Chapter 7: Video

161K 3.9K 128
                                    

Chapter 7

"What is this? OMG!!!" gulat na tanong ni Bianca habang nakatakip ang kamay niya sa bibig niya na para bang hindi siya makapaniwala sa pinapanuod niya.

Nandito kami ngayon sa condo niya habang hinihintay namin si Irish na dumating. Bihira nalang akong pumunta sa condo ni Bianca dahil wala talaga akong oras para maglibang lalo na't madaming mga actor at actress ang gustong magpa-design sa akin.

Si Irish naman porket may boyfriend na minsan nalang din magparamdam sa amin kaya nagtatampo kaming dalawa sa kanya dahil parang mas inuuna niya pa ang boyfriend niya kaysa sa aming dalawa ni Bianca na kaibigan niya.

"My plan." sabi ko at humiga sa kama niya habang may ngisi sa labi ko.

Pinikit ko ang mata ko at dinantay ko ang binti ko sa unan.

"He's a good kisser right?" tanong niya habang kilig na kilig na pinapanuod yung video.

Iminulat ko ang mata ko at napaupo ako galing sa pagkakahiga ko at nahihiyang tumango sa kanya habang namumula ang dalawa kong pisngi dahil sa hiya.

Hanggang ngayon naaalala ko ang halik na naganap sa aming dalawa. Oo! Hanggang sa pagtulog ko bumabalik ang nangyaring 'yon sa panaginip ko.

Sa tuwing magsasalamin ako dumadako ang paningin ko sa labi ko habang naaalala na naman ang kiss naming dalawa ni Drew.

Tanga kana naman Alexandra, huwag mong sabihin na gusto mo parin ang lalaking 'yun matapos ng nagpapahiya niya sayo at pananakit sa damdamin mo.

"How did you know?" nahihiya kong tanong habang nanlalaki ang mga mata ko.

"Dahil sa sampung beses kona atang inulit ulit ang panunuod ko. Napansin kong hindi ka makasunod sa galaw ng labi niya at may narinig akong ungol. OMG! Don't tell me?!" sabi niya at gulat siyang tumingin sa akin.

Samantalang ako gulat na gulat dahil sa sinabi niya, hindi nga ? Sino 'yong umungol? Ako ba 'yon? Bakit hindi ko alam. GHAD!! Sana hindi narinig ng lalaking 'yon.

"Hmmm.." rinig kong ungol doon sa video kaya namula ang pisngi ko at tinakpan ng unan ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Sabi na nga ba't ikaw ang umungol. Mabuti nalang at hindi ka nadala at humantong na magawa niyo ang bagay na 'yon. Alam mo gurl pumunta ka sa kusina at kunin mo 'yung bote na walang laman" natatawa niyang sabi habang ako ay naman ay mas hinigpitan yung unan sa mukha ko.

"Kunin mo nga sabi ang boteng walang laman doon sa may loob ng kusina. Bilisan mo!" natatawa niyang sabi at kulang nalang ay gumulong sa sahig sa sobrang pagtawa.

"Bakit ko naman kukunin?" nagtataka kong tanon sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Pagpraktisan mong humalik para naman sa sunod na halikan niyo ng lalaking 'yon marunong ka ng makasabay sa bawat halik niya."natatawa niyang sabi at gumulong na nga sa sahig sa kakatawa.

Binato ko siya ng unan at sakto namang dumating si Irish na may dalang pagkain.

Kailangan ko ng makuha ang phone ko bago pa niya maipanuod kay Irish. Patay na naman ako sa pang aasar ng dalawang ito dahil paniguradong isang linggo nila akong aasarin tungkol sa videong 'to.

"Irish, may ipapanuod ako sayo. Dalian mo!" tawag niya kay Irish at kaagad siyang nagtungo papunta kay Irish.

"Don't you dare!" inis kong sabi habang ang sama ng tingin ko sa kanya pero hindi siya natinag dahil ipinanuod niya pa din ang video kay Irish.

Nanlalaki ang mata ni Irish lalo na ng narinig niya na may  umungol. Samantalang ako naman ay kulang nalang ay magtago sa ilalim ng kama dahil sa kahihiyan na nararamdama ko.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant