Chapter 14: Jail

146K 3.5K 92
                                    

Chapter 14

"Shut the fvck up, will you?" inis niyang sabi habang ang sama ng tingin niya sa akin at muling tinuon ang tingin niya sa daan dahil baka maaksidente kami.

Hindi pa ako handang mamatay dahil gusto kong magkasama kami ng babaeng 'yon sa impyerno.

Sinamaan ko din siya ng tingin at sinandal ko ang likod ko sa upuan kasabay ng pag-irap ko sa kanya.

Paano ba naman kasi nag ja-jogging ako kanina sa plaza ng bigla nalang siyang sumulpot para kidnapin ako habang sapilitan na sinakay ako sa loob ng kotse niya.

Hindi pa sana ako sasama sa kanya pero binuhat niya ako na parang isang sako tapos sinakay sa sasakyan niya. Madami nga ang nagulat sa nangyari pero ng makilala nila na si Drew 'yon sobrang kinilig sila.

Tinatanong ko lang naman kung saan kami pupunta tapos siya pa ang may karapatan na magalit. Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil kinidnap niya ako.

"Ipapapulis kita!" inis kong sabi habang ang sama ng tingin ko sa kanya na para bang isa akong leon na handa siyang sakmalin.

"Why?" tanong niya.

"Because you kidnapped me!" inis kong tugon at inirapan ko siya dahil sa galit.

"Subukan mo! Hindi ka nila paniniwalaan" aniya at tumaas ang sulok ng labi niya na ikinainit ng dugo ko.

Ayan na naman siya sa kakangisi niya.  Nakakaasar ako sa kanya! Bwisit! Nakaka-inlove ang pag-ngisi niya!! Naiinis ako sa sarili ko!

"Bakit naman? Sasabihin ko na pilit mo akong ipinasok sa sasakyan mo kahit na ayaw ko na sumama sayo." inis kong wika pero ang gago hindi manlang natinag sa sinabi ko at parang wala lang sa kanya.

"Fine! Let's go to the police station." seryoso niyang sabi habang nanlalaki ang mata ko.

Aba't sinusubukan ata ako ng lalaking 'to. Hindi ba siya natatakot na makulong dahil nakangisi pa siya habang nagmamaneho patungo ng police station.

"Let's go." wika niya at inunahan pa ako ng gago na maglakad papasok ng police station.

Sobrang yabang!

"Talagang gusto mong makulong huh? May saltik kaba?" taas kilay kong tanong sa kanya dahil gusto niya talagang makulong?

"Just follow me!" inis niyang sabi at nagsimula na ulit maglakad kaya ako naman ay sumunod sa kanya.

Pumasok na siya sa loob ng police station habang nakasunod lamang ako. Nagulat lahat ng pulis ng makitang nandito kaming dalawa.

Hindi ako makapaniwalang pati silang mga pulis ay kilala kami bilang isang sikat na modelo.

"I kidnapped her," seryoso niyang sabi sa mga pulis.

Nagulat silang lahat ng dahil sa sinabi ni Drew at tumingin sila akin. Napangisi ako dahil sa pag-amin niya sa mga pulis. Aba't ang lakas ng loob na aminin ang ginawa niya.

Sana tuluyan ng makulong ang lalaking 'to para maging malaya na ako.

"Totoo ba 'yon Ms, Quijor?" hindi makapaniwalang tanong nung kalbong pulis.

"Opo, kinidnap niya po ako dahil nag ja-jogging ako kanina ng bigla siyang sumulpot at sapilitang isinakay ako papasok sa sasakyan niya kaya ikulong niyo siya," wika ko at tinuro ang lalaking 'yon na para bang wala lamang sa kanya.

"What is the reason Mr. Cortwar?" tanong ng isang pulis habang nakatingin kay Drew.

"She's jealous that's why I kidnapped her. She's avoiding me for 2 days and that's the reason why I kidnapped her. Tell me, It's a crime?" nakangisi niyang sabi sa pulis habang ako naman ay nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon