Chapter 19: Noob ?

143K 3.6K 227
                                    

Chapter 19

Pagpasok ko palang ng mansyon bumungad agad sa akin ang pagmumukha ng babaeng 'yon kaya lumapad ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

Should I give her a kiss? Hug? Or Slap? Mas better 'yong huli dahil sa oras na ginawa ko 'yon, uubusin ko ang ultra mega powers ko para lang sa mag-asawang sampal na ibibigay ko sa kanya!

"Did you miss me?" tanong ko sa kanya habang malapad ang aking ngiti.

Hindi niya ako sinagot sa halip ang ginawa niya ay nilampasan niya lang ako. Nang dahil sa babaeng 'yon dalawang araw akong nakaburo sa hospital.

Mabuti na nga lang dahil inalis na ang benda na nakalagay sa ulo ko.

Sa dalawang araw na 'yon hindi manlang bumisita sa akin si Dad o kahit tumawag manlang.

Hindi ko alam kung wala na ba talaga siyang pakealam sa akin o hindi niya alam ang nangyari sa akin.

Oo nga naman! Bakit ako hahanapin ni Dad kung nandito ang babaeng 'to. Kapag nandito ang babaeng 'to invisible na lang ako kay Dad.

Ginayuma din ba ng babaeng 'to si Dad dahil bigla nalang nawala ng parang bula ang pag-aalala sa akin ni Dad.

"What?" mataray niyang tanong ng bigla kong hawakan ang braso niya niya ng sobrang higpit.

"Just wondering why many people saying that you look likes an angel." wika ko habang sinusuri ko ang mukha niya at nakahawak parin ako ng mahigpit sa braso niya.

"I'm proud." nakangisi niyang sabi at pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Ang lakas ng confident niya sa sarili. Sarap bigyan ng jacket ng babaeng 'to.

Baka nakakalimutan niya na siya ang dahilan kung bakit ako na hospital ng dalawang oras. Sa katunayan pwede ko naman siyang ipakulong kung gugustuhin ko.

Pero hindi naman ata patas 'yon dahil mas gusto kong makita siyang umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko do'n lamang ako magiging masaya kapag nangyari ang bagay na 'yon.

"Nasaan ang pakpak mo? Nasaan ang bilog sa ulo mo? Bakit buntot at sungay ang nakikita ko. Oh cmon! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasa Hospital ako ng dalawang araw." matigas kong wika at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya.

Pasalamat siyang babae siya at hindi matilos ang kuko ko dahil kung matilos ang kuko siguradong kanina pa na bumaon ang ang kuko ko sa braso niyang m*land* siya.

"You deserved it bitch!" mataray niyang sabi habang masama ang tingin na nakatingin sa akin.

"Yeah right! Thanks to you because your boyfriend took care of me," nakangisi kong sabi kasabay ng pag-ayos ko ng aking buhok para inisin siya samantalang ang sama ng titig niya sa akin.

"Kailan siya huling tumawag sayo? Noong isang linggo? Isang buwan? See? Nakakaya kana niyang kalimutan at baka isang araw pati pangalan mo hindi na niya maalala," muli kong wika habang ang talim na ng titig ko sa kanya.

"How dare you!!" gigil niyang sabi at akmang sasampalin niya ako ng mapigilan ko siya habang mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Sige! Subukan mong ilapat ang maduming palad mo sa mukha ko. Hindi ako magdadalawang isip na ipakita sa 'yo kung gaano kaganda ang impyerno." matigas kong sabi at tinulak ko siya ng ubod ng lakas n mabilis naman siyanh nakakapit sa may ding-ding.

"Akin siya at hinding-hindi mo siya maagaw sa akin." galit na galit niyang sabi habang ang sama ng tingin sa akin.

"Well, tingnan natin. Kilala mo ako, gagawin ko ang lahat makuha lang ang gusto ko." nakangisi kong sabi at taas noong naglakad palayo sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon