Chapter 15: Why I am Hurt ?

149K 3.7K 193
                                    

Chapter 15

Nalulula ako habang nakamasid sa taas ng building na nasa harapan ko. Feeling ko gumagalaw ang napakataas na building na pinagmamasdan ko. Naramdaman ko din na tagaktak na ang pawis ko dahil akay-akay ko ang lalaking 'to.

Nakaakbay siya sa akin ngayon tapos ang kamay ko naman ay nasa bewang niya para hindi siya matumba.

Ramdam ko ang init ng balat niyang nakalapat sa balat ko. Akalain mong nilalagnat din pala ang lalaking 'to. Akala ko kasi hindi siya tao.

Mabuti na nga lang at nakalabas na kami ng kulungan. Nagmakaawa pa talaga ako para lang makalabas kaming dalawa.

Nangako pa nga ako sa kanila na hindi na kami mag-aaway at magmamahalan nalang kaming dalawa habang-buhay. Dinaig pa naming dalawa ang sumumpa sa harapan ng pari.

"Ano po ang nangyari? Okay lang po ba si Sir, Drake?" tanong ng isang guard habang nakamasid kay Drew na akay ko.

"Tulungan mo muna kaya ako dito bago ka magtanong dahil ang bigat niya at isang hakbang ko nalang parang mamatay na ako." inis na inis kong sabi pagkatapos ay pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang palad ko.

"Sige po, Ma'am." sabi niya at tinawag niya pa ang dalawang guard para alalayan ang lalaking 'to.

"Don't touch me!" sabi naman ng lalaking 'to sa tatlong guard na akmang hahawakan siya para maalalayan.

"Huwag kayong maniwala sa lalaking 'yan dahil nanaginip lang siya." inis kong wika dahil parang wala silang balak na tulungan ako ng magsalita si Drew na huwag siyang hawakan.

Tumango naman silang dalawa at muling hahawakan si Drew ng itulak sila nito.

"Subukan niyo akong hawakan aalisin ko kayo sa inyong trabaho." inis niyang sabi habang pumipikit ang mata niya dahil sa taas ng lagnat.

"Ang arte naman ng lalaking 'to. Sige na manong ako nalang bahala sa kanya tutal BOYFRIEND ko naman siya at responsibilidad ko naman na alagaan ang BOYFRIEND ko. Salamat nalang." sabi ko habang dinidiinan ang salitang boyfriend.

Nagsimula na kaming maglakad at nangangatog na ang tuhod ko dahil sa bigat niya na para bang isang hakbang ko nalang ay matutumba na ako na kasama siya.

Iwanan ko nalang kaya ang lalaking 'to dito? Huwag nalang pala dahil konsensya ko pa sa oras na mamatay siya.

Pumasok na kami ng elevator ng bigla siyang natumba at nadaganan niya ako. Pilit ko siyang tinutulak kaso ang bigat niya. Dinaig niya pa yata ang isang sakong bigas.

"OH MY GHAD!!" rinig kong may sumigaw na ikinanlaki ng mata ko.

Malakas ko siyang tinulak at mabuti nalang ay nagtagumpay ako. Tinakpan ko ang mukha ko habang ganun din ang ginawa ko kay Drew.

Mabuti nalang at muling sumarado ang elevator. Malaking issue na naman kapag nakilala kami na nasa gano'ng sitwasyon dahil baka sabihin nila na pati elevator hindi na namin pinalampas.

Muling bumukas ang elevator kaya muli ko siya inakay palabas ng elevator. Hingal na hingal ako habang pinipindot ko ang password ng condo niya.

Pagbukas agad ng pinto ng condo niya ay kaagad kaming pumasok sa loob dahil hinang hina na talaga siya at nasisiguro ko na 101% degree na ang kanyang temperature.

"I can manage." sabi niya at bumitaw sa akin at nagsimula ng maglakad.

"Pero.." sabi ko ng makita kong matutumba siya kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso para hindi siya tuluyang matumba.

"Bitaw!" malamig niyang wika kaya halos mapairap ako dahil kahit na nilalagnat ay ang sungit pa din.

Binitawan ko naman kaagad siya kaya pagewan-gewang siya habang naglalakad na dinaig pa ang isang lasing.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon