Chapter 12: Fake Relationshit

146K 3.5K 255
                                    

Chapter 12

Nagising ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw tumatama sa balat ko. Sumundal ako sa headboard habang hinihilot ang sentido ko dahil ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Eto ang ayaw ko sa lahat. Sanay nga ako mag inom pero paggising naman tsaka tatalab sa akin ang epekto ng alak.

Inilibot ko ang tingin ko at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung nasaang kwarto ako ngayon. Bakit ako nandito?

Paano nangyaring nakapunta ako dito sa loob ng condo ni Drew at ang worst pa ay nakatulog ako sa kama niya.

Ano nga ba ang nangyari kagabi at hindi ko masyadong maalala dahil siguro sa kalasingan kaya wala akong maalala. Hindi ko na nga din ako makaalala kung sino ba ang kakilala ko sa bar kagabi.

Ang natatandaan ko lang ay may taong bumubuhat sa akin matapos ang rambulan kung sino man.

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya nanlaki ang mata ko ng makilala siya.

Wala siyang damit habang ang lower part niya ay natatakpan. Sinilip ko ang ilalim ng kumot ng makita ko na naka sout lang ako bra at panty at tapos wala na. OMG!! Anong nangyari kagabi?

"KYAAAAHH!!" sigaw ko dahil sa gulat ko sa itsura ko.

Biglang nagising ang katabi ko at inis na tumingin sa akin na kulang nalang ay sakmalin niya ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

"Huwag kang sumigaw!" inis niyang sabi at muling pumikit.

"A-anong nangyari?" kinakabahan kong tanong habang nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

"We're naked, guess what?" nakangisi niyang tanong at pagkatapos ay sumandal siya sa headboard kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil bumaba ng konti ang kumot na tumatakip sa ano niya.

Oh ghad! He's V line. I saw it.

"Ni-rape mo akong lalake ka!" wika ko at umatungal ako ng sobrang lakas na halos maririnig sa buong silid ng condo niya.

"You don't remember what happened last night?" inis niyang tanong habang nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin.

Pumikit ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ang natatandan ko lang ay nung binato ko ang phone ng isang lalaki na akala ko lilipad dahil pinindot ko ang airplane mode.

Bakit pa tinawag na airplane mode kung hindi din naman lilipad? Walang silbi!

"Wala akong natatandaan!" kagat labi kong sabi at hinawakan ko ang sentido ko dahil kumikirot na naman.

"Well, I don't give a d*mn!" rinig kong sabi niya at muli niyang ipinikit ang kanyang mata habang tinalikudan ako ng hinayupak.

Sisipain kona sana siya ng marinig kong may nag doorbell.

"May tao!" sabi ko at sinipa ko ang binti niya ng malakas.

"Huwag kang magulo! Damn it!" inis niyang sabi at binato niya ako ng unan kaya sinamaan ko siya ng tingin at akmang gaganti ako sa kanya ng maisip ko na huwag nalang dahil kapag gumanti ako baka ako na naman ang talo.

"Fvck you ka talagang lalaki ka!" inis kong sabi at inirapan ko siya kahit na hindi niya naman makikita.

Tumayo ako galing sa kama ng maalala ko na wala nga pala akong suot na damit. Nasaan na ba ang damit ko at bakit naka bra lang ako. Huwag mong sabihin na siya ang naghubad sa akin. OH MY GHAD!!

Biglang namula ang mukha ko at pinapakiramdaman ang katawan ko. Wala naman akong nararamdamang sakit sa lower part ko kaya alam kong walang nangyari sa aming dalawa.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now