Chapter 13: Xander's Loveteam

151K 3.5K 110
                                    

Chapter 13

"WHAT?" gulat na tanong ni Henry habang namimilog ang singkit niyang mata dahil sa gulat sa sinabi ko.

Tumango lang ako kaya malakas siyang napabuntong-hininga. Nandito parin kami sa loob ng condo ni Drew kahit na wala na naman ang reporter sa labas. Gusto ko na ngang umuwi para makita ang reaksyon ng babaeng 'yon.

Do'n ko malalaman ang totoo niyang kulay.

"Wala na bang ibang paraan?" tanong ni Henry habang nakatitig siya sa mata ko.

"They saw me naked." wika ko na ikinagulat niya.

Maski ako ay namumula na ang mukha dahil sa sinabi ko. Hindi naman kasi ako sobra na hubad pero parang hubad nadin ang tawag do'n dahil nakatakip lamang ng puting kumot ang katawan ko at idagdag mo pa na wala na pang-itaas na lumabas si Drew ng condo niya ng hinila niya ako.

"Whay? You two are h---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinutol ko na siya.

"No! Walang nangyari sa aming dalawa dahil natulog lang kami" mabilis kong sabi at iniwas ko ang tingin ko kay Henry dahil namumula na talaga ang mukha ko.

"Bakit dito ka natulog sa condo ni Drew?" naguguluhan niyang tanong habang nakakunot ang noo niya.

"Hindi ko alam dahil pagkagising ko kaninang umaga nandito na ako dahil ang natatandaan ko lang ay nasa bar ako kagabi tapos hindi kona alam ang nangyari." paliwanag ko sa kanya habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.

"Mabuti nalang." nakangiti niyang wika na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa nalaman niya.

Tumingin ako kay Drew at napataas ang kilay ko. Aba't ang loko mahimbing lamang na natutulog sa sofa. Tatadyakan ko kaya ang lalaking 'to dahil hinayaan niya lang ako na mag-isa na sumagot sa lahat ng tanong ni Henry.

"Tara na! Ihahatid na kita sa inyo." nakangiti niyang wika kaya tumayo na ako dahil gusto ko na talagang umuwi ng mansyon para makita ko ang reaction ng impaktang 'yon.

Aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano na naman kaya ang problema ng bipolar na lalaking 'to.

"Hindi pwede dahil sa akin ka sasama." matigas niyang wika na para siyang isang Prinsipe na nag-uutos.

"Bakit naman ako sayo sasama? Ha?!" taas kilay kong tanong at inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Kapag nakita nila na magkasama kayo aakalain nila na nilalandi mo lang kaming dalawa." malamig niyang wika kaya wala na akong nagawa kaya sa kanya na ako sasama dahil ayaw kong isipin ng mga tao na isa akong ganun.

"Okay!" sabi ko nalang kasi wala naman na ako na magagawa.

"Pasensya na, Henry. Sa susunod nalang." sabi ko kay Henry ng mapansin kong lumungkot ang kanya mukha.

"Okay lang, basta mag-ingat kayong dalawa." tugon niya at ginulo ang buhok ko pagkatapos nun nagpaalam na ako sa kanya at sumama na kay Drew.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya habang siya ay nagmamaneho. Nakatingin lamang ako sa labas habang pinagmamasdan ang paligid at ang mga taong naglalakad.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil excited na talaga akong umuwi para salubungin ang babaeng 'yon. Ano kaya ang reaksyon niya sa napanuod niya? Lalabas na ba ang totoo niyang kulay na matagal na niyang itinatago.

"Nandito na tayo." rinig kong sabi niya.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" gulat kong tanong dahil hindi ko naman sinasabi kung nasaan ang mansyon namin.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon