LEL 3: Brutch Xeph Crimson a...

By NaturalC

22K 2K 143

Find the little girl who holds the code and kill her. Iyon ang instruksiyon kay Lead ng kanyang Lifter. Isa s... More

Lead's Profile:
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Epilogue
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. Tin (Sn)

Part 6

513 48 1
By NaturalC

Inilabas nito sa envelope ang resulta ng x-ray ni Mary Grace. Idinikit nito iyon sa fluorescent screen na nasa dingding.

Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Is it positive?"

"Even without an x-ray, I am positive that she has a pacemaker inside her body. I did already perform an ECG to check the device's function. Hopefully nasa ayos pa naman ang baterya. Kahit sa auscultation at percussion lang sa katawan ng bata, ramdam ko ang pulse generator."

"How about the foreign object inside of it?"

Tumango ang doktor. "Yes. It was visible." Itinuro nito ang mistulang guhit sa ribcage. "May isang maliit na bagay na nakadikit sa lead wires. Hindi ako sigurado kung ano 'yon pero inconsistent ang bagay na 'yon para maging parte ng equipment."

Nilingon niya ang direksiyon ng bata. Wala itong kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa buhay nito. Kahit hindi pa kumpirmadong iyon ang microchip, alam niyang hindi nagsisinungaling si Greyson. He couldn't help but be disappointed. Kahit papaano ay umaasa siyang wala sa katawan nito ang isang delikadong bagay na pag-aagawan ng mga terorista. 

Pero ano bang mababago kung naroon man 'yon o wala? The moment this little girl lost his parents, she already lost the way to a normal life. 

"Pwede ba nating tanggalin?" tanong niya nang muling harapin ang doktor.

"Of course we can. Normally, talagang pinapalitan ang artificial pacemaker tuwing ika-walo hanggang ika-sampung taon. Drain na 'yong baterya ng pulse generator sa mga oras na 'yon. I guess in her case, that's just temporary. Mahina ang puso niya sa ngayon. Sa oras na lumaki ang bata at kaya nang suportahan ng na-develop na puso ang katawan. Hindi niya na kakailanganin pa ng pacemaker. We could probably resort on oral medications hanggang maging stable ang lagay niya."

"Puwede ba nating simulan na ang procedure ngayon?"

Natigilan ang doktor. Sumeryoso ang anyo. "That would be a problem, Mr. Crimson. Everything is done under a process. Kailangan ko ang medical records ng bata as for endorsement maging ang consent ng mga magulang para sa operasyon."

"I can provide the medical records but the consent of her parents is quite impossible." Muli siyang bumaling kay Mary Grace.

"Kamag-anak ka ba niya?" usisa nito.

"I am not."

Saglit na katahimikan ang nagdaan sa pribadong klinika na 'yon. "You are not trying to harm the kid with this, aren't you?"

Diretsong tumingin siya sa mga mata ng doktor. "It's the other way around, Doc."

Humugot ito ng malalim na hininga. "May tiwala ako sa mga taong rekomendado ni Mr. Cassidy," tukoy nito kay Nitro. "Tinulungan niya 'kong itayo ang clinic na 'to. Kung ano man ang maitutulong ko para palitan ang pabor na 'yon, gagawin ko. As long as it's not illegal or bad." Tumikhim ito at nagtungo sa table. "You can sign the consent, Mr. Crimson as the guardian of this kid. Pero hindi ko maisasagawa ang operasyon ngayon. I need to provide and prepare the things required for this. Isa pa, may mga kliyente akong naka-schedule ngayong araw na 'to."

Frustration ran through his body when he heard him. "So, kailan puwede?"

"Is tomorrow an inconvenient day for you? Sasabihin ko sa'yo ang schedule at ang mga preparasyong kailangang gawin ng pasyente."

Sumibol ang ngiti sa kanyang mga labi. "It's perfect, Doc." Nilapitan niya ito at kinamayan. "Thank you. Dodoblehin ko ang bayad."

"Hindi mo na kailangan pang gawin 'yon. As long as it's for the sake of this little Miss." Ginulo nito ang buhok ni Mary Grace.

Nahihiyang nagtago sa likod niya ang bata.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"GUSTO mo ba 'yan?" tanong ni Lead kay Mary Grace na kasalukuyang nakatunghay sa malaking stuffed toy na nasa harap nito. Matapos nilang lisanin ang klinika ay dinala niya ito sa bukas na pamilihan para bilhan ito ng damit at ilang mga gamit. Di niya sana nais na i-expose ito sa mataong lugar subalit hindi niya matiis na ilabas ito suot ang kanyang damit. 

Mistulang pajama ang kanyang long-sleeve polo na suot nito kani-kanina lang. Ngayon ay suot nito ang isang bestida mula sa isang kilalang botika na napapatungan ng fur coat dahil sa mild winter season, mamahaling sapatos, at ilang aksesorya na ikinabit ng mabait na sales clerk sa buhok ng bata. Disenteng-disente itong tingnan at mukhang anak-mayaman. Para itong manika. Isang manikang anghel na may maamong mukha.

Walang reaksiyon ang bata at nananatiling nakatungo ang nanlalaking mga mata sa panel glass ng toy shop. 

So she's in her dreamland. Napangiti na lang si Lead. Lumuhod siya sa tabi nito at pinagmasdan ang namamanghang anyo nito. Palagay ang loob niyang nakukuha pa rin ng mga laruan ang atensiyon nito tulad ng isang normal na paslit. Kahit pansamantala ay gusto niyang makalimutan nito ang sinapit ng mga magulang nito. 

Tuwing gabi ay naaalimpungatan siya dahil nagsusumiksik sa kanya ang yayat na katawan nito na may bahid ng takot sa pag-iisa. He had Mary Grace took his bed on the quarters and he slept on the sofa bed. Ngunit nagigising pa rin siyang katabi ang bata. Kaya naman sinasamahan niya na itong matulog sa kama. She was so fragile and small he started to get scared of her presence.

Paano kung may makatunog na naroon lang ito sa kanyang cabin? Paano kung maging agresibo ito at lumabas ng kuwarto habang wala siya? Mga tanong na nagpakaba ng husto sa kanya. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na ialis ito sa lugar na 'yon. Masyadong mapanganib dahil naroon si Lambert—ang taong gustong kunin ang buhay nito.

Muling nanumbalik ang galit sa dibdib niya nang maisip ang misyong ipinapagawa ng Lifter. The hell he would do that! May madaling paraan para mawasak ang delikadong impormasyon nang hindi aabot sa pagkitil ng isang inosenteng buhay. Pero bakit hindi 'yon makita ng HYDRA?

Biglang napaigtad si Lead sa maliliit na kamay na dumako sa magkabilang pisngi niya. Sinalubong ang kanyang pansin ng mabibilog at malilinaw na mga mata ng munting prinsesang kaharap niya. It was too ironic how his face could be so transparent on her dark black eyes.

Nakita niya ang sarili sa mga mata nitong tila salamin ng kanyang pagkatao. Naroon sa mukha niya ang pait ng emosyon at paghihirap. Wala siyang lakas ng loob na tingnan ang repleksiyon niya sa salamin sa mga taong ginugol niya bilang assassin. Dahil natatakot siyang isang malamig na mukha ng isang mamamatay-tao ang bubulaga sa kanya. But now looking at himself, he was still human enough to have those kinds of expression. Pumanatag siya.

Napakurap siya nang tumungo ang daliri ng bata sa pagitan ng kanyang mga kilay. Maaring napansin nito ang pagkaka-kunot ng kanyang noo. He forced a smile to ease her anxiety. At bumuka ang bibig nito sa isang katagang nagpatigil sa kanya. 

"SORRY." That was the single word he read on her lips. At tila maiiyak na naman ang mga mata nitong nakapako sa kanya.

Hindi alam ni Lead pero sa mga oras na 'yon ay tila may nakabarang mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Kung gano'n ay mali siya. Di ito sing-ignorante tulad ng iniisip niya. Kahit hindi naiitindihan ng mura nitong kaisipan ang mga nangyayari, ipinapaalam nito sa kanya na nararamdaman nito ang mga sakripisyong ginagawa niya. Na alam nito ang panganib sa buhay nito.

Pero hindi nito linya 'yon. Wala itong kasalanan. Masuyo niya itong kinabig palapit sa kanyang katawan. Ilang butil ng likido ang kumawala sa kanyang mga mata. "Ako dapat ang mag-sorry sa'yo, Mary Grace. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil wala akong nagawa para iligtas ang mga magulang mo. Kahit ngayon, ang organisasyong kinabibilangan ko mismo ang banta sa buhay mo. Naiintindihan mo ba ako? Kasalanang lahat ng Kuya Xeph mo."

Humiwalay ito at eksaheradong umiling. Pinahid ang kanyang mga luha kahit naglandas sa pisngi nito ang sariling mga luha. Napakamisteryoso. Kahit walang salitang namumutawi sa munting bibig nito ay nagagawa nitong aluin ang kanyang puso. Mas nararamdaman niya ang sinseridad ng paslit sa katahimikang 'yon. It was holy. It was pure. How could even Lambert tell him to murder this angel? Even uttering those words were unforgivable.

"I'll protect you, Mary Grace. Kahit pa buhay ko ang maging kapalit, hindi ko hahayaang madamay ka sa magulong mundo na 'to."

Matapos siyang ngitian nito ay niyakag niya papasok sa loob ng toy shop. Nais niya lang ibigay ang mga bagay na makakapagpasaya sa bata. Wala pa siyang kaide-ideya sa mga oras na 'yon, na ang huling masasaksihan niya ay ang tumatangis nitong mukha. 

****

- Amethyst -

Continue Reading

You'll Also Like

658K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
26.7K 819 15
SYNOPSIS: Nakilala siya bilang DON ROMANTIKO noong kanyang kabataan. Ang panliligaw niya, idinadaan sa harana. Si EDELLBERTO SATURNINO. Nangangarap m...
27.8K 1.1K 16
Nalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, ...
13.2K 376 10
Naniniwala siya na darating din ang araw na mapagtatanto nitong may puwang pa rin siya sa puso nito. She will realize sooner that he's still the perf...