Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 52
Epilogue

Chapter 51 part 2

108K 2K 111
By terelou1220

Chapter 51 part 2


Kasalukuyang nagpapahinga sa master's bedroom sina Gerardo at Eliza ng makarinig ng sunud-sunod na kataok. Si Eliza na ang tumayo para alamin kung ano ang kailangan ng kumakatok.

"Diday, bakit?" tanong ni Eliza ng mapagbuksan ang katulong.

"Ma'am, may mga bisita po kayo." anunsiyo ng kasambahay ng mga Ignacio.

Napakunot ang noo ni Eliza dahil wala silang inaasahan na bisita ngayon. 

"Pinapasok ko na po sila ma'am, nasa sala po sina sir Dennis." patuloy na sabi ni Diday.

"S-Si Dennis nandiyan?" hindi makapaniwala na sabi ni Eliza.

"Yes ma'am, kasama niya rin po ang kanyang mga magulang." 

Nagmamadaling bumalik sa loob ng kwarto si Eliza para ibalita sa kanyang asawa. 

"Gerardo! nasa baba ang mga.." halos hindi makapagsalita si Eliza. Namumula sya sa galit.

Napatayo rin si Gerardo at nilapitan ang asawa. "May problema ba?" 

"Ang mga Almonte nasa ibaba. Ang lakas ng loob nilang pumunta dito!" nanggigigil sa galit si Eliza. 

"Kung hindi mo sila kayang harapin ako ang bahalang makipag-usap sa kanila. Dito ka lang at ako ang bababa." napaka kalmado ng tinig ni Gerardo.

"Ikaw na ang bahala sa kanila dahil hindi ko kayang makipag-usap kay Divina. Ayokong makapagbitaw ng mga hindi magagandang salita sa kanila." tinalikuran na ni Eliza ang asawa. Nagtungo siya sa terrace para makasagap ng hangin at para pakalmahin na rin ang sarili.

Naabutan ni Gerardo sina Dennis at ang mga magulang nito sa sala. "Dennis, ano ang ibig sabihin nito?" malamig na tanong ni Gerardo sa manugang.

"Nandito po kami para ipaliwanag kung bakit hindi ako agad nakabalik." kinakabahan si Dennis ng mga sandaling yun. Kakaiba talaga sa kanya ang dating ng papa ni Emer. "P-Papa meet my parents Francis and Divina Almonte." pagpapakilala ni Dennis.

Ipinakita pa rin ni Gerardo ang kagandahang asal sa harap ng mga Almonte, nakipagkamay siya sa mga ito. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang kapakanan ng kanyang magiging apo. 

"W-Where is Eliza?" hindi na nakatiis na tanong ni Divina. Ang gusto talaga niyang makausap ay ang matriarka ng mga Ignacio, handa siyang magpakumbaba rito makinig lamang sa mga paliwanag niya.

"I'll tell you frankly, she doesn't want to talk to you. Ayaw niyang makapagbitaw ng masasakit na salita dahil sa galit. Mas makabubuti na rin siguro na hayaan muna natin siya." walang paligoy ligoy na tugon ni Gerardo. 

Napasinghap si Divina. "B-But I really need to talk to her." nakikiusap na ang tinig nito.

Walang isinagot si Gerardo sa gustong mangyari ni Divina. Tinawag niya ang isa sa mga katulong. 

"Diday, pakisamahan mo si Mrs. Almonte kay ma'am Eliza mo." 

"Maraming salamat." Mababakas sa mukha ni Divina ang katuwaan. Akala niya ay mahihirapan silang makipag-usap sa mga Ignacio lalo na kay Gerardo pero kakaiba ang nangyayari ngayon. Sumunod siya sa katulong para puntahan si Eliza. 

"Balae, ako na mismo ang humihingi ng pasensiya sa mga nangyari. Nandito kami para itama ang mga pagkakamali namin." simula ni Francis. 

"Yan din ang gusto kong mangyari ang maisaayos ang mga bata. Lalo na sa kalagayan ni Emer ngayon." tugon ni Gerardo.

Kakaibang kaba ang naramdaman ni Dennis pagkarinig sa sinabi ng biyenan. "Papa, kumusta si Emer?" hindi magkandatutong tanong niya.

"I'm not in the position to tell you about her situation, si ang magdedesisyon kung sasabihin niya sa iyo. Ayokong pangunahan ang desisyon ng anak ko. Ang gusto kong marinig ngayon ay kung bakit hindi ka na nakabalik dito mula ng una nating pag-uusap." 


Tumikhim si Francis agaw nito sa atensiyon ni Gerardo. "Balae, ako na ang magpapaliwanag." Ipinaliwanag ni Francis ang mga naging problema nila sa hacienda sa Bacolod at sinabi niyang si Dennis ang lang ang inaasahan ni Gener na makakatulong sa kanya ng mga panahong yun dahil nasa America silang mag-asawa. 

Agad namang naunawaan ni Gerardo ang naging sitwasyon ng pamilya ni Dennis ang hindi lang niya nasisiguro ay ang asawa kung agad huhupa ang galit nito.

"Ngayong narinig ko na ang panig ninyo, wala ng dahilan para patuloy akong magalit. Ang ayusin mo ngayon Dennis ay si Emer, hindi naman pala niya alam na mahal mo siya. Ang lakas ng loob mong magsabi sa akin na mahal mo ang anak ko pero hindi mo pa pala nasasabi sa kanya." umiiling na sabi ni Gerardo.

"Nasaan po si Emer?" excited na si Dennis na makausap ang asawa.

"She's in her bedroom. Pasama ka kay Diday para makapag-usap na kayo at maayos na ito." 

"Paano kung hindi na niya ako mapapatawad?" alanganing tanong ni Dennis kay Gerardo.

"Wala na akong magagawa doon siguro tanggapin mo na lang kung ano ang magiging desisyon ng asawa mo." mabilis na sagot ni Gerardo.

Halos manlumo si Dennis sa sinabi ng biyenan akala niya ay makakatulong niya ito sa pangungumbinsi kay Emer. Ang excitement na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng kaba na hindi niya kayang ipaliwanag. 

"Puntahan mo na si Emer, baka magbago ang isip ko hindi na kita papayagang makausap ang anak ko. Tandaan mo hindi ako sang-ayon sa ginawa ninyong pagpapakasal." pananakot ni Gerardo kay Dennis. 

Mabilis na tumayo si Dennis para makausap na ang asawa. Iisa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling yun; gagawin niya ang lahat mapatawad lamang siya ni Emer kahit maglumuhod pa siya sa harap nito basta hwag lang ituloy ni Emer ang annulment. 

Nang makaalis si Dennis ay naiwan ang dalawang matandang lalaki sa maluwag na sala. 

"Balae ako na mismo ang humihingi ng dispensa sa lahat lahat ng nagawa namin." mapagpakumbaba ang boses ni Francis.

"Naiintindihan kita balae. Hayaan natin ang mga bata ngayon ang lumutas ng mga problemang pinasukan nila para matuto sila." nakangiti si Gerardo kay Francis.

____________________________

A.N.

Last chapter na ang susunod then epilogue na po tayo ^__________^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 17.8K 44
Daniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times...
8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
2.1M 8.2K 8
This is My devil husband Book 2
2.5M 3.9K 2
Safara Geneva threatened her ex-boyfriend, Neo Cleistein to marry her because she accidentally got pregnant by him. She took the chances even though...