Chapter 37: POCKY ^_^V

138K 3.3K 342
                                    

Chapter 37

Nakamasid lang ako sa labas ng mansyon namin habang iniintay ko na lumabas si Dad dahil miss na miss ko na talaga siya

Gusto ko lang siya makita pero wala akong balak na magpakita sa kanya dahil masakit parin para sa akin na mas pinipili niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin.

Nakita kong palabas na si Dad sakay ng kotse niya at mabuti nalang nakabukas ang bintana ng kotse ni Dad kaya malaya ko siyang napapagmasdan.

Masaya na ako masulyapan ko lang si Dad. Minsan kaya naisip niya na hanapin kung nasaan ako at tanungin kung okay lang ako.

Mukhang wala na talagang pakealam sa akin si Dad dahil sa Yvette na 'yon.

Kasalanan niya ang lahat ng 'to dahil kinukuha niya ang mahahalagang bagay at mga tao sa buhay ko.

Sinubukan niya akong siraan kina Bianca at Irish at mabuti nalang talaga ay walang tiwala sa kanya ang dalawang 'yon at alam na naman nila na hindi totoo ang lahat ng sinasabi ng babaeng 'yon.

Matatanggap ko pa sana kung naging lalaki ang naging anak ni Dad dahil paniguradong walang world war 2 na magaganap sa pamamahay na 'to.

Dapat kasi hindi na pinanganak ang babaeng 'yon na sagabal lang sa buhay namin.

Pinaandar ko na muli ang sasakyan ko dahil umalis na si Dad papunta ng kompanya. Siguradong mag papagabi na naman si Dad sa kompanya namin.

Naisipan ko nalang na pumunta sa bahay nina Irish dahil matagal narin akong hindi nakakapunta sa kanila.

Dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng bahay nila dahil kilala na nila akong lahat. Pumunta ako kwarto niya at nakita ko siyang nakahilata sa kama.

Nami-miss ko na ang babaeng 'to dahil bihira nadin kaming magkita. Kamusta na kaya si Bianca dahil hindi na siya masyadong tumatawag sa akin dahil nagiging busy na daw siya sa kompanya nila kaya namimiss ko na ang babaeng 'yon.

"Hoy" tawag ko sa kanya ng bigla siyang nagulat at nagpatak sa kama kaya humagalpak ako ng tawa.

"Ay chichi! Alexandra naman!" Inis  niyang sabi habang ang sama ng tingin sa akin na nakahawak sa pang-upo niya dahil sa pagkahulog niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti nalang ako dahil alam kong namiss niya din ako dahil ang tagal na naming hindi nagkikita.

"Anong kailangan mo? Siguro kaya ka pumunta dito dahil may kailangan kang babae ka." nagtatampo niyang wika habang nakangusong nakatingin sa akin.

"Wala! Masamang bang puntahan ang bestfriend for life ko? Kung ayaw mong nandito ako mabuti pang umalis nalang ako." malungkot kong wika at akmang tatayo ng hawakan niya ang braso ko para pigilang huwag umalis.

"Joke lang naman, I missed you gurl" sabi niya at muling akong niyakap.

Matapos naming magdrama kumuha siya ng pagkain sa kusina para may makain kami at naisipan naming tawagin si Bianca sa skype.

Parang kasama nadin namin siya sa  bonding kaso sa skype nga lang. Nami-miss ko na ang bonding tatlo na palaging naka tambay sa starbucks para mantrip.

[ I MISSED YOU ALEXANDRA. I MISSED YOU IRISH. ] sigaw niya habang nagpa-flying kiss sa screen kaya natawa kaming dalawa.

"We missed you too" sabi naman ni Irish at ngumuso siya at nilapit ang mukha niya sa screen.

"She's right!" sabi ko at nginitian ko siya.

"Uwi kana? Di na ako galit" biro Irish sabay hagalpak ng tawa.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon