng pinto ng condo ko.

Bumungad sa akin ang isang mapagpanggap na babae. What a great morning dahil ng makita ko siya nabuhay ang dugo ko kaya napangisi ako habang nakatingin sa kanya.

Ano kayang ginagawa ng babaeng 'to dito. Napansin kong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko na nababalutan lang na manipis na pantulog.

"Appreciating my sexy body?" pang aasar ko sa kanya at nag pose pa ako ng pang rampahan.

Napairap siya sa sinabi ko at pinasadahan ko din ng tingin ang katawan niya. Aba nga naman! Bakit parang balot na balot siya ngayon. May snow na ba ngayon sa pilipinas? Mukha siyang turon sa suot niya.

"Did you missed me?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"Why would I? Nagdiwang pa nga ako ng umalis ka" inis niyang sabi kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Ayos 'yan, gisingin mo ang diwa ko. Pakuluin mo ang dugo ko at talagang ingungudngod kita sa inidoro.

Ang lakas ng loob na pumunta dito para lang bwisitin ako.

"That's so sweet!" wika ko at inirapan ko siya.

Napasin kong ang sama ng tingin niya sa akin. Ano na naman kayang problema nito dahil hindi naman siya magsasayang ng oras para lang bisitahin ako. Don't tell me tungkol na naman kay Drew kaya siya pumunta dito.

Isaksak niya sa baga na niya ang kanyang boyfriend niya. Nakakaawa naman kasi at nangangati na ata at gusto ng magpakamot sa boyfriend niya.

"Stay away from my BOYFRIEND" galit niyang sabi at diniinan pa talaga ang salitang boyfriend.

"Why would I?" tanong ko at nginisian ko siya.

Gusto kong inisin siya dahil para siyang isang toro na gustong-gusto na akong suwagin dahil namumula na ang mukha niya sa galit sa akin.

"Because I am his GIRLFRIEND so please stop flirting with my BOYFRIEND"

Sumandal ako ss dingding habang naka-cross arm na nakatitig sa kanya dahil wala akong balak na papasukin siya sa loob ng condo ko.

Ano siya santo para papasukin ko kaya manigas siya dyan. Ayaw kong may masamang espiritu ang pumasok sa loob condo ko at baka mahawaan pa ako ng kabaliwan niya.

"Instead of saying that to me, bakit hindi mo sabihin sa BOYFRIEND mo na lubayan ako." sabi ko at nginisian ko siya.

I'm telling the truth dahil iniiwasan ko na ang lalaking 'yon pero siya 'tong lapit ng lapit sa akin at palagi akong ginugulo.

Wala naman akong magagawa dahil kung ano ang pag-iwas ko sa kanya palagi naman siyang nagpapakita sa akin.

Lalo na't palaging gusto ni Julya na nasa bahay nila ako. Nalaman ko na Julya pala ang pangalan ng batang 'yon.

Close na kaming dalawa pero hindi parin talaga mawala ang asaran namin sa isa't isa. Idagdag pa na sobrang maldita at ang arte naming dalawa. Nagsama ang pareho ang ugali pero para kaming positive at negative na hindi mapakali sa isa't-isa.

And about Drew? Hindi ko siya pinapansin dahil gusto ko na siyang iwasan sapagkat mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sa knnya. Pero kapag nagsalita ang abnoy na 'yon talagang mangangatal ang tuhod mo sa sobrang kilig.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) On viuen les histories. Descobreix ara