Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Epilogue

Chapter 52

137K 2.3K 188
By terelou1220

Chapter 52

Inabutan ni Divina na tahimik na nakaupo si Eliza sa terrace. "Eliza" tawag niya rito.

Mabilis na napalingon si Eliza. "Anong kailangan mo? Kung naparito kayo para insultuhin ang anak ko, makakaalis na kayo." pagalit na asik niya kay Divina.

Inaasahan na ni Divina ang ganitong reaksiyon nito, inaamin naman niyang siya ang may kasalanan dahil pinaniwalaan niya ang mga kasinungalingan ni Joan. Pagkatapos ng pakikipag-ayos nila sa mga Ignacio ay ang babaeng yun naman ang haharapin niya.

Lumapit si Divina sa kinauupuan ni Eliza at umupo siya sa tapat nito. "I'm sorry, alam kong ako ang may pagkakamali. Tatanggapin ko rin kung ano mang salitang gusto mong sabihin sa akin." pagpapakumbaba ni Divina dito.

Nanatiling tahimik si Eliza, hindi niya rin akalain na ang isang Divina Almonte na isa sa mga kilalang tao sa Pilipinas ay nandito ngayon sa kanyang harapan at humihingi ng kapatawaran.

"Eliza, please talk to me. Alang-alang sa mga anak natin, naaawa na rin ako kay Dennis dahil mahal na mahal niya si Emer." sabay hawak nito sa kamay ni Eliza na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Kung hindi lang dahil sa magiging apo natin baka kanina ko pa kayo pinaalis sa teritoryo namin." nakairap na sabi ni Eliza pero hindi na mababakas ang galit sa tinig nito.

Natutop ni Divina ang bibig halos hindi makapagsalita sa narinig na magandang balita. "I-ibig mong sabihin m-magiging lola na tayo?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

Tumango si Eliza at nginitian na niya ang kaharap. "Yes, pero sensitive ang kalagayan ng bata. Kaya iniingatan namin ang mga bagay na makapagbibigay ng stress kay Emer." 

"Alam niya ba ang tungkol sa nangyari sa atin?" nag-aalala si Divina na baka galit din sa kanya ang manugang. 

"Hindi na namin pinarating sa kanya, at sana kung anuman ang hindi magandang namagitan sa atin pinapakiusap ko na sa atin na lamang yun." turan ni Eliza.

"Makakaasa ka. Ang ibig bang sabihin ay pinapatawad mo na ako?" nag-aalangang tanong ni Divina.

"Hindi kita kakausapin ngayon kung galit pa rin ako sa iyo." nakangiti na si Eliza.

Natuwa si Divina, hindi niya akalain na napakadaling kausap ng mag-asawang Ignacio. Hinangaan niya ang ugali ng mga ito. 

"Kumusta pala ang mga treatment mo?" biglang naalalang itanong ni Eliza.

"Wala talaga akong sakit, I planned it para mapasunod si Dennis sa gusto ko. Napakatigas kasi ng ulo ng lalaking yun, nakukunsumi ako tuwing may iba't ibang babaeng nauugnay sa kanya." pag-amin ni Divina.

"Alam na ba ito ni Dennis?" nanlalaki ang mga mata ni Eliza. Kinakabahan siya na baka maging problema na naman ito. 

Umiling si Divina. "I'll talk to him kapag naging maayos na ang lahat." 

"Sana maintindihan niya, kinatatakot ko lang na baka magalit na naman si Dennis kay Emer." 

"Don't worry, mahal na mahal na ni Dennis si Emer." may kumpiyansang sabi ni Divina. 

Samantalang si Dennis naman ay nagmamadaling pumasok sa kwarto ng asawa. Inabutan niya itong natutulog. 

Parang pinipiga ang puso niya ng makita ang ayos ni Emer. Napakaganda pa rin nito pero mababakas sa mukha nito na may diramdam. Tumayo sa gilid ng kama si Dennis at maiging tinitigan ang natutulog na asawa at habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Sinisisi niya ang sarili, kung hindi niya sana ito iniwan ay baka hindi magiging ganito ang kalagayan ng asawa. 

Pakiramdam ni Emer ay may mga matang nakamasid sa kanya kaya kahit inaantok pa siya ay pilit niyang idinilat ang mga mata. Ilang beses niyang ikunurap ang mga mata ng makita ang lalaking nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Akala niya ay dinadaya lamang siya ng imahinasyon.

Mabilis na ikinulong ni Dennis sa mga bisig si Emer ng magising ito. "Sweetheart, I'm sorry. I promise hinding hindi na kita iiwan, I'll take care of you." mahinang bulong ni Dennis pero patuloy pa rin ito sa pagluha. 


Kumalas si Emer sa pagkakayap ni Dennis. "Why are you crying?" namamaos pa ang tinig niya ng magsalita.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka? kausap lang kita kahapon." hinawakan ni Dennis ang magkabilang pisngi ni Emer para magsalubong ang tingin nila.

"Sinong may sabing may sakit ako?" nagtatakang tanong ni Emer.

"Nakausap ni mama ang isa sa mga katulong ninyo at ang sabi nagpatingin ka daw sa doctor kanina. Ano ba ang nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni Dennis.

"Wala ito, lagi lang akong nahihilo nitong mga nakaraang araw." kibit balikat ni Emer. Ayaw muna niyang sabihin kay Dennis ang kalagayan hangga't hindi niya naririnig dito ang gustong marinig. 

Nang mga sandaling yun ay masayang masaya si Emer dahil nakikita niya sa mga ikinikilos ni Dennis na mahalaga na siya rito. Pero hindi lubos ang kaligayahang nararamdaman hangga't hindi nito sinasabing mahal siya nito. 

"Are you sure?" sabay halik nito sa noo ni Emer.

"I'm okay. Umuwi ka na baka naghihintay na sayo ang ex mo sa Manila." umisod si Emer para magkaroon ng pagitan sa kanila. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga nangyari noong nasa Singapore ang asawa.

Mabilis ang naging kilos ni Dennis muli niya itong niyakap. "Sweetheart, wala na kami ni Joan. Ikaw ang pinakasalan ko at ikaw ang mahal ko." malambing na sabi ni Dennis. 

 

Halos lumundag sa tuwa ang puso ni Emer ng sabihin ng asawa na mahal siya nito. "M-mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tinitigan ni Dennis ang asawa bago nagsalita. "I love you so much Mrs. Emerald Almonte." sabay dampi ng halik sa mga labi ni Emer.

Nang muling maramdaman ni Dennis ang malambot na mga labi ng asawa ay hindi na niya napigilan ang sarili. Ang planong damping halik ay naging mapusok lalo ng maramdaman ang pagtugon ni Emer.

Naluha si Emer, akala niya ay siya lamang ang nagmamahal dito. Nang mapansin ni Dennis na umiiyak ang asawa ay pinutol nito ang pinagsasaluhan nilang halik. 

"What's wrong? may masakit ba?" nag-aalala naman ang tinig nito.

Umiling si Emer. "Akala ko ako lang ang magmamahal sayo." nag-uunahan na naman ang mga luha niya sa pisngi.

"Y-You mean, mahal mo rin ako?" mababakas ang katuwaan sa tinig ni Dennis.

Tumango si Emer habang patuloy sa pagluha.

"Sshh, stop crying sweetheart. Nag-aalala ako kapag nakikita kang umiiyak." pinunasan ni Dennis ang mga luha sa pisngi ng asawa.

"I just want to clear things about me and Joan." gusto ni Dennis na malaman lahat lahat ng asawa ang mga nangyari sa SIngapore. Pinapangako niya magmula ngayong araw na ito ay wala siyang ililihim dito.

"That was past, kalimutan na natin yun." sansala ni Joan.

"Hindi natin pwedeng kalimutan yun. Dahil sa pangyayaring yun ay muntik ka ng nawala sa akin." sumandal na rin si Dennis sa headboard ng kama at kinabig ang asawa para sumandal sa dibdib niya. 

Nanahimik na lamang si Emer at hinihintay ang mga sasabihin ng asawa. Sa totoo lang ay gusto niya ring marinig kung ano nga ba ang totoong nangyari ng nasa Singapore ito.

"Walang nangyari sa amin ni Joan ng gabing nakausap mo siya. Wala sa plano ko na makipagkita sa kanya o kahit na kaninong babae, ang gusto ko lang noon ay mapalayo sa iyo dahil naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko." hinahalikan ni Dennis ang tuktok ng ulo habang nagsasalita.

"Naguguluhan ka?" tiningala ni Emer ang asawa.

"Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko noon sayo. Alam mo ba na nagagalit ako tuwing may mga lalaking lumalapit sayo gusto ko akin lang ang atensiyon mo pero hindi ko kayang aminin noon na mahal kita dahil ipinangako ko sa sarili ko noong iwanan ako ni Joan na hindi na muli akong magmamahal." 

"Kailan mo natanggap na mahal mo ako?" lakas loob na tanong ni Emer.

"Bago pa ako umuwi mula sa Singapore, alam ko ng mahal kita. At ng may mangyari sa atin noong gabing yun mas lalo kitang minahal." sabay halik nito sa labi ng asawa. 

Muntil na naman matangay si Emer sa halik na pinagkakaloob ng asawa pero pilit niyang kinontrol ang sarili.

"Bakit wala ka namang sinabi sa akin na mahal mo ako ng gabing yun?" tila nagtatampo ang tinig ni Emer.

"I've told you we'll talk in the morning, pero paggising ko wala ka na. Hindi mo lang alam na parang mababaliw ako sa pag-aalala sayo ng sabihin sa akin ni Nana Salud na mag-isa kang umuwi dito sa San Simon. "

"Ang sakit ng nararamdaman ko noon, wala na akong mukhang maihaharap sayo." pag-amin ni Emer.

"Sweetheart, hwag mo ng uulitin yun. Always remember that I love you so much." madamdaming pahayag ni Dennis. 

"I love you too." si Emer na ang umabot sa mga labi ng asawa. Nagsalo sila sa isang napakatamis na halik. 

Nang may tumikhim sa may pinto ay sabay pa silang naghiwalay. Nakita nila sina Divina at Eliza na pinapanood sila.

"Mama! anong ginagawa ninyo diyan?" reklamo ni Dennis. Ang tagal niyang hinihintay ang pagkakataon na masolo ang asawa may iistorbo pa sa kanila.

"Tama na muna yang lambingan ninyo marami pa kayong pagkakataon para diyan. Halina kayo sa baba kanina pa nakahanda ang tanghalian at may sasabihin din sa inyo ang Mama Divina ninyo." utos ni Eliza sa dalawa.

Natuwa na rin si Dennis dahil nakita niyang magkasundo na ang mga magulang nila ni Emer. Inalalayan niyang makatayo ang asawa hanggang sa makarating sa hapag kainan ay nakaalalay siya rito.

"Kanina pa kami rito, akala namin wala na kayong balak kumain." wika ni Gerardo. 

"Sa tingin ko okay na kayo ni Emer anak." nakangiti si Francis. "I think this is the perfect time Divina para sabihin sa kanila ang totoo." 

'What do you mean Papa?" tanong ni Dennis.

"Just wait for your mama to explain everything." 


Nanahimik ang lahat at na kay Divina ang lahat ng atensiyon. 

Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si Divina bago nagsimulang magsalita. "Sana mapatawad ninyo ako sa ginawa kong pagsisinungaling." nakatingin si Divina kina Dennis at Emer. "Hindi totoong may sakit ako. Gusto ko lang na mapasunod kita sa gusto ko anak. Hindi na kasi namin alam ng papa mo kung ano ang gagawin tuwing mga iba't ibang babaeng nauugnay sayo." pinipigilan ni Divina ang maiyak. 

"Mama, mas natutuwa po kaming marinig na wala kayong sakit." sagot ni Emer sa biyenan. 

Umiiling na lang si Dennis, hindi niya alam kung maiinis o matutuwa siya sa ginawa ng ina. 

"Hijo,nagagalit ka ba?" atubiling tanong ni Divina. 

"Kung hindi ako pinatawad ni Emer baka magalit ako sayo mama, pero ngayong maayos na kami pwede naman nating kalimutan na ang mga hindi magagandang nangyari." nakangiti si Dennis habang gagap nito ang isang kamay ng asawa.

"Ngayong nagkasundo na ang lahat siguro naman ang dapat nating pag-usapan ang kasal ng mga bata. Hindi ako papayag na ganung klaseng kasal lang ang ibibigay mo sa aming bunso Dennis." turan ni Gerardo. 

"We should prepare the wedding as soon as posible bago mahalata ang tiyan ni Emer." excited na sang-ayon ni Divina.

Napalingon si Dennis kay Emer. Humihingi siya ng paliwanag tungkol sa sinabi ng kanyang mama. 

"Oh God! Divina sinira mo ang sorpresa ni Emer kay Dennis. Mukhang hindi pa nasasabi ng anak ko kay Dennis na buntis siya." bulalas ni Eliza. 

Si Francis man ay nasorpresa sa narinig. Walang nabanggit si Gerardo sa kanya na malapit na pala silang magiging lolo.

"Sweetheart, ibig bang sabihin malapit na akong maging daddy?" mababakas ang excitement sa tinig ni Dennis.

"Yes." sabay tango ni Emer. "Sorpresa ko sana sayo kaya lang naunahan na nila ako." tukoy nito sa mga magulang.

Tuwang tuwa si Dennis na niyakap ang asawa at hindi na siya nahiya ng gawaran ng halik sa labi si Emer. "Oh God! hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon."  kung wala lang sa harapan nila ang mga magulang muli niyang hahalikan ang asawa. 

"Asikasuhin na ninyo agad ang kasal sa simbahan." utos ni Francis pero kay Divina ito nakatingin.

"Don't worry kami na ang bahala ng mama mo sa preparations. Ayaw namin na ma stress ka, baka mapano ang magiging apo namin." masayang sabi ni Divina na sinang ayunan naman ni Eliza. 

Napailing na lang si Emer, wala naman siyang magagawa dahil sigurado sa ayaw at sa gusto niya ay makikialam ang mga ito. 

Nang matapos ang tanghalian ay niyaya siya ni Dennis na magpahangin sa gazebo. Talagang todo ang alalay niya kay Emer at kung pwede nga lang sana ay buhatin na niya ito para hindi na mapagod sa paglalakad. 

"Ano ka ba? kaya ko namang maglakad na mag-isa." reklamo ni Emer ng makaupo. 

"I don't want to argue with you, basta I want to make sure that you and my child is safe." sabay upo nito sa tabi ni Emer. 

Nagkibit balikat na lang si Emer, hahayaan na lang niya ito dahil sa totoo lang nag eenjoy din naman siya sa nakikitang pag-aalala ni Dennis.

"Can I ask favor from you?" biglang naalala ni Emer ang mga dokumentong kailangang pirmahan. 

"What is that? hwag mo lang sasabihin na pirmahan ko ang annulment because I won't do that Mrs. Almonte." 


"Hindi tungkol sa annulment."
natatawa si Emer. "May pwede ka bang utusan na kunin ang mga documents na kailangan kong pirmahan?" patuloy niya.

"I can ask my secretary na puntahan sa botique mo." 

"Na kay Toffer yung mga papers." 

Nang marinig ni Dennis ang pangalan ng kaibigan ni Emer ay may inis siyang naramdaman. "Ayoko sa kaibigan mong yun." nakasimangot na sabi ni Dennis.

Biglang tumuwid sa pagkakaupo si Emer. "Don't tell me, na nagseselos ka kay..." 

"Yes, I'm jealous! ayokong may ibang lalaking lumalapit sayo." nakasimangot pa rin ito.

Niyakap ni Emer si Dennis. "He's a gay, hwag mong pagselosan yun dahil hindi ako ang gusto niya kundi ikaw."  natatawang hinalikan niya sa ilong ang asawa.

 Napahalakhak si Dennis sa sinabi ng asawa at mahigpit niya itong niyapos. Nang mga sandaling yun ay wala na siyang mahihiling pa, pakiramdam niya ay kompleto na ang kanyang kaligayahan kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa. 

_______________________

A.N.

Next update po ay epilogue :)

Maraming salamat po sa lahat ng nagtiyagang naghintay ng mga updates. Maraming salamat sa suporta ninyo ^___^  I LOVE YOU ALL 

Continue Reading

You'll Also Like

61.5K 1.7K 54
Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasabay ng pagkakataong mabuhay ay ang pagkaka...
140K 7.7K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
658K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...