Chapter 3: Flashback

190K 3.8K 291
                                    

Chapter 3

~FLASHBACK 12 YEARS AGO~

Matapos kong mag drawing bumuntong hininga ako at tinitigan ko ang sketch ko ng isang gown at hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang isang bagay na pinaghirapan ko.

Hindi ko alam kung bakit pag do-drawing ng mga outfit ang hilig ko. Siguro dahil humahanga ako sa pananamit ni Mommy na kahit nasa bahay hindi mo mapipigilang humanga dahil napakaganda ng mga kasuotan ni Mommy.

Sobrang fashionista ni Mommy na halos lahat ay hinahangaan siya kaya maging ako ay nagmana sa kanya. Mahilig din ako sa mga dress lalo na kapag maganda ang pagkaka-desinyo.

Dahil tapos na akong mag-drawing naisipan kong maglaro ng barbie sa garden namin habang may tatlong maid na nakabantay sa akin. Wala akong ibang kalaro kaya sinanay ko na ang sarili ko na maglaro akong mag-isa.

Mas gusto ko pa ang mag-isa kaysa marami ang nakapalibot sa akin.

Minsan nakikipaglaro ako sa mga katulong namin pero ang boring nila kalaro. Uugod ugod na kasi at baka isang ubo nalang mamatay na sila maging kasalanan kopa.

Ano nga ba ang pinapagawa ko sa kanila? Pinapagulong ko sila na para bang isa silang aso at kung minsan naman ay pinapatahol ko naman sila. Ang cute kasi nila sa tuwing ginagawa nila 'yon. Wala naman silang magagawa kasi binabayadan sila at sobrang laki ng pa-sweldo sa kanila ni Mommy.

Wala kaming alagang dog dahil allergic si Mommy sa balahibo nito kaya kahit gusto kong mag-alaga ay bawal. Hindi naman ako masyadong mahilig sa dogs pero natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga dogs lalo na kapag makapal ang balahibo.

"Young Lady, nandito na po ang daddy niyo " rinig kong sabi ni Anna na isa naming kasambahay.

"Talaga?" tanong ko habang namimilog ang mata ko at agad akong pumunta sa sala at sinalubong ko ng yakap si Daddy.

"I missed you Daddy ko." nakangiti kong wika at nagpapakarga sa kanya kasabay ng paghalik ko sa buo niyang mukha kasi sobrang namiss ko si Daddy.

"I missed you too baby ko, ang bigat mo na ngayon. Mas nadagdagan ang timbang ng baby ko." sabi niya habang karga ako sa bisig niya samantalang inamoy ko naman ang pabango niya na palagi kong ginagawa sa tuwing karga niya ako.

"Daddy naman! I'm a big girl na kaya po." nakasimangot kong sabi ng biglang matawa si Daddy at hinalikan ako sa pisngi.

"Why are you sad baby?" tanong niya at muling hinalikan ang pisngi ko pero nanatili pa ding malungkot ang mukha ko.

"Kasi pag lumaki pa ako hindi niyo na po ako mabubuhat tulad ng ganito." malungkot kong sabi habang nakanguso.

Natawa si Daddy sa sinabi ko at ibinaba niya ako pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko at matapos nun ay ginulo niya naman ang buhok ko kaya napangiti ako.

Sobrang close kasi kami ni Daddy at ganun din naman kami ni Mommy na ngayon ay kasalukuyang na nasa out of town dahil sa problema ng kompanya namin.

Ngayong araw din nakauwi si Dad galing sa si ibang bansa sa loob ng isang linggo kaya sobra ko siyang namiss.

"Sir?" nagulat ako ng may nagsalita na boses ng isang babae.

Tumingin ako sa kanya at sa tingin ko mas matanda siya sa akin na siguro mga 2 taon. Medyo maitim ang balat niya at halatang galing siya sa kalye dahil may galos ang binti niya. Hindi lamang 'yon ang suot niya din ay tsinelas ba magkaiba ang design.

"Who's that girl Daddy?" gulat kong tanong kay Daddy ng biglang ngumiti sa akin si Daddy kaya kumunot naman ang noo ko.

"Siya si Yvette at 12 years old na siya kaya dapat Ate ang itawag mo sa kanya dahil mas matanda siya sayo." nakangiting wika ni Daddy kaya pinagmasdan ko ang babaeng 'yon na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora