Chapter 32: He's the best

140K 3.5K 229
                                    

Chapter 32

Mabuti na lang at naka survive pa ako sa init ng araw dahil feeling ko kanina para akong masusunog sa sobrang init.

Naglakad lang kasi kami papuntang park dahil malapit lang pala sa bahay nila. Mabuti na lang at malilom dito sa park kasi kung hindi iiwanan ko talaga ang unanong 'yon dito ng mag-isa.

"I have 2 rules," rinig kong sabi niya kaya kumunot ang noo ko dahil bigla na lang siyang umimik.

"WHAT? Ano'ng pakana naman 'yan? " tanong ko dahil ano'ng rules ang sinasabi niya.

Mamaya isasako ko na talaga 'tong batang 'to at ihuhulog ko sa tulay pero joke lang! Kahit naman ganun ako kainis sa batang 'to hindi ko naman kayang gawin ang bagay na 'yon. Paano pa ako mamahalin ni Drew kapag ginawa ko ang bagay na 'yon.

"Rule #1 huwag mo akong sisigawan at dapat maging mabait ka lang sa akin," sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Seryoso?!

"What? Ang hirap naman ng rule mo dahil hindi ako mabait," gulat kong sabi at nginisian niya lang ako.

"Kapag hindi mo ginawa ang rule ko alan mo na ang mangyayari," nakangisi niyang sabi kaya mariin kong pinikit ang mata ko.

"Fine!" sabi ko at iniripan ko siya.

Kaya ko bang magpakabait sa batang tulad niya. Naiinis na talaga ako sa batang 'to kanina pa lalo na sa tuwing lumilingkis siya kay Drew. .

Don't get me wrong. I'm not jealous. I'm not.

"Rule #2" muli niyang sabi at tumigil siya sa harapan ko na para bang nag iisip.

Akalain mo nga namang may isip pa pala ang batang 'to. Akala ko kasi nasa talampakan ang utak niya.

"Rule #2? Dalawa na kaya ang rule mo," sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang mata ko.

"Tahimik!" mataray niyang saad kaya napairap ako na lang ako.

Tulad nga ng sinabi niya tumahimik na lang ako dahil baka hindi siya mag dalawang isip na iparinig ang audio recoder na 'yon kay Drew.

Balak kong kunin ang audio recorder na 'yon mula sa kanya. Humanda ka siya sa akin dahil talaga magkakaroon ng  world war 1000 dito sa park na 'to.

"Hmm!! Just follow me and just listen to what I am saying. From now on I am your tourguide" sabi niya kasabay ng pag-ngisi niya habang nakatingin sa akin.

"Anong tingin mo sa akin? Mangmang na hindi alam ang lugar na 'to?" inis kong tanong sa kanya dahil isang-isa nalang talagang bibinggo na sa akin ang batang 'to.

"Tahimik, mabait ako pero sa oras na umagal ka sa sasabihin ko alam mo na ang mangyayari," mataray niyang sabi kaya kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pananakot niya.

"Fine!" wika ko dahil takot ko nalang na baka kainin ako ng batang 'to ng buhay.

Ganito pala siya magalit na parang si Drew lang. Ang lakas ng virus ng lalaking 'yon at namana ng batang 'to ang pag-uugali niya.

Nalaman ko na si Drew pala ang pinaglinhan noong araw na  nagbubuntis pa si Tita Claudette.

Kaya napagkakamalan ng marami na anak ni Drew ang batang 'to dahil magkamukha talaga silang dalawa kahit na saang anggulo mo tingnan.

"Follow me, try to escape. You don't like what will happen," ma-awtoridad niyang wika.

"Fine" inis kong sabi at inirapan ko siya na ngayon ay nagsisimula ng maglakad na parang isang modelo dahil naka chin up siya.

"Nakikita mo ba 'yon?" tanong niya habang nakaturo sa seesaw.

Syempre alam ko ang tawag dyan at hindi ako sanggol para hindi malaman kung ano 'yon.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon