Chapter 30: Who's that child ?

149K 3.3K 177
                                    

Chapter 30

Iminulat ko ang mata ko at nilibot ko ng tingin ko sa paligid. Napabangon ako nang mapagtanto ko na hindi ko alam kung nasaan ako ngayon dahil ang huli ko lang natatandaan ay kasama ko si Drew kagabi sa lugar kung saan takot na takot ako.

Nakakainis dahil si Drew na naman ang laman ng utak ko. Sa halip na mawala ang feelings ko sa kanya parang mas lalong lumalala.

Nakakayanan ko na ngang makalimutan siya pero isang paramdam niya lang sa akin nagiging tanga na naman ako.

Alam ko naman na wala akong mapapala sa lalakeng 'yon kaya mas mabuti pang kay Henry nalang ako magkagusto dahil mahal niya naman ako at madaling mahalin si Henry.

Narinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako kaya mabilis akong nagtalukbong ng kumot dahil alam kong si Drew 'yon.

Ayaw kong makita ang mukha niya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sabihing mahal ko siya.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga at kahit may takip ako sa mukha nararamdaman kong nakatitig siya sa akin.

Sana mag teleport nalang ako papunta sa condo ko. Yes! Bumili ako ng condo kung saan malayo sa building niya. Mabuti na nga lang at meron akong nakitang condo na matitirhan kahit na milyon ang binayad ko.

Kung tutuusin nga mas mura pa 'yon dahil kayang-kaya ko bilhin ang buong buiding kung kinakailangan.

"Alexandra"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kumot at nananalangin na sana mag teleport nalang ako papunta sa lugar kung saan malayo sa kanya. Kuya Kurt o ikaw na anak niya na si Jairus Ian, tulungan niyo akong magteleport ng hindi ko na makita ang mukha ng lalaking ito.

(A/N: Mr. Cold Vampire is My Boyfriend po yung kay Kurt at yung kay Jairus Ian ay I'm Inlove with A Vampire. Please read. Thank you)

"I know that you're awake"

Hindi ko siya pinansin at pinikit ko ang mata ko habang may takip parin na kumot. Naramdaman kong hinila niya ang kumot ko kaya bigla akong napamulat.

Nagulat ako dahil pagmulat ko ng mata mukha niya agad ang sumalubong sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa akin at maging siya ay natigilan at bigla siyang ngumisi.

Napadako ang tingin ko sa labi niya at nakagat ko ang lower lip ko dahil sa pulang taglay ng labi niya. Natural ang kulay ng labi niya na animo'y mala rosas dahil sa pula.

"Daddy" rinig kong boses ng isang batang babae kaya kaagad ko siyang tinulak palayo sa akin at nanlalaki ang mata ko na tumingin sa batang babae na patakbo papalapit sa kanya.

"D*mn" mura ni Drew habang dumadaing sa sakit.

Napalakas ata ang pagtulak ko sa kanya kaya nahulog siya sa kama.

"Daddy! Are you okay? I hate that girl" sabi nung bata at tinuro ako na may kasama pang belat at hindi lang 'yon inirapan niya din ako.

"D-daddy?" gulat kong tanong.

"Yes! I'm her daughter and he's my Daddy. Who are you?" mataray niyang tanong.

Gulat akong tumingin kay Drew at napansin niya siguro na gulat akong nakatingin sa kanya kaya biglang tumaas ang sulok ng labi niya.

Tinitigan ko 'yong bata at gusto kong mapamura dahil magkamukha silang dalawa ni Drew. Girl version lang 'yong bata.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may tinatago siyang anak. Baka naman anak nila ng babaeng 'yon ang batang ito.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now