Chapter 17: Please take care of me

148K 3.7K 353
                                    

Chapter 17

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nililibot ang tingin ko. Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko.

Nasa langit na ba ako? Imposible! Sa sama ng ugali ko sa langit ako mapupunta. Aaminin kong masamang damo ako kaya hindi na ako aasang sa langit ang diretso ko.

Kung sakaling hindi nga sa langit ang punta ko iintayin ko talaga ang babaeng 'yon at gagabutan ko siya hanggang sa mabunot ang ulo niya sa leeg niya.

"You're awake"

Tumingin ako sa nagsalita pero nanlalabo parin talaga ang paningin ko dahil hindi ko makilala kung sino siya.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa nararamdaman kong sakit. Naramdaman kong may benda ang ulo ko. Aong nangyari? Bakit wala akong matandaan. Bakit may benda ako? Bakit nanakit ang ulo ko na para bang binibiyak.

"W-who are you?" tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata ko at baka sakaling luminaw ang mata ko.

"What? Don't tell me" kinakabahan niyang tanong pero hindi ko siya pinansin.

Luminaw na ang paningin ko kaya nakilala ko na siya. Nasaan kaya kami? anong ginagawa namin dito at bakit ako nakahiga sa puting kama habang may bendang nakabalot sa ulo ko.

"H-henry" bulong ko sa pangalan niya dahil sa wakas nakilala ko narin siya.

"Thanks god! Akala ko nawalan ka ng ng alaala. Okay kalang ba? Gusto mong kumain?" nag aalala niyang tanong habang hawak ang kamay ko.

"Anong ginagawa ko dito?" gulat kong tanong dahil wala talaga akong matandaan sa nangyari.

"You don't remember what happened yesterday? You called me lastnight pero walang boses akong naririnig at mabuti naman na nakabukas ang GPS mo kaya nalaman ko kung nasaan ka. You made me worried Alexandra dahil natagpuan kitang nakahiga sa sahig habang duguan ang ulo mo." nag-aalala niyang wika at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa reaksyon niya. Alalang-alala nga siya sa akin at nagpapasalamat ako dahil may tao pa palang nag-aalala para sa akin.

Alam na kaya ni Dad ang nangyari sa akin? Siguro hindi dahil wala na naman siyang pakealam sa akin diba? So, bakit pa ako aasa na bibisitahin niya ako dito sa hospital.

Now I know kung bakit ako nandito ngayon sa hospital ng dahil sa babaeng 'yon. Marunong na siyang lumaban at unti unti ng lumalabas ang buntot at sungay niya na matagal niyang itinago.

"Here! Eat this" sabi ni Henry at binigay niya sa akin ang isang platito na may lamang apple na wala ng balat.

Kinain ko naman 'yong binigay niya dahil nagugutom nadin ako at pagkatapos uminom ako ng tubig.

Hindi ko matandaan na tinawagan ko si Henry ng mangyari 'yon dahil ang alam ko lang bumagsak na ako at nawalan na ng malay dahil sa lakas ng pagkakatama ng ulo ko sa kotse ko.

"Tell me about yourself" wika ko at humalumbaba ako habang nakatingin sa kanya.

"Okay!" Sabi niya at umupo sa gilid ng kama dahil may silya sa gilid ng kama ko tapos humalumbaba rin siya habang nakatitig sa akin.

Hindi ko ipagkakaila na ang gwapo niya. Maganda ang mata, matangos ang ilong at may makapal siyang kilay at kissable din ang labi niya.

Hindi na ako nagtataka na habulan talaga siya ng mga babae. Siguro kahit hindi siya isang modelo marami parin ang magkalagusto sa kanya.

"I'm Henry Monteverde, 22 years old and I have one brother and he's Harold Monteverde"

"Yung pinakasikat na actor?" gulat kong tanong.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora