Chapter 21: I Can't Stop Imagining My Life With You

142K 4.2K 426
                                    

Chapter 21

Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng lalaking humila sa akin ng makarating kami ng parking lot. Humarap siya sa akin kaya nagulat ako ng makilala ko siya.

Bigla ko siyang sinalubog ng mahigpit na yakap ng bigla siyang matawa. Sobrang namiss ko talaga siya.

"I missed you Kian!" bulong ko habang niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"I can't breath.." nahihirapan niyang wika kaya kaagad naman akong humiwalay ng yakap sa kanya habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Siya si Kian Alvarez at siya ang boy bestfriend ko simula pa noong highschool kami. Isa siyang sikat na football player kaya iniwan niya ako para pumunta ng America para do'n na siya mag-aral.

Sa sobrang close naming dalawa ang akala ng iba may relasyon kami. Hindi naman nami sila masisisi dahil para talaga kaming may relasyon sa tuwing magkasama kami.

Palagi kaming magka-hawak ang kamay sa tuwing naglalakad at minsan naman ay inaakbayan niya ako kahit na magkaibigan lamang kami.

"I hate you!" nakasimangot kong sabi kasabay ng paghampas ko sa dibdib niya.

"I'm sorry." aniya.

"Pero tinupad ko naman ang pangako ko na babalik ako diba?" muling niyang sabi at ginulo ang buhok ko kaya mas lalo akong napasimangot dahil ginulo niya ang buhok na palagi niyang ginagawa noon.

"Yeah right! Tinupad mo nga ang pangako mo pero alam kong iiwan mo ulit akong Kapre ka." Inis kong sabi habang ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Pasensya kana dahil hanggang isang linggo lang ako dito. May kailangan lamang akong gawin kaya nandito ako ngayon sa pilipinas." paliwanag niya kaya malakas akong napabuntong hininga.

"Okay!" nakasimamgot kong tugon habang kagat ko ang ibabang labi ko.

"Hanggang ngayon ba naman sa tuwing matatagpuan kita palagi ka nalang malapit na mapahamak." naiiling niyang wika kaya napayuko ako dahil totoo naman ang sinasabi niya.

"Pease be careful next time. Paano kung hindi ako dumating? Paano kung ni-rape ka ng lalaking 'yon. May laban kaba sa kanya? Ha?!" nag-aalala niya muling sabi kaya napangiti ako.

"Thank you!" wika ko at pinisil ko ang tungki ng ilong niya na ubod ng tangos.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako na mabilis ko naman na ginantihan ng yakap. Aaminin ko na nagka-gusto ako sa kanya noong high school pa kami.

Pero may girlfriend siya noong time na 'yon kaya hindi ko sinasabi ang nararamdaman ko para sa kanya.

Syempre iba na ngayon dahil wala na akong gusto sa kanya dahil may laman na ulit ang puso ko.

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin palayo kay Kian. Pati si Kian nagulat din ng biglang may humila sa akin palayo sa kanya.

Ang higpit ng hawak niya sa akin habang ang sama ng tingin kay Kian.

"D-drew.." nauutal kong tawag sa kanya habang nanlalaki ang mata ko dahil sa gulat

Bakit siya nandito? Akala ko nasa Australia siya pero bakit siya nandito ngayon? Bakit ang sama ng tingin niya kay Kian na para bang isa siyang bata na naagawan ng candy.

"Hey! What's your problem?" inis na tanong ni Kian habang ang sama ng tingin niya kay Drew.

"No one can touch my property!" seryoso niyang sabi at hinila ako palayo sa lugar na 'yon kaya wala akong nagawa at nagpatangay na sa kanya.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Kasali din ba 'yon sa pagpapanggap na may relasyon kami? Kasi kung OO itigil na niya ang kahibangan niya dahil masasaktan lang ako.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon