Chapter 6: Seal the deal with a kiss

163K 3.9K 188
                                    

Chapter 6

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid kasi  nagbabakasakaling may makita akong kakilala ko ngayon sa mall. Nisipan kong gumala ngayon sa mall dahil minsan nalang ako mamasyal sa dito dahil masyado akong busy sa trabaho ko. Mas napagtutuunan ko na ng pansin ang trabaho ko kaysa sa sarili ko.

Ayaw ko naman mag stay sa mansyon dahil nando'n ang babaeng 'yon. Hindi ko talaga maatim na makasama siya sa iisang lugar kahit na magkasama na kami noong bata pa kami. Hanggang ngayon hindi ko parin siya feel kasi galit ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

Nang dahil sa kanya ay inatake si Mommy sa puso kaya nawala na siya sa buhay namin. Bakit pa kasi sumulpot ang babaeng 'to sa buhay namin. Nagkanda letche-letche ang buhay ko ng dahil sa kanya.

Sobrang nami-miss ko na si Daddy dahil palagi nalang siyang wala sa mansyon sapagkat nasa ibang bansa siya dahil kailangan siya ng kompanya niya namin do'n. Nakakapagtaka nga kasi kapag naayos na ni Daddy ang isang problema ng kompanya meron namang isa na magkakaroon ng problema.

Nangyari 'yon ng mawal si Mommy kasi magaling mag handle si Mom ng kompanya kasi lumaki siyang nakapalibot sa mga taong matataas ang kinalalagyan.

Habang naglalakad ako napansin kong nagbubulungan ang mga babae sa gilid ko habang habol ang tingin nila do"n sa lalaking nasa unahan ko kaya nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang kanilang pinagbubulungan at hindi ko mapigilang mapangisi habang pinagmamasdan ko siya.

Nandito siya ngayon sa mall habang namamasyal. Kung saan siya pupunta do'n din ako pupunta in short sinusundan ko siya. Mabuti nalang talaga dahil hindi siya nakakahalata na may sumusunod sa kanya.

Napansin ko na humarap siya sa akin kaya mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag ko at kaagad kong pinindot ang app na pokemon go.

"Sinusundan mo ba ako?" biglang tanong niya habang ang sama ng tingin na ipinupukol niya sa akin kaya kumunot ang noo ko na kunwari ay ngayon ko lang siya napansin.

"Huh? Ako ba ang kinakausap mo? Hindi ah! Bakit naman kita susundan?" depensa ko habang umiiling at nakaturo sa sarili ko na para bang hindi ko alam na ako ang tinutukoy niya.

"You?!" gulat niyang tanong ng makilala kung sino ako.

"Finally! Nakita ko na si Pikachu, tabi dyan ay huwag pala nasa tayo mo lang si pikachu, ay hindi pala. Nasa zipper mo lang pala. Sandali lang huwag kang gagalaw ha!" sabi ko habang pini-picturan ko ang zipper niya kasi nandun si Pikachu.

Biglang nag sink in sa utak ko kung ano ang ginagawa ko. Wait-- zipper? Kaagad kong nabitawan ang phone ko ng ma-realize ko na ang toot niya pala ang kinukuhanan ko ng litrato pero mabilis ko naman kinuha sa ibaba ang phone ko na nahulog at tinago ko sa loob ng bag ko, wala akong pakealam kung hindi na gumana.

Para akong tanga sa ginagawa ko at hindi ko napansin ko na ang dami na palang nakatingin sa amin habang pinipigilan nila ang matawa dahil sa katangahan ko.

Stupid Alexandra, totoo naman talaga na nasa zipper niya si Pikachu habang nakalambitin.

"This is the first time that I met a perverted woman," nakangisi niyang wika habang nakatingin sa 'kin.

"Hindi ako manyak, totoo naman kasing nasa zipper mo si pikachu," tugon ko habang namumula ang dalawa kong pisngi dahil sa kahihiyan.

"Wala sa zipper ko si pikachu, buksan mo nang makita mo," nakangisi niyang sabi na ikinapula ng mukha ko.

Iniwas ko ang tingin dahil ramdam ko talaga na namumula na ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Baka naman hindi si Pikachu ang makita ko kundi isang anaconda. Gosh!!

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon