Chapter 46: Love

160K 3.6K 326
                                    

Chapter 46

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nag isketch ako. Ikaw ba naman ang gumising na pagkamulat palang ng mata mo nakangiting mukha niya agad ang bubungad sayo sabay halik pa sa buong mukha mo kahit na hindi kapa naghihilamos dahil bagong gising ka lang.

Hinatid niya ako kanina dito sa botique ko at mabuti nalang walang nakakita sa aming dalawa na magkasama.

Hindi ko pa natatanong kung ano ng meron sila ng Yvette na 'yon. Natatakot ako sa pwede niyang isagot.

"Mam Alexandra, may gusto pong kumausap sa inyo. Papasukin ko po ba?" tanong ni Kristine habang patuloy parin ako sa ginagawa ko.

"Okay" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"So, this is your office?" rinig kong sabi ng pumasok kaya agad kong tumingin kung sino siya.

"What are you doing here?" irita kong tanong habang humigpit ang pagkakahawan ko sa lapis ko.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito. Ang lakas ng loob dahil talagang sitting pretty na nakaupo sa couch ko habang naka-cross arm na nakatingin sa akin.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na layuan mo ang boyfriend KO?" matalim na sabi niya sa akin habang ang sama ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Wala kang karapatan para diktahan ako at gagawin ko ang gusto kong gawin dahil BUHAY KO 'TO." matalim ko ding sabi habang nakatingin ng masama sa kanya.

Saan kaya ang punta ng babaeng 'to dahil ang kapal ng lipstick na kasing kapal ng mukha at budhi niya at ang suot niya hapit na hapit.

Yung totoo? Nakakahinga pa ba siya? Baka kasi sa bibig na siya humihinga dahil hapit na pahit talaga ang suot niya.

Saan kaya siya magtatrabaho ngayon? Mukha siyang p*kp*k, I'm being honest.

"I have the rights because I'm his GIRLFRIEND" sabi niya at talagang diniinan pa ang salitang Girlfriend.

"Alright! You're his GIRLFRIEND. You know what? Me and your BOYFRIEND slept together. How sweet of him because we do cuddle all night." nakangisi kong sabi kaya natigilan niya.

"What?" gulat niyang tanong habang ang sama ng tingin sa akin.

"Ang sarap ng boyfriend mo." nakangisi kong sabi at sinandal ko ang likod ko sa swivel chair.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at akmang sasampalin ako ng mabilis ko namang nasalo ang palad niyang lalapat sa pisngi ko.

Nakatitig lang siya ng masama sa akin habang pilit na inaalis ang kamay kong nakahawak sa wrist niya.

"Bitawan mo akong m*l*ndi ka." gigil niyang sabi pero hindi ko ginawa ang sinabi niya.

"Pataray kapa lang, pasampal na ako." sabi ko at sinampal ko siya ng malakas.

Nakatingin siya ng masama sa akin habang hawak ang pisngi niya. Wow! Nalapatan na naman ng maduming mukha ang precious hand ko.

"You will pay for this bitch" gigil niyang sabi sabay sampal naman sa akin at kinalmot ako sa pisngi.

Hindi ko alam na may pagka pusang laog pala ang babaeng ito.

"Sh*t" daing ko dahil sa lakas ng sampal niya na halos umecho sa loob ng office ko at may kasama pang kalmut sa pisngi.

"Kung nakakahaba lang ng buhay ang kalandian sigurado akong immortal ka na!" gigil kong sabi at akmang ibabato ko sa kanya ang hermes bag ko ng maisip ko na huwag nalang dahil mas mahal pa 'to sa buhay niya.

"Look whos's talking... ikaw ang m*l*ndi dahil inaagaw mo ang boyfriend KO. Masarap ba siya? Masarap ba ang boyfriend ko? SUMAGOT KA!!" sigaw niya at lumapit sa akin kaya hinanda ko ang sarili ko dahil napansin kong sasampalin niya ulit ako.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon