Chapter 36: Barney Song

140K 3.5K 176
                                    

Chapter 36

"Hey" tawag sa akin ni Julya.

Hindi ko siya pinansin dahil ang lalim ng iniisip ko. Kahit anong papansin ko kay Drew hindi niya ako pinapansin kaya naninibago ako sa kinikilos niya.

It's been a week nang nangyari 'yong sa sementeryo. Sa tuwing nakikita ko siya hindi niya ako pinapansin at maski nga tapunan ako ng tingin hindi niya magawa na para bang may bulutong ako sa mukha na pinandidirihan niyang tingin kahit ang totoo wala.

Ang sarap ng tulog ko kanina ng tumawag ang batang 'to dahil miss na daw niya akong awayin kaya pinapunta niya ako sa bahay nila.

Wala naman akong magagawa dahil may pang blackmail ang batang 'to at baka malaman ko nalang na alam na ni Drew na mahal ko siya ng wala manlang akong kaalam-alam.

"What?" inis kong tanong habang ang sama ng tingin ko sa kanya dahil kanina niya pa ako kinukulit.

"Stop pouting dahil nagmu-mukha kang chongo na nagpapaawa. Nakakadiri kaya ang itsura mo." sabi niya na may kasama pang pag-irap kaya nakagat ko ang labi ko at baka hindi ko mapigilang ikulong siya sa loob ng kwarto niya.

"Mukha ka namang chanak" sabi ko sa kanya at binelatan ko siya pero ang gaga inirapan lang ako.

"Boring" sabi niya habang naka nguso at sumandal sa likod ng sofa.

Nakakaboring nga dito sa mansyon nila at kung alam ko lang na ganito ka boring edi sana hindi na ako pumunta dito.

Kaming tatlo lang nina Drew dalawang maid ang nandito. Si Drew naman ah nasa kwarto niya at nagkukulong dahil meron siyang kwarto dito.

Palagi kasi gusto ng batang 'to na kasama si Drew kaya may sarili na siyang kwarto dito.

"Nag-away ba kayo ni Daddy?" tanong niya.

"What?" gulat kong tanong ko.

Nag-away ba kami ng hindi ko alam? Parang hindi naman dahil siya nga 'tong iniiwasan ako sa halip na ako ang umiiwas sa kanya.

"I'm so stupid, you're not his girlfriend. Why would I asked you that stupid question" natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Sige lang ipamukha mo pa sa akin na hindi ako ang girlfriend niya.

Nakaka hurt kaya ng feelings at ang manhid ng batang 'to. Alam naman na mahal ko si Drew kung makapagsalita parang hindi ako masasaktan..

Tumayo siya sa kinauupuan niya at umakyat ng hagdan kaya alam kong pupunta siya kay Drew.

Sumunod ako sa kanya ng mapansin kong nakaawang ang pinto ng kwarto ni Drew kaya sumilip ako. Nakahiga si Drew habang nagtatalon sa kama si Julya para gisingin siya.

"DADDY KO! WAKE UP! I LOVE YOU" sigaw ni Julya habang sunod-sunod ang pagtalon ng biglang umupo si Drew at nagkusot ng mata.

Napairap nalang ako ng biglang sinuggabang ng batang 'yon ng yakap si Drew.

"I love you too baby" sabi ni Drew at kinalong ang witch na 'yon.

Napasimangot ako dahil sa nakikita ko. Mabuti pa ang batang 'yon nasasabihan niya ng ganun tapos may yakap at halik pa sa pisngi.

Napansin ata niyang may nakatingin sa kanila kaya tumingin siya sa direksyon ko.

Kaagad kong isinara ang pinto at napa aray ako dahil naipit ang daliri ko. Napaupo ako sa sahig habang hinihipan ko ang daliri kong naipit dahil sobrang sakit

"Tanga" rinig kong sabi ng batang 'yon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Humanda talaga sa akin ang unanong 'yan dahil kanina niya pa ako iniinis.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon