Chapter 20: Busy

144K 3.4K 179
                                    

Chapter 20

Ella's POV

I'm so proud to my beautiful cousin habang inaalala ko ang eksenang naganap kanina sa pagitan nilang magkapatid.

Kung maldita ako mas maldita si Ate Sandra kaya mas naging close kaming magpinsan. Matagal na din akong naiinis sa Yvette na 'yon dahil masyado siyang mapagpanggap na akala mo isa siyang anghel na bumaba sa lupa.

Kung ako ang kapatid ng babaeng 'yon, siguradong wala pang isang linggo napalayas ko na siya sa pamamahay namin.

Naiinis talaga ako sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya nakikita ko na din ang impyernong sinasabi nila.

Sabihin na nating maamo ang mukha niya. Don't me! Sa dami kong nakilalang ganyan na akala mo sobrang bait sa'yo pero ang totoo ginagamit ka lang para sa sarili nilang interes in short piniperahan ka nila dahil alam na mayaman ka.

"You're the best.." malapad na ngiti kong sabi ng pumasok siya sa kwarto niya na mabilis namang siyang dumiretso ng kama niya at ibinagsak ang sarili niya.

Napairap nalang ako ng mapatingin ako sa wall clock niya na hugis mukha ni Hello Kitty na kulay pink. Ang ayaw ko lang kay Ate Sandra dahil mahilig siya sa pink.

Ayaw ko kay Hello Kitty dahil mas gusto ko si Doraemon at si Stich. Sinong aangal? Magtutuos tayo! Hindi kita talaga kita tatantanan.

I hate pink. Masyadong girly sa paningin ko.

"Napanuod mo?" kunot noo niyang tanong habang nakadapang nakaharap sa akin.

"Yes! Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya sinundan kita ng mapanuod ko kayong dalawa ng babaeng 'yon kaya biglang nawala ang gutom ko. Still the same ha?! Dahil hanggang ngayon maldita kapa rin." namamangha kong sabi sa kanya.

"That's the real me, pinapakita ko lang ang tunay kong ugali hindi katulad ng babaeng 'yon na may maskara sa mukha para lang matakpan ang totoo niyang ugali." inis niyang sabi at niyakap ang unan niya na hello kitty kaya napairap ako.

"That's why you're my idol.." malapad na ngiti kong tugon kaya lumapad ang ngiti niya.

Idol ko na talaga siya noong mga bata pa kami. Palagi kaming magkasama ni Ate Alexandra kaya minsan dito na ako natutulog habang katabi ko siya at masayang nagka-kwentuhan.

Alam ko na galit na galit siya sa Ate niya simula noong pa mga bata pa dahil inaagaw niya lahat ng meron si ASandra. Mas lalo siyang nagalit noong nawalan ng tiwala ang kanyang ama sa kanya ng dahil sa babaeng 'yon.

Nagpaalam na ako sa kanya dahil may kailangan pa akong gawin. Nang pababa na ako ng hagdan ng nakasalubong ko si Yvette kaya sumilay ang ngiti sa labi ko. FAKE SMILE!

Hindi ko ipagkakaila na na miss ko siya, namiss ko siya awayin. Wala akong pakealam kung mas matanda siya sa akin dahil hindi naman siya kagalang-galang sa panigin ko.

"Look who's here!" malapad na ngiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Disente naman ang suot niya pero siguro ako mamayang gabi na ang suot niya ay kinulang na sa tela.

"Oh? Hi sayo.." sabi ko habang fake smile na nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?" tanong niya habang naka-kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Visiting my favorite cousin." nakangisi kong sabi ng mapansin ko na sumeryoso ang mukha niya.

"Ow? Hindi mo na siguro nakayanang manatil sa impyerno niyang kwarto." nakangisi niyang wika habang ako naman ag kulang nalang ay matawa dahil sa sinabi niya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now