Chapter 5: Blackmail

172K 4.1K 228
                                    

Chapter 5

Nakatitig lamang ako sa walang emosyong mata at dumako ang tingin ko sa ilong niya na sobrang tangos at bumaba ang tingin ko sa mapula niyang labi ng bigla akong mapalunok dahil ang kissable ng labi niya.

"Speak," seryoso niyang sabi at tiningnan ang wristwatch niya na para bang gusto niya akong sisihin kung bakit nagsasayang siya ng oras sa isang tulad ko.

Hindi parin talaga ako makapaniwala na ang lalaking una kong minahal at  nanakit sa akin ay nasa harap kona ngayon kaya hindi ko maiwasang kabahan dahil baka naaalala niya ako.

Naaalala niya na ako ang pinahiya niya noon sa harapan ng maraming tao. Mukhang hindi niya naman ako naaalala kasi kung naaalala niya ako malamang pagtatawanan niya ako.

Siya ang Boyfriend ng babaeng 'yon at gumawa talaga ako ng paraan para lang makausap siya.

Sabihin na nating nagmakaawa pa ako sa bodyguard at secretary niya para lang makapasok ako sa kompanya niya. Hindi kasi talaga biro ang makipag-usap sa boss nila kasi sobrang higpit dito.

Syempre nagulat ang iba ng makilala ako kaya ang lapad ng ngiti ko kanina dahil ang alam kong tumatakbo sa isip nila na ako ang girlfriend ng amo nila.

Gusto ko ng simulan ang plano ko kaya nandito ako. Gagawin ko ang lahat para mapibig ko siya siya ng masaktan ng husto ang babaeng 'yon kapag nalaman niyang nasa akin na ang pinakamamahal niyang boyfriend.

"Be my model," nakangisi kong saad at humalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa habang nakatitig sa mga mata niya.

Ngumisi siya at pinagmasdan ang katawan ko. Napatikhim ako dahil ang manyak ng tingin na ipinupukol niya sa akin na para bang isa akong bayarang babae.

Uminit ang dugo ko dahil baka nga 'yon ang iniisip niya sa oras na 'to. Kapag talaga hindi ako nakapagpigil matatadyakan ko ang lalaking 'to sa harapan mismo ng mga mga taong kumakain ngayon dito sa loob ng restaurant para mapahiya siya.

"Why would I?" nakataas ang isa niya kilay na tanong at tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin.

"Kasi gusto ko." wika ko na mas lalo niyang ikinangisi at umayos ako ng upo habang naka-cross arm akong nakatingin sa kanya at nakasandal sa upuan.

I admit na gwapo parin siya tulad ng dati kaya nga nagustuhan ko siya pero iba na ngayon dahil wala na akong gusto sa kanya. Sa tingin ko nga siya ang pinaka gwapong modelo ang nakilala ko na kahit na pang boss ang suot niya ay sobrang gwapo niya pa din lalo na kapag all black ang suot niya.

"Why me?" masungit niyang tanong habang nakataas pa din ang isa niyang kilay.

"Because.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil bakit nga ba? Syempre para sa plano ko sa babaeng 'yon. Alangan namang sabihin ko na. "Para agawin kita sa kapatid ko, payag ka?" ano ba 'yan? Hinding-hindi ko sasabihin 'yon dahil sa oras na sabihin ko 'yon alam kong hindi na ako makakalapit sa kanya.

"Because?" naiinip niyang tanong at tumaas ang isang kilay niya dahil ang tagal kong sumagot..

"Kasi ano.." hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Isip Alexandra, ang lakas ng loob ko na kausapin siya tapos hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Bakit kasi sa tuwing kaharap ko siya umuurong ang dila ko katulad no'ng bata pa kami kung kailan gustong-gusto ko siya.

Kahit nga ang pagsulyap sa kanya hindi ko magawa dahil madali siyang makaramdam kapag may nakatingin sa kanya.

"D*mn it! You excuse me for nothing? You're just wasting my time." galit niyang sabi pagkatapos tumayo na siya at nagsimula ng maglakad habang naiwan akong nakaawang ang labi at napairap ako sa inis na nararamdaman sa kanya.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now