Chapter 41: IDKWBIFIWY

143K 3.5K 415
                                    

Chapter 41

Maxine's POV

Papasakay na sana ako sa kotse ko ng maalala kong naiwan ko pa nga pala ang bag ko sa loob ng condo ni Kuya.

Wala naman akong napala noong pumunta ako sa kanya kanina dahil hindi niya manlang ako pinapansin. Hindi na ako nagtaka dahil napakasungit talaga ng lalaking 'yon.

Mabuti nalang at hindi ako nagmana sa kanya ng kasungitan. Isa lang talaga ang pagkakatulad namin. Maganda ako at gwapo siya. Totoo ang sinasabi ko..

Kahit naman masungit si Kuya para ko na din siyang magulang dahil inaalagaan niya ako at napaka over protective niya para sa akin. Ang saya ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na tulad niya.

"Ate Alexandra" tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa tapat ng condo ni Kuya

Hindi niya ako pinansin na ipinagtaka ko. Alam kong galing siya sa loob ng condo ni Kuya dahil doon ko siya nakitang lumabas.

Ano kayang nangyari sa kanila dahil napansin kong umiiyak si Ate Alexandra.

Tatanungin ko nalang kay Kuya kung bakit umiiyak si Ate Alexandra. Siguro  sinungitan ni Kuya si Ate Alexandra kaya siya umiiyak.

Napansin kong hanggang ngayon nandito parin ang mga reporters. Grabe! Ang tibay nila dahil kanina pa talaga silang nasa labas ng condo ni Kuya at matiyagang nag-iintay.

Meron ng ngang natutulog na kasabay ng pagtulo ng laway nila. Yuck!

"Si Alexandra nga 'yong nakita ko" sabi ng isang matabang photographer.

"Kaya pala namumukhaan ko kanina." sabi naman nung isa.

"Nasaan na siya? Alam ko pumasok siya sa loob ng condo ni Sir, Cortwar. Isulat mo para may maibalita tayo mamayang gabi." sabi naman nung mukhang unggoy na reporter.

"Excuse me?" pagtatawag ng atensyon ko sa kanilang lahat.

"Si Maxine Cortwar" sabay-sabay nilang sabi at nagsitayuan sila.

"If you don't mind, pwede bang umalis na kayo sa labas ng condo ni Kuya. Nakakaistorbo na po kasi kayo sa katabing condo ni Kuya at hindi po si Alexandra ang nakita niyo kanina. Isa lang siyang katulong na tinawagan ni Kuya para linisin ang loob ng kwarto niya."

"Ganun po ba, pasensya na. Tara na guys!" sabi nila at na nakahinga ako ng maluwag ng magsialisan sila.

Napanuod ko anh balita kahapon kaya siguro ang daming reporter na gustong ma-interview si Ate Alexandra dahil iniisip nila na paniguradong pupunta ngayon si Ate Alexandra sa condo ni Kuya at mabuti nalang hindi agad nila napansin si Ate Alexandra.

Mga wala silang magawa sa buhay dahil wala na silang ginawa kundi alamin ang tungkol sa buhay ng ibang tao.

Pagpasok ko sa loob ng condo ni Kuya nagulat ako sa nakita ko. Anong nangyayari kay Kuya? Bakit umiiyak kanina si Ate Alexandra? Anong meron sa kanila na hindi ko alam.

"Kuya" tawag ko sa kanya at nilapitan ko siya.

"D*mn" mura niya.

Nakaupo siya sa sahig habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa mata niya.

"What happened?" nag aalala kong tanong dahil hindi ako sanay na makita siyang nagkakaganito.

Inalis niya ang pagkakatakip sa mata niya at tumingin sa akin kaya nakita ko ang namamasa niyang mga mata.

Ngayon ko lang ulit nakitang umiyak si Kuya at noong huli ko siyang nakitang umiyak ay noong namatay si Mommy.

"Kuya, what happened? Why are you crying? Kuya naman." nag aalala kong wika habang hinahaplos ko ang likod niya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now