Chapter 29: I HATE YOU

139K 3.4K 241
                                    

Chapter 29

Palinga-linga ako sa paligid habang hinihintay ko sa labas ng mall si Henry. Ang kulit niya kasi dahil gusto niya akong sunduin kahit na may sasakyan naman ako.

Mas lalo na kaming naging close ni Henry at sa tuwing kasama ko siya nakakalimutan ko na si Drew. Palagi niya kasi akong pinapatawa sa tuwing magkasama kami.

Minsan naman tinuturuan niya akong magluto ng pang-ulam na may sabaw. Dahil magaling siyang magturo nagiging masarap nadin akong magluto ng pang-ulam at kung minsan naman ako na ang gumagawa ng cupcake sa tuwing magpi-picnic kami.

Napansin kong biglang may tumigil sa harapan kong isang mamahaling sasakyan. Bumukas ang bintana at nagulat ako ako ng makilala ko kung sino ang nasa loob. Akala ko si Henry hindi pala kundi si Drew.

"D-drew" banggit ko sa pangalan niya dahil kahit na hindi ko pa naman sinasabi ang nararamdaman ko sa kaya kinakabahan parin ako sa hindi ko malamang dahilan.

Inalis niya ang sun glasses niya at tinitigan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na 'to. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakikipag-karera ako sa mga kabayo.

Halos dalawang linggo ko na siya iniiwasan dahil masakit parin talaga at mas napadali ang pag-iwas ko sa kanya dahil nasa Australia siya ng 2 weeks para sa kompanya niya.

Si Maxine na kapatid niya wala ng ginawa kundi ang sabihin sa akin na landiin ko daw ang Kuya niya dahil ayaw niya talaga sa babaeng 'yon. Syempre natatawa nalang ako sa tuwing sinasabi niya 'yon.

Isang malandi ang tingin sa akin ni Drew kaya alam kong sa tuwing magkasama kami alam kong nasa isip niya na nilalandi ko siya.

"Get in" malamig na tono niyang wika.

"Why whould I? May hinihintay ako." mataray kong sabi sa kanya para naman mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"I said get in" matigas niyang sabi kaya napairap ako dahil sinabi ko ng may iniintay ako pero pinipilit niya parin akong papasukin sa loob ng kotse niya.

"Ayaw ko" sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Hindi ko makakayanang sumama sa kanya dahil masasaktan lang ako. Sinimulan ko na nga siyang kalimutan tapos bigla nalang siyang susulpot sa buhay ko. Siguro bored na naman siya kaya kinukulit niya ako.

Hindi naman ako isang laruan na kapag nagsawa na nilalagay sa isang istante at kapag gusto na ulit akong laruin muling kukunin sa istanteng kinalalagyan ko para laruin at kapag napagod ulit ibabalik na ulit ako sa kinalalagyan.

"ANO BA?" inis kong sigaw sa kanya dahil bigla niya akong binuhat na parang sako at agad na isinakay sa loob ng kotse niya.

Akmang lalabas ako ng kotse niya ng mabilis niya i-lock ang pinto ng kotse niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at ang gago ngumisi lang siya sa akin.

Bigwasan ko kaya ang lalaking 'to at baka hindi niya alam na siya ang dahilan kung bakit wasak ang puso ko noon hanggang ngayon.

Oo nga naman, paano niya malalaman kung hindi ko naman sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko at wala naman akong balak na naaminin sa kanya ang nararamdaman ko.

"Where are we going?" nagtataka kong tanong dahil nagsimula na siyang paandarin ang kotse niya.

Hindi siya umimik kaya sinandal ko nalang ang ulo ko sa likod ng upuan habang nakamasid sa labas. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa bulsa ko at sinagot.

"Henry" nakangiti kong sabi at napansin kong napatingin sa sakin si Drew habang nakakunot ang kanyang noo.

[ Where are you? ] nag aalala niyang tanong.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now