Chapter 24: HURT

138K 3.6K 340
                                    

Chapter 24

Nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang pisngi ko habang nakatitig parin siya sa mga mata ko na para bang ikaw lang ang nakikita niyang babae sa buong mundo.

'Yong titig na parang malulunod ka o di kaya ay matutunaw. Napansin kong papalapit ang mukha ni Henry sa mukha ko kaya pinikit ko ang mata ko.

"Ang tagal kitang hinanap." nakangiti niyang sabi habang hawak parin ang magkabila kong pisngi at nilapit muli ang mukha niya kaya pinikit ko ang mata ko.

Nabigla ako ng halikan niya ang tungki ng ilong ko kaya iminulat ko ang mata ko. Sumalubong ang mga titig niya sa mata ko at ang lapit parin ng mukha namin sa isa't-isa.

Bigla siyang pumikit at mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin kaya pinikit ko ang mata ko ng maramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya ng maramdaman kong hinawakan niya ang batok ko para mas mapalapit sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero gumanti lang ako sa halik na binibigay niya.

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin palayo kay Henry. Sumalubong sa akin ang mukha ni Drew na galit na galit.

Ano ang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako kina Henry. Nakita niya ba na naghahalikan kami ni Henry?.

Wala akong nagawa at nagpatangay nalang sa kanya. Sa higpit ng hawak niya sa akin malabong makatakas ako sa pagkakahawak niya sa akin.

Susundan pa sana kami ni Henry ng pigilan ko siya dahil ayaw kong dumating sa punto na mag-away silang dalawa ng dahil lamang sa akin.

"Bitawan mo ako." inis kong sabi habang pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Binitawan niya naman ako at seryosong tumitig sa mata ko. Nakipagtitigan din ako sa kanya pagkatapos inirapan ko siya at nagsimula ng maglakad paalis.

Naiinis ako sa kanya dahil bigla nalang siyang susulpot at guguluhin ang moment namin ni Henry. Naramdaman kong hinawakan niya ulit ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya ngayon. Dahil ba mahal niya si Yvette? Oo! NAIINIS AKO DAHIL MAHAL NIYA ANG BABAENG 'YON. ANG BABAENG KINAIINISAN KO SA BUONG BUHAY KO. ANG BABAENG KINUHA ANG LAHAT SA AKIN.

"You" malamig niyang sabi kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ako? Inaano kita? " tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"Are you flirting with him?" Inis niyang tanong.

Hindi ko alam na kusang dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Namalayan ko nalang na tumutulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Ganun ba ang tingin niya sa akin dati pa? Isang malandi dahil ang akala niya nilalandi ko ang kaibigan niya.

CONGRATULATIONS ALEXANRA, ANG TANGA MO..

"Tulad ng panlalandi mo sa akin?" malamig na tono niyang tanong kaya naikuyom ko ang palad ko dahil sa galit sa mga salitang lumalabas sa labi niya.

"PASENSYA NA! MALANDI PALA ANG TINGIN MO SA AKIN. SALAMAT DAHIL PINAALAM MO!" sigaw ko sa kanya at pagkatapos tumakbo na ako palayo sa kanya habang patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.

Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko habang nasa loob ako ng taxi. Ang sakit niya magsalita dahil sinabihan niya akong ng malandi.

Ang tanga ko dahil binigyan ko lahat ng meaning ang mga ginagawa niya sa akin na baka isa lang 'yong kasinungalingan para mahulog ako sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now