Chapter 10: Pretend

152K 3.7K 580
                                    

Chapter 10

Tinaas ko ang isang kilay ko ng mapansin ko na hindi mapakali si Bianca sa kanyang kinauupuan. Namumula din ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ang katabi ko.

"He's Henry Monteverde right?" gulat na tanong ni Bianca sa akin habang namimilog ang mata niyang nakatingin kay Henry.

Tumango ako at muling umub-ob dahil sa nararamdaman kong antok. Ikaw ba naman ang papuntahin ng Starbucks habang antok na antok kapa at sakto naman na nakita ako ni Henry kaya sumama na siya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya.

Hindi ko nga alam kung bakit ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya at nasisiguro ko na hindi imposible para sa akin na magustuhan ko ang isang tulad niya.

"I'm Henry Monteverde." pakilala ni Henry kay Bianca at ang gaga kilig na kilig habang ang lapad ng ngiti na nakatingin kay Henry.

Na-ikwento niya din dati na crush na crush niya si Henry kaya pala parang familiar ang pangalan niya sa akin dahil bukod sa lagi siyang ikinu-kwento sa akin ni Bianca isa din nga siya sa sikat na modelo dito sa pilipinas.

"Ako naman si Bianca Beatrice De Silva." malapad na ngiting pakilala naman ni Bianca at hinawakan ang kamay ni Henry kaya napansin ko ang namumula niyang mukha kasabay pa ng pagkagat niya sa ibaba niyang labi.

Napairap nalang ako sa kanilang dalawa dahil para silang elementarya na nagkaaminan ng nararamdaman sa isa't-isa.

"Inaantok pa talaga ako, Bianca. Bakit mo ba ako pinapunta dito? Pwede naman sa mansyon mo nalang sabihin ang gusto mong sabihin sa akin." humihikab kong sabi at muli kong sinub-sob ang mukha ko sa mesa at pinikit ang mata ko.

"I'm pregnant!"

"WHAAATT?!" sigaw ko dahil sa gulat kaya napatayo ng biglang magsitinginan ang lahat ng tao na nandito sa loob ng starbucks kasabay ng biglang pagtawa ni Henry dahil sa naging reaction ko.

"Joke lang! Ang epic nun gurl." natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya dahil sa inis ko. Pinagtitripan lang pala ako ng babaeng 'to.

"Hindi 'yon nakakatuwa!" inis kong sabi kaya tumigil na siya sa pagtawa.

"Yeah right! Pero nawala ang antok mo."

Alright! Nawala nga ang nararamdaman kong antok ng sinabi niya 'yon. Pero naaasar talaga ako dahil hindi magandang biro na sinabi niya na buntis siya.

"Ano ba ang sasabihin mo?" naiinip kong tanong dahil kanina pa kami nandito sa loob ng starbucks pero hindi parin niya sinasabi ang gusto niyang sabihin at talagang sa oras na mainip ako dahil sa kabagalan niya lalayasan ko talaga siya dito.

"I'm going to France next week." malungkot niyang wika kaya nanlaki ang mata ko samantalang nilalaro niya lang ang daliri niya.

"What?"

"Pinapasunod na ako doon nina Mom at Dad dahil kailangan ko daw matutong i-handle ang kompanya namin doon para mabilis daw akong matuto dahil ako lang naman ang nag-iisang magmamana ng kompanya nila." malungkot niyang wika kaya malakas akong napabuntong hininga.

"Alam na ba 'to ni Irish?"

"Yes. Kaya ikaw lang ang pinapunta ko dito para sabihin ang bagay na 'yon. Mami-miss kita, mami-miss ko kayong dalawa. Sana hindi niyo ako makalimutan na dalawa. Wala akong magagawa kundi ang pumunta sa France." sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Tumayo ako at niyakap ko siya dahil siguradong mamimiss ko din ang babaeng 'to. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala siya dahil nasanay ako na palagi siyang nasa tabi ko.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon