Chapter 9: About Drew

154K 3.5K 263
                                    

Chapter 9

Drake Andrew's POV

Tinitigan ko ang babaeng 'to habang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng maramdamang lumapit sa akin si Henry.

"Tinakot mo siya." aniya at kinumutan niya ang babaeng 'yon.

"Kasalanan niya 'yan!" inis kong sabi at iniwas kong muli ang pagtitig ko sa mukha ng babaeng 'to.

D*mn it! Nang dahil sa babaeng 'to kaya nagalit ang Girlfriend ko sa hindi ko malamang dahilan.

Tinitigan ko ulit ang mukha niya at napailing ako dahil nakikita ko si Yvette sa kanya at naramdaman ko ding bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang malas na babaeng 'to.

Dumako ang mata ko sa labi niya at tumaas ang sulok ng labi ko ng mapansing wala siyang nilagay na lipstick sa labi niya pero pinkish parin kulay ng labi niya.

"Mom." bulong niya habang mahimbing paring natutulog at nagulat ako ng humarap siya patagilid kung nasaan ako kaya madali kong napagmasdan ang mukha niya.

"Mom,don't leave me please. Don't leave me."  bulong niya at nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang braso ko ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

"Mom!" muli niyang sabi kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil namalayan ko nalang ang sarili ko na pinunpunasan ang luha niya habang mahigpit parin siyang nakahawak sa braso ko.

"Don't leave me, please?" bulong niya kasabay ng pag-alis ko ng kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad na ako palayo sa kanya.

This girl makes me crazy!

------------

Alexandra's POV

Iminulat ko ang mata ko at agad akong napaupo ng mapansin kong nasa ibang kwarto ako. Hindi naman ganito ang kulay ng kwarto ko na dinaig pa ang patay dahil kulay black ang painting ng dingding.

Nilibot ko ang tingin ko ng maramdaman kong kumirot ang braso ko at ng tingnan ko ay medyo namumula pa at may bakat pa ng kamay kaya naalala ko na nasa condo pa pala ako ngayon ni Drew.

Inikot ko ang tingin ko sa buong kwarto niya at namangha ako dahil sobrang linis at kahit gabok ay wala kang makikita.

Kumpleto din ang kagamitan sa loob ng kwarto niya. Meron ding maliit na fridge at may mga sofa din.

Lumabas ako ng kwarto niya ng may naamoy akong mabango na nang-gagaling sa kusina kaya bigla akong nakaramdam ng gutom at hindi ko namalayan na do'n ako dinala ng mga paa ko.

Napansin siguro ako ni Henry kaya humarap siya sa pwesto ko at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko ang design ng apron na suot niya. Puro strawberry ang design ng apron na suot niya

"Cute ba ako?" tanong niya sa akin at ngumiti siya ng ubod ng tamis na paniguradong titiliin ng mga babae.

Dahil sobrang singkit niya maging sa pag-ngiti hindi mo na makikita ang mata niya dahil pumipikit din ang mata niya sa tuwing ngumingiti siya.

"Hindi." pang aasar ko sa kanya ng biglang lumungkot ang mukha niya.

"Ganun ba? Okay!" malungkot niyang wika at tinalikudan niya ako at muling binaling ang tingin sa niluluto niya.

"Actually, gwapo ka at hindi ka aso kaya hindi ka cute." nakangiti kong wika at kinagat ko ang ibabang labi ko dahil feeling ko namumula ang mukha ko dahil sa sinabi ko.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now