Chapter 26: Sick

148K 3.7K 145
                                    

Chapter 26

Umunat ako at pagkatapos humikab dahil antok na antok na talaga ako pero hindi ko magawang tumigil sa ginagawa ko dahil kailangan ko nang tapusin ang ini-sketch kong gown.

Kailangan ko na talagang tapusin dahil malapit na ang ball na gaganapan ng sikat na mga artista.

Sisiguraduhin ko na mas maganda ang gown na magagawa ko kaysa sa babaeng 'yon dahil suki din siya ng mayayamang negosyante. Syempre hindi ako makapapayag na mas mahigitan niya ako.

Alam ko naman na nakikipag-kumpitensya lang sa akin ang babaeng 'yon kaya makikipag-kumpitensya din ako sa kanya at kapag ako ang nanalo ang boyfriend niya ang gusto kong premyo.

"Ma'am, uminom po muna kayo ng mainit na kape." sabi ni Kristine at ipinatong sa mesa ko ang dala niyang tasa ng kape na umuusok pa na halatang sobrang init.

"Thanks"

Ininom ko na ang kape na binigay niya at pinagpatuloy ko ang pag i-sketch ko. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ko na ang isa kaya naman 'yong isa naman ang tatapusin ko.

Muli akong humikab at sinubsob ko ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa at pinikit ang mata ko. Nakakaramdam na talaga ako ng antok at medyo kumikirot ang ulo ko. Walang talab sa akin ang ininiom kong kape dahil bumibigat na talaga ang talukap ng mata ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako habang nakaub-ob sa ibabaw ng mesa. Napansin kong may nakatitig sa akin kaya dumako ang tingin ko sa mahabang sofa.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko si na si Drew ang kanina pang nakatitig sa akin. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa mahabang sofa na nasa tapat ko habang naka cross arm at hindi inaalis ang tingin sa akin.

"What are you doing here?" gulat kong tanong sa kanya at hinanap ko ang lapis kong hindi ko namalayang bumagsak na pala sa baba dahil sa pagkagulat ko ng makita ko siya.

Kinuha ko sa ilalim ng mesa ang lapis ng hindi ko inaasahan na mauuntog ang ulo ko sa mesa.

Feeling ko magkakabukol ang ulo ko dahil sa lakas ng pagka-umpog sa mesa. Hawak hawak ko ang ulo ko at tumingin kay Drew na nakatitig parin sa akin hanggang ngayon. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko noong mauntog ang ulo ko sa mesa.

"You okay? Stupid" sabi niya kaya napairap nalang ako dahil ayos na sana na nag-aalala siya tapos may kasunod pang mura.

"What are you doing here?" ulit kong tanong sa kanya habang pasimple kong hinihilot ang ulo ko dahil ang sakit talaga.

Nabigla akong ng bigla siyang may binatong isang papel na tumama sa noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang papel na bumagsak sa ibabaw ng mesa ko at binasa.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Seryoso? Baka naman malaking joke lang ang nabasa ko dahil tatawa talaga ako. Tumingin ako kay Drew ng bigla siyang matawa sa reaction ko kaya natigilan ako.

Hindi ko inaasahan na mapapangiti ko siya. Nakatitig lang ako sa kanya ng mapansin niyang akatitig lang ako sa kanya habang kaunting nakaawang ang labi ko.

"Stop staring, it's rude" sabi niya kaya inirapan ko siya at muling binasa ang nasa papel na hawak ko.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang pinakasikat sa buong mundo na Fashion Designer ay gusto kaming maging modelo para sa mga design niya. Tapos ang theme na gagamitin para sa amin ay pang wedding.

Kaya ang susuotin ko ay wedding gown tapos siya naman ang groom ko sa photoshoot.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko dahil sa wakas napansin narin ako ng matagal ko ng iniidolo na pinakasikat na fashion designer sa buong mundo dahil bata palang ako pangarap ko na siyang makita.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon