LEL 3: Brutch Xeph Crimson a...

By NaturalC

22.2K 2K 143

Find the little girl who holds the code and kill her. Iyon ang instruksiyon kay Lead ng kanyang Lifter. Isa s... More

Lead's Profile:
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Epilogue
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. Tin (Sn)

Part 11

455 53 2
By NaturalC

Ten years later...

Pasimpleng humakbang si Mary Grace mula sa likuran ng mga nagsisikantang choir. Pinanlakihan siya ng mga mata ng kaibigan at katabi niyang si Malou.

"Saan ka galing?" parang ventriloquist na gagad nito. Halos di bumuka ang bibig.

"Tumulong kami ni Tiyang sa mansiyon nina Mrs. Norwood," bulong niya.

Nalukot ang ekspresyon ng mukha nito. "Naku 'yang Tiyang mo na 'yan. Inaalila ka na nga sa bahay. Inaalila ka pa sa trabaho. Aba, sabihin mo college student ka at hindi mo hawak ang oras mo. Kung makaasta akala mo siya 'yong nagbabayad ng tuition fee mo."

"Sshh..." awat niya dito. "Oo na . Maya na tayo magkuwentuhan." Pasimple niyang sinulyapan ang guro na nakaupo sa harap ng piyano. Si Ms. Maglipol na daig pa ang isang old maid sa sobrang kasungitan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa direksiyon nilang dalawa ni Malou.

"Sabi ko kasi kay Father Ziggy ligawan, eh. Tatawa-tawa lang. Biruin mo 'yon. Ex niya pala itong si Ma'am. Siguro kaya naging bitter kasi ang guwapong si Father Ziggy ay piniling pumasok sa seminaryo."

"Ang daldal mo, Malou."

Pamaya-maya pa ay pumailanlang ang tunog ng organ sa loob ng kapilya. Pagkatapos ng practice ng choir ay tumuloy sina Mary Grace sa malapit na kantina.

"May gagawin ka ba sa Saturday?" tanong ni Malou habang nginunguya ang hamburger.

"May NSTP ako." Magkaklase silang dalawa nito sa kursong Nursing. Nasa ikatlong taon na sila ng kolehiyo. Graduate na ang kaibigan niya sa NSTP samantalang siya ay hindi pa. Di niya kasi kinuha ang subject sa ikalawang taon dahil pumapasok pa siya noon sa isang fast food restaurant bilang isang crew.

"Nga pala, no? Tsk. Yayayain sana kitang manood ng sine. Kasama si Luke." Tumaas-baba ang kilay nito.

"Haha. Style mo bulok. Ayoko ngang kasama ang isang 'yon. Reto ka ng reto. Adik naman 'yon." Anak si Luke ng Mayor sa bayan nila. Nag-aaral ito sa unibersidad na pinapasukan nila.

"Ayaw lang siyang intindihin ng ibang tao dahil sa reputasyon niya." Napayuko ito. "Kung bibigyan mo siya ng chance—"

"Gusto mo siya, di ba?"

Ngumiwi ito. "Pero ikaw ang gusto niya."

Ibinaba niya sa mesa ang sandwich na kinakain. Hinawakan niya ang isang kamay ng dalaga. "Malou look, I'm your friend. Wala akong magagawa sa feelings mo at sa feelings ko para kay Luke. Sinabihan na kita noon na iwasan mo siya. Sinabi ko 'yon sa'yo para sa kapakanan mo."

Kumunot ang noo nito. "Dahil sa adik siya? Playboy? Spoiled brat?"

"Dahil ayokong masaktan ka." Hindi diretsong maisambulat ni Mary Grace ang tunay na ugali ng binata sa kanyang kaibigan. Halos limang taon na kasi nitong crush ang binata. Simula pa ng highschool sila.

"Ang sabi niya ginawa niya ng isang beses." Seryoso ang mga mata ni Malou. "You know... ecstasy. Malaki ang hinanakit niya sa erpat niya."

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ako interesadong malaman."

"Talaga bang wala ka ni kahit na katiting na gusto do'n sa tao?"

"I don't have that kind of interest in any guys." Napahawak siya sa kuwintas na nasa leeg niya. At isang ngiti ang sumibol sa kanyang mga labi. "Meron nang taong umookupa sa puso 'ko."

"Sino? 'Yong lalaking nagligtas sa'yo nung bata ka?" Pumalatak ito. "Ni hindi mo nga maalala ang pangalan o itsura, eh."

Naging malungkot ang eskpresyon niya. "Lagi sa aking ikinukuwento ni Uncle Marco ang taong 'yon."

"Hindi kaya nanaginip lang ang Uncle mo no'n? Ni pangalan hindi binanggit."

"I suffered a trauma when I was nine. Ang sabi ng psychologist na tumingin sa akin, I unconsciously blocked all the painful memories in my head. Ang naging pagkamatay ng parents ko kasama na rin ang lahat ng naging pangyayari sa Brazil."

Curious na tumunghay ito sa kanya. "Yeah. Noong unang salta mo sa bayan, para kang manikang hindi nagsasalita. Laging nakatulala."

"Dahil pakiramdam ko noon may importanteng bagay akong kinalimutan kasama ng masakit na ala-ala ng pagkamatay ng mga magulang ko. May isang bagay na bumabagabag sa akin ng husto."

"Bestfriend... okay ka lang ba?"

Nakita niya sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala. "Naka-move on na 'ko sa parteng 'yon ng buhay ko. Wala na si Uncle Marco at Auntie Mercy. Pero nangako akong mabubuhay ako ng masaya at totoo sa sarili ko." Napabuntong-hininga siya at napasandal sa upuan. "It's thanks to them that I am healthy physically and psychologically now. Hindi nila 'ko iniwan ng hindi ako nakakatayo sa sarili kong mga paa. Pinakawalan nila ko mula sa kalungkutan. But somehow, it's still feels so empty."

Malou also sighed. "Pasensiya ka na kung dumadagdag pa 'ko sa alalahanin mo. Ako na ang bahala kay Luke."

"No! Iwasan mo siya!"

"Bakit? May hindi ka ba sinasabi sa 'kin, Mary Grace?"

"W-wala. Pero hindi ko talaga siya gusto para sa'yo, Malou."

"Hay naku! Ewan ko sayo. Huwag na nga nating pagtalunan pa 'to."

Matapos nilang kumain sa kantina ay naghiwalay sila ni Malou pagdating sa may terminal. Balak kasi nitong dalawin ang lola nito. Gusto niya pa ring balaan ang kaibigan kay Luke pero kilala niya ang personalidad nito. Pero siguradong hahanap siya ng tiyempo para ipaalam ang lahat dito. She would surely find time.

Papasakay na siya sa may jeep nang isang bulto ang makabungguan niya. "Ouch..." Napahawak siya sa balikat. "Mauna ka na nga—" Nabitin sa lalamunan niya ang mga salita nang tumaas ang paningin niya. Exaggerated na napatingala siya dahil may mataas na pigura ang lalaking kaharap niya.

Nakasuot ng shades ang lalaki. Kulay brandy ang may kahabaang buhok na nakatali ng goma sa likod. Simpleng t-shirt na kulay gray ang suot na may naka-print na salitang New York City sa harap. Puting jeans na punit sa pinakatuhod ang pang-ibaba at simpleng canvas shoes sa paa.

Makalaglag panga ika nga ang itsura nito. Tila modelo kung dalhin ang sarili. Kung nasa Pilipinas ka, ito ang uri ng taong lilingunin mo sa pinaka-obvious na rason. Foreigner. Halata sa mamula-mula at mapusyaw na kompleksiyon ng balat nito.

Kumunot ang noo ni Mr. Foreigner. Nakatunghay ito sa kanya pero di niya alam kung pinagmamasdan nito ang mukha niya dahil sa nakaharang na salamin sa mga mata nito. Pero parang pamilyar siya dito. Para bang nakita na niya ito noon.

Ang hagigikan sa likuran ang nagpanumbalik sa lumipad na utak ni Mary Grace. Mga estudayteng babae na nakatingin sa banyaga. Mukhang takaw-atensiyon na nga ito doon.

Napakurap siya. "M-mauna ka na, Mister." Iminuwestra niya pa ang mga kamay.

"Tch." Inismiran siya ng lalaki. O imahinasyon niya lang ba 'yon?

Huh? Ano 'yon? 

Takang-taka man sa iginawi ng estranghero ay minabuti niyang ipagwalang-bahala na lang 'yon. Sumunod siya pasakay sa likuran nito. Umupo siya bakanteng upuan taliwas sa upuan ng binata. Ang ilang mga estudyanteng babae ay halos magtulakan sa loob ng jeep na nag-uunahang makatabi ang foreigner. Napapailing na inilisya niya lang ang mga mata. Tumagilid ang direksiyon ng mukha niya sa may bintana. She was really exhausted. Matapos makapagbayad ng pamasahe ay ipinikit niya ang mga mata.

"Hey my little Mary Grace, what's the meaning of your life?" 

Muli ay ang tanong na 'yon. Saan niya ba unang narinig 'yon? Alam niyang ang Daddy niya ang madalas na magtanong sa kanya ng ganoon. Bilang ama, ang Daddy niya ay mapag-aruga at mapagmahal. Naalala niya ang masasayang sandali noong kasama niya pa ang tunay niyang pamilya pero bakit hindi niya maalala ang naging pagkamatay ng mga ito? Sinabi sa kanya ng Uncle Marco niya na namatay ang parents niya dahil sa pagprotekta sa buhay niya mula sa masasamang tao. 

Iyon lang ang kailangan niyang malaman sa murang edad ng kanyang kaisipan. Subalit kahit nang magdalaga siya ay nakuntento na siyang hindi mag-usisa. Nakuntento? Hindi 'yon ang tamang salita. Natakot siyang magtanong. Iyon ang katotohanan. Kahit ngayon ay takot siyang malaman ang lahat. Without her parents around, she leaned on a pretense that everything was alright. Mahirap. Mabigat sa dibdib. Lalo na nang bawian ng buhay ang mag-esposo at esposang tumayong mga magulang niya. 

Para siyang naiwang nakatiwangwang sa ere. Nagsisi siya na hindi siya nagtanong. Nagsisi siya na hindi niya inalam ang lahat. Pain was something a human naturally avoid. Pero hindi ba't mas mainam na masaktan ka na lang kaysa sa wala kang maramdaman? Dahil ngayon ay para siyang naliligaw. Kahit ipinangako niya sa sarili na uusad siya pasulong, hindi niya maihakbang ang mga paa dahil parang may kadenang nakagapos doon. Ang kadenang konektado sa kanyang pagkatao at nakaraan.

Ano bang isinagot ko sa'yo, Dad sa tanong mong 'yon? 

Sa mga oras na 'yon, ano ang isasagot niya sa sariling tanong? 

Ano ba ang kahulugan ng buhay ko?

As she opened her eyes, a pair of turquoise green eyes welcomed her. At ang nagmamay-ari ng mga matang 'yon ay ang foreigner na nasa harapan niya. At ngayon ay matamang nakatitig sa kanya. 

****

- Amethyst -

Continue Reading

You'll Also Like

191K 5.2K 25
Isang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mun...
61.3K 1.8K 10
Skyla had always been in love with her stepbrother, Kaylus. Kahit na nga alam niyang hindi tama ang nararamdaman niya para dito. Until that incident...
6.9K 246 18
Si Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under...
122K 3.4K 26
To Have and To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay...