Chapter 38: Broken

134K 3.1K 276
                                    

Chapter 38

Yvette's POV

Natutulog pa si Babe nang pumunta ako sa condo niya. Nahirapan pa akong buksan ang pinto ng condo niya dahil iniba niya ang password niya.

Mabuti nalang at sinagot ni Henry ang tanong ko at sinabi niya kung ano ang password ni Babe. Naiinis ako dahil hindi niya manlang sinabi sa akin na pinalitan niya ang password ng condo niya.

Halos 3 taon na niyang password ang pangalan ko pero ng makilala niya ang babaeng 'yon nagbango na pakikitungo niya at maging password ng condo niya binago niya.

Handa na akong magpakilala sa buong mundo na ako ang Girlfriend niya dahil hindi ako makakapayag na maagaw sa akin si Babe ng babaeng 'yon.

Humanda ka sa akin Alexandra, alam ko na ang kahinaan mong babae ka. Hinding hindi ko ito mapapalampas.

Dahil may isang kahinaan pa akong nalaman sayo bukod kay Dad. Walang iba kundi ang BOYFRIEND ko.

Inagaw mo na sa akin si Henry kaya hindi ko hahayaang maagaw mo din sa akin si Babe.

Gagawa ako ng paraan para hindi mo siya maagaw sa akin. Gusto kong makitang maghirap ka tulad ng naranasan ko noon.

Tinitigan ko si Babe at ang gwapo niya talaga. Akin ka lang Drew, akin kalang. Walang aagaw sayo sa piling ko.

Ikaw ang makakasama ko sa pagtanda at gigising ako sa umaga na ikaw ang katabi ko habang yakap mo ako sa bisig mo.

Napansin kong gumalaw siya kasabay ng pagmulat ng mata niya. Nagulat siya ng makitang nandito ako.

Dati rati naman sa tuwing nakikita niya akong nandito tuwang tuwa siya tapos ngayon parang ayaw na niya akong nandito na akala mo'y isa akong kriminal dahil sa gulat sa mata niya.

"Yvette" banggit niya sa pangalan ko at binalewala ko nalang ang pagkagulat ko sapagkat hindi niya ako tinawag ng Babe.

"Good morning babe, I missed you" sabi ko at dinamba ko siya ng yakap kaya nakapatong ako sa kanya habang mahigpit ang yakap ko sa kanya at nakasub-sub ang mukha ko sa leeg niya.

Napangisi ako habang hinihintay ko ang babaeng 'yon na dumating. Tinex ko siya kanina na pumunta dito sa condo at nagpanggap ako na si Drew dahil alam ko naman na isang tex lang ng BOYFRIEND ko mabilis pa kay flash na pupunta siya dito. Malandi e.

Sisiguraduhin kong paglabas niya dito sa loob ng condo ng BOYFRIEND ko lalabas siyang luhaan.

Gusto ko lang ipakita sa kanya na ako ang mahal ng lalaking mahal niya. Hindi ako tanga para hindi malaman na may gusto ang babaeng 'yon kay Drew.

Pinapasundan ko sila kung saan sila magpunta. Alam ko din na pumupunta ang babaeng 'yon sa bahay ng Tita ni Babe.

Hindi ko na hahayaan na makalapit siya sa boyfriend ko at gagawin ko ang lahat para kamuhian niya si Alexandra.

I will do everything huwag lang siyang makapasok sa mundo ni Drew. Sisiguraduhin ko na sa aking mundo lang iikot ang buhay ng boyfriend KO.

~~~~~~

Alexandra's POV

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa loob ng bag ko dahil narinig kong tumunog. Nagulat ako na si Drew pala ang nag tex.

Hindi ko alam na napangiti ako habang binabasa ang message niya na pumunta ako sa condo niya dahil miss na daw niya ako. Ano kayang nakain ng lalaking 'yon at tinex ako ng ganitong kaaga.

Iniiwasan niya pa rin kaya ako tapos bigla siyang magte-tex na pumunta ako sa condo niya dahil miss na miss daw niya ako. Nakakainis dahil dapat ako ang umiiwas sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin