Chapter 43: Confession

144K 3.9K 288
                                    

Chapter 43

Hinilot ko ang sentido ko at sumandal sa swivel chair at inunat ko ang braso ko. Sobrang nangalay ang kamay ko sa pagi-sketch.

Kinuha ko ang isang sketchpad na nasa ibabaw ng mesa ko at hindi ko mapigilang mapangiti habang tinititigan ko ang sketch ko.

"Drew" bulong ko sa pangalan niya.

I can't believe this dahil 'to ang first time na nag sketch ako ng mukha ng isang tao. Masaya naman ako dahil na perfect ko siya at talagang kamukha kamukha niya.

Bawat parte ng mukha niya ay saulado ko. Sa tuwing hindi siya nakatingin noon sa akin palagi ko siyang pasimpleng tinititigan.

It's been a week noong nalaman ko ang sinulat niya sa Diary ko. Pero hindi ako naniniwala dahil gusto ko sa bibig niya mismo manggaling 'yon.

Wala akong balita sa kanya dahil ang alam ko lang nasa Russia siya dahil sa problema ng kompanya niya doon.

Ang laki na ng kompanya niya dito sa pilipinas nagpapayaman pa siya sa ibang bansa. Sa tingin ko siya ang pinakabatang mayaman sa buong mundo.

Imagine niyo na ang hawak niyang kompanya ay puro sports car ang pinagbibili. Bawat presyo ng sport car na pinagbebenta ng kompanya ay nagkakahalaga ng million.

Marami akong nakikita na ang gamit na sasakyan ay ang sports car na pinagbibili ng kompanya niya dito sa pilipinas.

"Ma'am Alexandra, may gusto pong kumausap sa inyo. Naghihintay po siya sa labas. Papasukin ko po ba?" tanong ni Kristine habang nakasilip sa pinto sa loob ng office kung nasaan ako.

"No need dahil ako na ang pupunta sa labas." sabi ko at itinago ko sa isang envelope ang sketch ko na mukha ni Drew.

Lumabas ako ng office ko at nakita ko si Henry na nakasandal sa dingding habang nakatingin sa wristwatch niya.

Habang papalapit ako sa kanya hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya na sa tingin ko naman ay hindi niya pa ako napapansin.

Baakit nga ba hindi nalang si Henry ang nagustuhan ko kung mabait naman siya at napaka-gentleman niya pa

Ayaw ko naman na paasahin siya dahil hindi ko gustong makitang nasasaktan siya ng dahil lamang sa akin.

"Alexandra" masayang banggit niya sa pangalan ko ng makita ako.

"Problem?" tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya dahil sa katarayan ng mukh ko.

Ginulo niya lang ang buhok ko na kaagad ko namang inayos at sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi ko talaga akalain na may pagka makulit din palang taglay si Henry at palatawa din siya kaya masaya siyang kasama kahit minsan gusto ko na siyang batukan.

"Let's go" sabi niya at hinawakan ang wrist ko at hinila ako.

"Wait, where are we going?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko dahil hila parin niya ako palabas ng botique ko.

"Sa simbahan" nakangiti niyang wika.

"Magpapakabanal?" tanong ko at ang loko tinawanan lang ako.

Sumisingkit ang mata niya sa tuwing ngumingiti siya at ang puti at pantay pantay din ang ngipin niya.

"No"

"Ano?" kunot noo kong tanong ng mapansin kong tumingin siya sa akin habang seryoso ang kanyang mukha kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"Magpapakasal" seryoso niyang wika kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Hinampas ko siya sa braso at ang loko tinawanan lang ako ng malakas. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin at balak ko na sanang bumalik sa botique ko ng pigilan niya ako.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now