EMERALD ACADEMY: THE LEGENDAR...

By DarkDreamerKen

323K 13.5K 939

A girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd an... More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1. Krishzel Vish Amethyst
Chapter 2: Emerald Academy
Chapter 3- Water and Ice
Chapter 4: First Day
Chapter 5: S-Class
Chapter 7: Numinous Woods
Chapter 8: Closeness
Chapter 9: Class Leveling
Chapter 10: Training
Chapter 11: Apology
Chapter 12: Leveling
Chapter 13: Legendary Magic
Chapter 14: Three Second Attack
Chapter 15: Welcome to S-Class
Chapter 16: No Powers?
Chapter 17: Atlas
Chapter 18: Animal Guardians
Chapter 19: Farrah's Birthday
Chapter 20: Confession
Chapter 21: Revealed
Chapter 22: Gossip
Chapter 23: Mission
Chapter 24: Holy Tome
Chapter 25: Faith and Trust
Chapter 26: The Curse
Chapter 27: Sacrifice
Chapter 28: Part Of Me
Chapter 29: Sorrow
Chapter 30: Dark Fire
Chapter 31: Friend or a Foe
Chapter 32: Saved
Chapter 33: Truth Unfold
Chapter 34: Pain
Chapter 35: Attack
Chapter 36: Mission
Chapter 37: Mortal World
Chapter 38: Mortal World 1.2
Chapter 39: Krishzel's Home
Chapter 40: Downfall
Chapter 41: Saved
Chapter 42: Missing
Chapter 43: Reveal
Chapter 44: Lies
Chapter 45: Return
Chapter 46: Lost Princess
Chapter 47: Reasons
Chapter 48: Kill
Chapter 49: Agony
Chapter 50: Daughter's Love
Chapter 51: Dark Vill
Chapter 52: Rebirth
Chapter 53: Beginning
Chapter 54: War
Chapter 55: Goodbye
Chapter 56: Finally Accepted
Epilogue
Author's Note.
Pahabol Chapter

Chapter 6: Potion

6.8K 270 12
By DarkDreamerKen

Someone's P.O.V.

Bawat araw na lumilipas mula ng makatungtong sya sa Emerald Academy ay parati ko siyang sinusubaybayan sa mga ikinikilos niya. Ni hindi niya alam na lagi akong nakamasid sa mga bagay na ginagawa niya.

Nalaman ko nadin ang kanyang kakayahan nang maabutan ko siyang nakikipaglaban sa tatlong estudyante. Di ko lubos akalain na kaya niyang makipaglaban gamit lamang ang physical combat laban sa taong gumagamit ng magic.

Ilang araw na mula ngayon ang nasaksihan kong kaganapan sa loob ng academy. Sa bawat araw ay tila namamangha parin ako sa kakayahan niya.

Inaamin ko na sobrang mamamangha ako sa kakayahan niya. Habang nag-iisip ako sa aking kwarto ay pumasok na dito ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng mahabang panahon. Alam ko na malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa mga nagawa nila para saakin.

"Kamusta?" Pang-uusisa ko sa mga nangyayari. Tumahimik muna sila sandali at sumagot na.

"Maayos na po ang lahat." Usal ng isa habang nakangiti pa ito.

"Pulido na po ang lahat, at sa tingin ko ay walang makakaalam dito. Pilit naming itinago sa lahat upang hindi nila ito malaman o mabisto." Pagsagot rin ng isa pang taong napalapit nadin saakin.

"Magaling kung ganon. Maaari na kayong makaalis." Matapos kong sabihin iyon ay tumungo muna sila bilang paggalang saka naman umalis na saakimg silid.

"Darating ang tamang panahon at mapapasaakin ka din. Hindi ko sasayangin ang oras na yun para mapunta ka saakin. Oras na dumating ang panahong aking pinakahihintay ay sisiguraduhin kong makikilala mo ako."

Isang mapaklang ngiti ang nagawa ko matapos kong sabihin iyon saaking sarili. Tumingin ako sa labas ng bintana upang tingnan ang mga kaganapan. Abala ang lahat para sa gagawin kong pagplaplano.

Krishzel P.O.V.

Nandito kami ngayon sa laboratory para sa Alchemy Class namin. And I admit this is the subject that makes me feel bored.

Its been 2 weeks of my stay here in this academy. Okay naman dahil walang umaaligid saakin na mangbubwisit lang. Tulad ni Marish, pero everytime na tumitingin sya saakin ay hindi ko gusto ang mga ngiti niyang ibinibigay saakin. Parang may halong pang-iinis yun at gustong gusto kong burahin iyon sa mukha niya. Parang nanggagalaiti akong bugbugin sya dahil sa mga pinaggagawa nya. Isama mo pa si Jessica na sobra kung makapagreact everytime na may connection saakin. I dont know why kung bakit ang init ng ulo saakin ng babaeng yon. As far as I know wala naman akong ginawang mali sa kanya.

Pumasok na si Professor Elainne sa room at nagsimula nang magdiscuss. Professor Elainne is one of the most powerful witch here in the Academy. Madami syang alam tungkol sa paggawa ng potion, spells. Pero napag-alaman ko na basic spell lang ang nagagamit niya pero malalakas na spell daw yun.

Nagdiscuss siya about sa topic at wala manlang akong naintindihan sa lahat ng pinagsasabi niya. Parang sobrang lutang ako sa mga oras na yun. Kahit nakatingin ako sa kanya habang nagdidiscuss ehh wala manlang pumasok na information sa utak ko.

Nang matapos siyang magdiscuss ay tumahimik muna siya at muling nagsalita.

"And now for your activity for this meeting I would like you to make your own potion. Any potion that you like to create. I will give you two executive days para matapos ang potion na gagawin nyo." Pagkasabi niya nun ay nagsigawan ang mga kaklase ko. Tila natutuwa sa sinabi ni prof.

"Mam saan po kami kukuha ng ingredients?" Pagtatanong ni Farrah kay prof at sumang-ayon naman ang iba.

"I already asked headmaster Jem about this at pumayag siya na pwede kayong pumunta sa Numinous Woods." Nakangiti niyang sinabi na ikinagalak naman ng mga kaklase ko.

"Also I want to inform you dahil sa gagawin ninyo ay wala kayong klase for the next two consecutive days to accomplish your activity." Naghiyawan ang lahat at tila sobrang saya dahil sa sinabi ni prof.

Lumabas na siya ng room at ang mga classmate namin ay nagsilabas nadin para simulan ang pagagawa at paghanap ng ingredients na gagamitin nila for their potion.

"Farrah anong gagawin mong potion?" Pagtatanong ni Andrew kay Farrah at ngumiti naman ito.

"Well I am thinking of a power enhancement potion." Nabigla kami dahil sa sinabi niya. Pero siya ay mukhang excited na sa gagawin niyang potion.

"What about you Hydra?" Tinanong ni Andrew si Hydra na kasalukuyang naglalaro ng water ball sa kanyang kamay.

"Ahm, I guess gagawa nalang ako ng controlling potion." Pagsagot niya habang patuloy na nilalaro ang water ball sa kamay niya. Bigla itong nag-yelo na kanyang ikinagulat kaya nahulog ito at nabasag. Tumingin siya kay Farrah na ngayon ay nakangisi na.

Ganito talaga sila kung ano anong topak ang pumapasok sa isip. Natawa lang kami dahil sa itsura ngayon ni Hydra na parang batang inagawan ng lollipop. >_<

Nag-usap usap pa sila upang malaman ang gagawin ng bawat isa. Ang gagawin ni Andrew ay Love potion hindi daw ito simpleng love potion lang kase transmittable daw ito. Ewan ko sa pinagsasasabi nitong lalaki na to lakas ng topak. Si Harry naman daw ay multiplying potion, wherein once you use the potion ay pwede kang magmultiply into 100. You can create 100 copies of yourself. Samantalang si Ashton naman ay gagawa daw sya ng Regeneration Potion, he say na kaya daw nitong mapagregenerate ang isang bagay once na malagyan nito.

Masaya sila na malaman ang gagawin ng bawat isa. Ngunit sabay sabay silang tumingin saakin dahil kanina pa ako hindi sumasali sa usapan nila.

"Ikaw Krishzel, ano gagawin mo?" Pang-uusisa saakin ni Hydra na prenteng nag-iintay ng isasagot ko. Ganun din naman ang iba pa na naghihintay lang ng sagot ko.

"Hindi ko pa alam ehh, di pa ako nakakapag-isip." Nakita ko ang pagkadismaya nila. Kaya napangiti nalang ako ng tipid.

"Dont worry makakaisip ka rin." Saad ni Andrew na prenteng naka promise sign pa ang kamay.

Sa totoo lang ay nakaisip na ako pero ayoko munang ipaalam sa kanila. Dahil baka kung ano ang maging reaksiyon nila.

Nagyaya na silang pumunta ng canteen para makapaglunch at masimulan na nila ang paghahanap ng ingredients na kakailanganin nila sa pagbuo ng potion na naisip nila.

Medyo malayo ang lalakarin namin para makapunta ng Canteen dahil sa kabilang building pa ito. Ilang minuto rin kaming naglakad at narating naman namin ang canteen. Agad kaming pumunta sa pwesto na palagi naming pinupuntahan. Kanya kanya rin kaming order ng lunch dahil wala naman masyadong tao dito marahil ay tapos na silang kumain at nagsialisan na. May mga estudyante rin naman dito na kumakain at nag-uusap.

Umorder lang ako ng Beef steak, vegetable salad at Fruit shake. Ayoko kumain ng rice kaya nagvegetable salad nalang ako.

Nang makabili na ako ay nagtungo na ako sa pwesto namin at nandun na pala silang lahat.

Nagsimula na kaming kumain ng hindi nagsasalita. Well, galit galit muna magutom na ehh '^_^. Naunang natapos ang boys at inintay lang kaming mga girls. Nagtataka nga ako eh laging boys ang mabilis kumain tapos si Farrah at si Hydra samantalang ako lagi akong nahuhuli sa pagkain. Nakakahiya na, minsan nga hindi ko na inuubos ang pagkain ko kase nahihiya na ako sa kanila habang naghihintay sila.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos nadin ako sa pagkain. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko silang lahat na nakatingin din saakin.

Agad kong pinunasan ang mukha ko dahil baka may amos pa ako dahil sa pagkain. Napatawa naman sila sa ginawa ko. Ewan ko ba. Kaya nagtanong nalang din ako.

"May problema ba?" Agad na umiwas sila ng tingin kaya naman nagtaka na ako.

"Wala naman Krishzel." Sagot ni Hydra na mistulang nakangiti pa.

"Seriously?"

"Well, we are just wondering kung ano ang itsura mo pag tinagtag mo yang salamin mo." Sagot naman ni Harrold na nagpagulat sakin ng konti. °○°.

"Bakit naman?"

"Wala wala.. tarana para makapagsimula na tayong makapaghanap ng ingredients." Pagbabago ng usapan ni Andrew at nagsimula ng tumayo. Sumunod ang iba kaya naman wala na akong nagawa kaya tumayo nadin ako.

Habang naglalakad kami ay humiwalay na ang boys dahil may pupuntahan pa daw sila kaya naman kaming tatlong babae nalang ang magkakasama. Nauuna silang maglakad at kasunod naman nila ako.  Bigla silang tumigil kaya naman napatigil din ako bigla.

"Sasama ka ba sa paghahanap ng ingredients Krishzel?" Paunang tanong ni Hydra. Tumango naman si Farrah at tumingin saakin.

"Hindi na muna siguro, mauna na kayo pupunta lang akong library para makahanap ako ng pwede kong gawin." Matapos akong sumagot ay tumango tango nalang sila.

"Sige ha una na kami para masimulan nadin namin. Sigurado ka ba talaga?"
Sambit ni Farrah na tila nag-aalala para saakin.

"Oo naman.. sige na para makabalik din kayo kaagad." Pagkasabi ko nun ay nagsimula na silang lumakad paalis. Nagwave pa sila bago tuluyang makalayo sa pwesto ko.

Naglakad narin ako papunta sa dorm para makapagpalit na. Tutal wala naman si Hydra at Farrah makakapagpahinga ako ng matiwasay.

I know na nagtataka kayo kung bakit hindi pa ako nagsisimulang maghanap ng ingredients para sa potion na gagawin ko. Well its not the right time para maghanap nun. Kase ang mga ingredients ko na kukunin ay every night lang makukuha at yung isa sa pinaka importante sa lahat ay makikita lang tuwing 12 midnight. So kailangan kong umalis ng dorm mamayang gabi. Pero sisisguraduhin ko na hindi nila ako mapapansin.

Nakarating na ako sa dorm namin at dumaretso nadin ako sa room ko. Ibinaba ko na ang gamit ko at nagpunta sa walk in closet para kumuha ng susuotin ko ngayon pati nadin mamayang gabi. Bale nakasuot lang ako ngayon ng short short at white Tshirt na oversize. Well ganito talaga ako pagnasa bahay lang. Hindi naman na ako lalabas eh. Tinagtag ko nadin ang salamin na suot ko.

I prepare the things that I will use mamayang gabi. Para aalis nalang ako. Ang susuotin ko mamaya ay black jeans, black fitted sando, then I will use black Cloack with hood and black boots. Para matabunan ang buong katawan ko. I also prepare my katana for safety purposes lang. Then I will also bring some dagger. Bag pack para sa lagayan ng ingredients.

Matapos kong ayusin yun ay humiga na ako at natulog.
¤
¤
¤
¤
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay nagugutom na ako. Tiningnan ko ang alarm clock ko at nakita ko na 6:30 na pala ng hapon. Mahaba na ang tulog ako at sa tingin ko ay sapat na ito. Inayos ko ang sarili ko at sinuot ang aking eye glasses. Lumabas ako ng kwarto ko at sakto namang pagpasok nina Hydra at Farrah na mukhang pagod na pagod. Nakita ko rin ang mga galos at sugat nila sa katawan na parang nakipaglaban sila.

Dali dali akong bumaba para makita sila sa malapitan.

"Hey are you two okay?" Pagtatanong ko sa kanila at nakita ko pa na parang nahihirapan sila sa sitwasyon nila.

"I guess I'm fine konting sugat at galos lang ang akin pero itong si Farrah mukhang napuruhan, malaki din ang sugat niya sa tagiliran at mukhang malalim."

Tinulungan ko si Hydra kay Farrah para mapaupo sa sofa. Nakita ko ang malaking sugat ni Farrah sa left side ng kanyang tagiliran at lumalabas dito ang masasaganang dugo niya. Kahit may nakabalot na ditong tela ay patuloy padin ang pag-agos nito.

Umupo nadin si Hydra sa tabi ni Farrah at nagpahinga. Nakikita ko ang sobrang pagod sa kanilang mga mukha.

"Ano ba ang nangyare kung bakit kayo nagkasugat sugat?" Pang-uusisa ko kay hydra. Hindi ko na tinanong si Farrah at mukhang mahihirapan syang magsalita.

"Ano kase nakipaglaban kami sa mga unwanted creature pati nadin sa mga kaklase natin. Before you get a certain ingredients you have to fight those creature kase sila ang bantay dun. Pati sa pakikipag-agawan ng ingredients sa iba pang estudyante. Napag-alaman kase namin na pati mga nasa x-class ay gagawa rin ng potion. Ako okay lang naman ako kase mga creature lang ang nakalaban ko kaya konting sugat at gasgas lang ang nakuha ko. Pero itong si Farrah pinagtulungan nina Marish kasama yung mga alalay nya. Buti nalang at dumating sina Harrold at tinulungan sya. Pagkadating ko dun ay nakita kong inaalalayan na siya nina Harry. Kaya napagdesisyunan na naming umuwe. Nakuha naman ni Farrah yung pinag-aagawan nilang ingredient." Pagpapaliwanag ni Hydra at mukhang nag-aalala sa kalagayan ni Farrah.

"Did you completed the ingredients that you need?" Muli kong pagtatanong sa kaniya at tumango naman ito.

"Yes we already completed. Nakuha namin ang lahat ng ingredients na kailangan namin then siguro bukas nalang namin gagawin yung potion."

"Gagamutin ko na kayo ha."

"Talaga Krishzel? Thank you ha. Ang sakit na talaga ng mga sugat ko eh." Nakangiting usal ni Hydra at ngayon ay yumakap na.

Inuna ko nang gamutin si Hydra dahil minor lang naman ang nakuha niyang sugat. Mabilis na naghilom ang mga sugat niya.

"Okay na. Ito ohhh." Matapos kong gamutin siya ay inabutan ko siya ng candy.

"Ano to?" Takang tanong niya habang sinusuri ang candy na hawak niya.

"Regaining energy candy yan." Saad ko at biglang ngumiti ito ng malapad.

"Talaga? San to galing? San mo to nabili? Bakit kakaalam ko lang nito?" Daredaretso niyang tanong saakin habang inaayos ko ang pwesto ni Farrah para gamutin.

"Hindi ko yan binili. I just make them. Wala kang mabibili na ganyan dito." Pagpapaliwanag ko sa kanya at nakita ko ang kaniyang mata na nanlaki.

"Wow, you are really are amazing. Ibang klase ka.. thank you ha." Agad niyang kinain ang candy na binigay ko sa kanya at mas nagulat pa sya.

"Grabe bakit ganun.... sobrang sarap nito. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong lasa. ☆○☆"

Itinuon ko nalang ang pansin ko kay Farrah na mukhang nanghihina na talaga. Nang mailapat ko ang kamay ko ay kinabahan ako bigla.

"Hydra, we have a problem." Tumingin saakin si Hydra na nagtataka.

"Farrah is poisoned. At delikado ang lason na nasa katawan niya." Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Hydra at tila sobrang kinakabahan.

"Talaga ba? But kaya mo ba syang gamutin?kaya mo bang tagtagin ang lason?" Nag-aalala niyang tanong saakin habang nakahawak nadin kay Farrah.

Si Farrah naman ay parang hinang hina na sa sitwasyon niya.

"Yes, kaya ko but it will take time." Kaagad kong ginamit ang kapangyarihan ko para higupin muna ang lason na nasa katawan niya. I admit nahihirapan ako sa pagkuha dahil sobrang kumalat na ito sa buong katawan niya. Nangtuluyan kong makuha ito ay ginamit ko ang magic ko para makagawa ng sealing bottle para hindi kumalat ang lason sa hangin. Kase ang lason na nasa katawan ngayon ni Farrah ay kayang sumama sa hangin at once na malanghap mo ito ay pwede kang mamatay.

"Krishzel anong ginagawa mo? Bakit mo nilagay sa bottle? Tapos bakit black ang kulay niyan?" Pang-uusisa niya saakin.

"Sealing Bottle ang tawag dito, hindi makakalabas ang kahit anong poison or magic dito sa bottle na to. Even malaglag or gamitan ng magic hindi ito basta basta mababasag. Kaya black ang kulay ng lason ay dahil sobrang deadly nitong poison na ito. I guess once na malagyan ka nito sa katawan mo at kumalat you only have 5 hours bago mamatay." Gulat na gulat siya sa nalaman niya.

Natapos kong gamutin si Farrah at lahat ng sugat niya ay naghilom nadin. Unti unti nading umaayos ang pakiramdam niya. Tulad ni Hydra ay binigyan ko rin siya ng Regaining Energy Candy at kinain naman niya ito.

Halos manghina ako dahil sa dami nang nagamit kong kapangyarihan. Nakita ko naman na ayos nadin ang pakiramdam ni Hydra mula sa pag-aalala kay Farrah.

Habang nagpapahinga ako ay may naalala ako kaya naman tinanong ko na si Hydra.

"Ahm Hydra what about Harry? Nasugatan ba sya ng kapangyarihan ni Marish?" Biglang nanlaki ang mata niya at parang nag-aalala..

"My gosh I forget about him. May tama din sya dahil sa pakikipaglaban sa bruhildang yun. At medyo masama din ang pagkakasugat sa kanya." Hindi mapakaling sagot niya at ngayon ay hindi na maintindihan ang ikinikilos niya.

Tiningnan ko ang relo ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Hydra we need to go. Puntahan na natin sila ngayon na. We only have 30 mins bago sya mawala. Kailangan ko syang magamot." Kinakabahan kong sambit sa kanya. Nakita ko din ang kaba at pag-aalala sa mukha niya. Lumabas na kami ng dorm, iniwan na namin si Farrah para makapagpahinga siya.

Tinakbo namin ang kahabaan ng hallway papuntang boys dorm. Kahit napapagod na kami ay hindi padin kami tumigil para makaabot kami.

Andrew's P.O.V.

Hindi na kami mapakali dito sa dorm namin ni Harry at Ashton. Dahil iniisip namin ngayon ang sitwasyon ni Harry. Hindi namin maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya parang sobrang nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

Hindi naman kami agad agad makapunta sa Infirmary dahil mababawasan ang points naming tatlo kung pupunta kami. Pinigilan nadin kami ni Harry dahil dadalhin na sana namin siya sa Infirmary.

Pinilit pa nga namin siya kaso ayaw nya talaga. Ayaw na ayaw kase nito na nababawasan ang score or points niya eh. At ayaw nya rin kaming madamay.

Halos ilang oras na siyang ganiyan. At habang tumatagal ay parang mas nahihirapan siya. Nagbabago nadin ang kulay ng katawan niya. Mula sa normal niyang kulay na maputi naging kulay pula at ngayon ay violet na.

Hindi namin matukoy kung anong nangyayari sa kanya.

"Aaahhhhhhhhh" pagsigaw niya kaya naman dali daling lumapit kami sa kanya. Kita naming nahihirapan na sya.

Nasuntok na ni Ashton ang table at nagcrack nadin ito dahil sa pag-aalala kay Harry. Pinsan kase niya si Harry at simula bata pa kami ay magkakasama na kami.

Nakita ko ang mga butil ng pawis sa mukha ni Ashton dahil sa pag-aalala. Halos tumulo nadin ang luha niya at ganun din naman ako.

"Bro dadalhin ka na namin sa infirmary. Kahit mabawasan pa score natin." Pag-aalo ko sa kanya pero umiling lang sya.

"ANO BA HARRY? NAGKAKAGANYAN KA NA TAPOS AYAW MO PA NA MAGPADALA SA INFIRMARY? NAHIHIBANG KANA BA?" galit na galit na usal ni Ashton kay Harry.

Ganito talaga sya kapag nag aalala. Hindi ko naman siya masisisi eh.

"What about Krishzel? Maybe makatulong siya." Pagsusugggest ko kay Aston at walang salita na tumayo ito at nagsimulang maglakad patungong pinto.

Pero hindi pa niya nabubuksan ang pinto ay may kumatok na dito na sobrang lakas.

"What the F'ck" galit na usal ni Ashton ng mabuksan niya ang pinto. Gulat na gulat na mukha ni Krishzel at Hydra ang tumambad sa kanya.

Napatayo nadin ako hindi ko inakala na pupunta sila dito. Pupunta palang sana si ashton sa kanila pero nandito na agad sila. But still I'm thankful.

"Where's Harry?" Tanong ni Krishzel kay Aston at mukhang pagod na pagod ito. Ganun din sa Hydra na mukhang naghahabol pa ng hininga.

"You dont need to know." Usal ni Ashton kay Krishzel. Naningkit naman ang mata ni Krishzel at ganun din si Hydra.

"What the heck Ashton. Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat." Matapang na sagot ni Krishzel. Nakita ko naman si Hydra na umiiyak na.

"Krishzel, "sniff" 15 mins nalang." Pagkasabi nya nun ay humagolhol na ito ng iyak.

"What do you mean na 15 mins nalang?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Harry is in danger and 15 mins from now he will die." Simpleng sagot ni Krishzel. Bigla namang sinuntok ni Ashton ang pinto at halos lahat kami ay nagulantang sa ginawa niya.. agad niyang sinakal si Krishzel na mas ikinagulat namin.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Matalim itong nakatingin kay Krishzel at nag simula nang magbuo ng Fireball sa kamay niya.

Gulat ang rumihistro sa mukha ni Hydra.

"Stop it Ashton. Bitiwan mo si Krishzel." Inaawat ni Hydra si Ashton. Pero hindi nagpapigil si Ashton

"And why would I".

"ANO BA ASHTON. MAMAMATAY SI HARRY PAG HINDI MO HINAYAAN SI KRISHZEL NA GAMUTIN SI HARRY. ILANG MINUTO NALANG ANG NATITIRA. DELIKADONG LASON ANG NASA KATAWAN NIYA NGAYON AT ANO MANG ORAS NGAYON AY MAMAMATAY SIYA." halos maglabasan ang litid sa leeg ni Hydra sa pagsigaw kay Ashton. Natauhan naman si Ashton kaya binitawan niya si Krishzel.

Halos maghabol ng hininga si Krishzel dahil sa ginawa ni Ashton.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH" halos mapaigtad kami sa malakas na sigaw ni Harry.

Kaagad na tumakbo papasok ni Krishzel at nagtungo sa pwesto ni Harry. Sumunod na kami sa kaniya. At laking gulat namin sa nakita namin.

Halos umitim na ang buong katawan ni Harry. Tanging ang mukha nalang nito ang nananatiling violet.

Napasinghap si Krishzel dahil sa nakita niya. Humagolgol naman ng iyak Hydra habang nakayakap  saakin. Si ashton naman ay kaagad na pumunta sa kabilang side na kama kung nasaan si Harry.

Nagsimula nang gamutin ni Krishzel si Harry.
Kitang kita namin na nahihirapan siya na gamutin si Harry. Nakita rin namin na umaangat na ang itim sa mukha ni harry.

Unti unting nagbabago ang kulay ng katawan ni Harry dahil sa paggagamot ni Krishzel. Nagiging normal na ito.

Nakita namin na kinukuha ni Krishzel ang lason sa katawan ni Harry at laking gulat namin sa kulay nito.

Kulay black ang lason na nakukuha ni Krishzel sa katawan ni Harry. Habang pilit na kinukuha ni Krishzel ang natitirang lason ay nabahala kami sa nakita namin.

Nagdudugo na ang ilong ni Krishzel dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan niya. Kitang kita namin ang hirap na kaniyang ginagawa para mapagaling lang si Harry.

"Krishzel Are you okay? Dumudugo na ang ilong mo." Nag-aalalang tanong ni Hydra sa kaniya. Nag-angat naman ng tingin dito si Ashton at nagulat sa nakita. Marahil ay hindi niya napansin ang nagyayari kay Krishzel dahil nakatuon ang pansin nito kay Harry.

"Okay lang ako. Konti nalang." Sagot ni Krishzel.

Ngunit mas dumarami ang dugo na lumalabas sa ilong niya kaya nilapitan ko na si Krishzel at pinunasan  ang dugong lumalabas sa ilong niya. Halos mapuno ng dugo ang panyo na ginamit ko sa kanya.

Lumipas ang ilang sandali ay nakuha na niya ang lahat ng lason sa katawan ni Harry. Ginamit nya ang kapangyarihan niya at gumawa ng bottle at duon inilagay ang lason na nakuha niya. Agad niya itong inilagay sa bulsa niya .

Pinagpatuloy niya ang pang gagamot kay Harry at maya maya pa ay tumigil ito.

May kinuha ito sa bulsa niya at ipinakain kay Harry.

Nakita namin na maayos na ang pakiramdam ni harry at tuluyan nang bumalik sa dati ang kulay ng balat nito.

Napasalampak si Krishzel sa sahig dahil sa pagod. Inalalayan siya ni Hydra para makaupo sa katabing sofa.

Napansin ko ang bakat ng kamay ni Ashton sa leeg ni Krishzel dahil sa pagkasakal niya dito. Medyo may paso din ito dahil siguro sa kapangyarihan ni ashton.

Inabutan ko ng tubig si Krishzel at tinanggap naman niya ito. Uminom siya at matapos iyon ay tumayo na siya at akmang aalis ng kwarto pero pinigilan ito ni Hydra.

"Teka Krishzel san ka pupunta?" Tanong ni Hydra ngunit imbes na sumagot ito ay tuluyan na itong lumabas. Hahabulin pa sana ito ni Hydra ngunit nawala na ito.

"Anong nangyare dun?" Pagtatanong ko kay Hydra na kababalik lang sa pwesto namin.

"Ewan ko. Siguro napagod na din yun kase ang dami na nyang nagamit na kapangyarihan." Sagot nito.

Bigla namang sumabat si Ashton sa usapan namin.

"Bakit naman?"

"Ehhh kase ginamot nya rin ako pati si Farrah. Nahirapan din siya sa sitwasyon ni Farrah dahil halos kumalat nadin ang lason sa katawan ni Farrah. Buti nga kinamusta niya si Harry kung nasugatan ba o hindi. Kase nakalimutan ko nadin eh. Kaya yun nagtungo nadin kami dito agad agad. Tumakbo pa kami ng sobrang layo. Tapos itong si Ashton nagawa pang sakalin si Krishzel." Pagkukwento niya at tumingin kay Ashton.

Umiwas naman ng tingin si Ashton kay Hydra.

"Pano pala niya nalaman na delikado ang lason na yun?" Tanong ko kay Hydra.

"Siguro dahil Healer siya? Hindi naman natin alam ang lahat ng alam niya eh. Pati tingnan mo nga yung kalagayan kanina ni Harry halos mag-itim na buong katawan niya eh. Pati ngayon lang naman ako nakaencounter ng ganung lason."

"Ehh ano naman yung pinakain niya kay Harry?" Takang tanong ko dahil kanina pa ako curious sa kung anong pinakain niya.

"Ahhhh yun ba. Regaining Energy Candy yun. Binigyan rin kami ni Farrah ni Krishzel. At swear sobrang effective nun. Dahil pagkain ko nun parang nawala lahat ng pagod ko tapos umayos nadin ang pakiramdam ko." Nakangiti niyang pagpapaliwanag.

"Where did she get that?" Tanong naman ni Ashton. Ito talaga nakikisabat sa usapan ng may usapan.

Pero okay lang din kase itatanong ko rin sana yon eh. Buti tinanong niya so hindi nasayang ang laway ko.

"She make it."

Nabigla kami sa sinabi niya. Dahil hindi namin akalain na makakagawa siya nun. Kung sabagay nerd nga naman. Kaya pala hindi familiar sakin yun eh.

Tumayo na si Hydra at pinuntahan si Harrold and she pat Harrold's shoulder. At tuluyan na siyang lumabas. Naiwan kaming tatlo ni Harry at Ashton sa kwarto namin.

Nakita ko si Ashton na hindi mapakali. Ano ba problema nitong tao na to kanina pa to eh.

"Ashton are you okay? Kanina ka pa aligaga dyan eh?" Pagtawag ko sa atensyon niya at tumingin naman ito saakin.

Tila nag-aalangang sumagot ito saakin.

"Hindi ko dapat yun ginawa sa kanya. I'm such an idiot." Inis na sagot niya sabay ginulo ang kanyang buhok.

"Relax, I know you didn't mean to. Nag-aalala ka lang kay Harry." Pangungumbinsi ko sa kanya pero hindi padin mawala ang uneasiness sa mukha niya.

Lumabas na kami sa kwarto ni Harry para makapagpahinga nadin. Nagtungo na kami sa kanya kanya naming kwarto.

I'm so greatful Krishzel because you came. Utang na loob ko sayo ang buhay ni Harry.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 91 6
The Absolute Focus of the Stage of Justice, until the Final Applause. My ideals have no stains. I must correct you. People here bear no sins in the e...
67.4K 2.8K 25
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
636K 19.8K 63
An ordinary girl in the mortal world is just a nobody but she didn't know that she's the lost princess... And the special blue moon necklace is missi...
2.1K 390 15
چند گام لازمه تا بتونی صاحب قلب کسی بشی؟ سوال سختیه ولی آیا جلوی جونگین عاشق رو میگیره؟ ژانر:رومنس_فلاف_زندگی روزمره_اسمات کاپل ها:سکای و با حضور افت...