Chapter 51 part 1
"Congratulations hija!" nakangiting sabi ng doctor kay Emer.
"You mean doc.." tuwang tuwang si Eliza, ito ang mas excited sa result ng test ng anak.
"Yes Mrs. Ignacio. Emer is 7 weeks pregnant, kaya lang she needs to be careful medyo maselan ang pagbubuntis niya." paliwanag ng doctor.
Habang si Emer naman ay halos hindi maunawaan ang pinag-uusapan ng mga kaharap. Si Dennis ang gumugulo sa sa isipan niya sa mga kasalukuyan, hindi siya makapagdesisyon kung sasabihin niya ba dito ang pagbubuntis.
"Gaano ka delikado ang pagbubuntis ng anak ko doc?" kinakabahang tanong ni Gerardo.
"Mahina kapit ng baby that's why need to monitor her condition. I will schedule you again next week for series of laboratory tests. Right now I'll prescribe some medicines paki monitor po dapat masunod ang oras ng tamang pag-inom ng mga gamot." mahigpit na bilin ng doctor.
"Thank you doc, we'll do that." sagot ni Eliza.
Hanggang sa makauwi ng bahay ay walang imik si Emer, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ngayong nakompirma na ang pagdadalang tao niya.
"Hija, don't worry nandito naman kami ng papa mo." sabi ni Eliza habang magkaagapay silang naglalakad papasok sa kabahayan.
"Mama, ayokong malaman ni Dennis ang tungkol dito." pakiusap ni Emer.
"Hindi dapat malaman ng kahit sino sa mga Almonte ang tungkol dito." matigas na sagot ni Eliza.
"We can tell this to Mama Divina, I'm sure na maiintindihan niya tayo." sabi ni Emer.
"No! ayokong makialam ang Divina na yun. Magmula ngayong araw na ito pinuputol ko kung ano man ang naging koneksiyon natin sa kanila." masasalamin ang galit nito sa bawat salitang binitawan.
"Ano na naman yan?" mukhang may kaaway ka na naman." sabad ni Gerardo. Tinapunan niya ng makahulugang tingin ang asawa. Gusto nitong iparating dito na kontrolin niya ang kanyang emosyon sa harap ng anak. Napagkasunduan nilang mag-asawa na hindi muna nila ipapaalam kay Emer ang tungkol sa mga sinabi ni Divina.
"Mama, may nangyari ba na hindi ko alam?" curious na tanong ni Emer sa ina.
"Don't mind me hija. Naiinis lang ako kay Dennis dahil wala siyang isang salita. Ang mabuti pa umakyat ka na muna sa kwarto mo para makapagpahinga ka, ipagdadala na lang kita ng pagkain doon mamaya." taboy ni Divina kay Emer.
Nasa unang baitang pa lang ng hagdan si Emer ng marinig niya ang sinabi ng isa sa mga kasambahay nila.
"Ma'am Eliza, may tumawag po pala kanina dito. Hinahanap po kayo?"
"Tinanong mo ba ang pangalan niya para makapagreturn call ako." balewalang sagot ni Eliza.
"Mrs. Almonte daw po, pati nga si ma'am Emer ay gustong makausap."
Napasinghap si Divina sa tugon ng kasambahay. "Ano daw ang gusto niya? nag-iwan ba ng message?" nakataas ang kilay ni Eliza habang nagtatanong.
Tumango na lang si Eliza. "Sige bumalik ka na sa kusina. Ako na lang ang tatawag sa kanya." ayaw ipahalata ni Eliza ang inis dahil napansin niyang nakikinig ang anak.
"Mama, bakit kaya tumawag si Mama Divina?" tanong ni Emer, nakatayo pa rin ito sa may hagdanan.
"I don't have any idea. Hwag mo ng alalahanin yun, tatawagan ko na lang siya." sabay talikod ni Eliza para hindi makita ni Emer ang galit sa mukha niya.
Nang tuluyan ng makaakyat si Emer ay inis na binalingan ni Eliza ang asawa. "Anong kailangan ng babaeng yun? bakit gusto niyang makausap ang anak natin?"
"Why don't you call her? para malaman natin ang dahilan." kalmadong tugon ni Gerardo dito.
"I don't want to talk to her!" piksi ni Eliza.
"Don't waste your time thinking about them. Ang isipin mo ang tungkol sa kalagayan ng pinagbubuntis ni Emer." seryosong sabi ni Gerardo.
Biglang nanahimik si Eliza, natauhan siya sa sinabi ng asawa. Kailangan niyang pag-isipan ngayon ang lahat ng mga desisyon na gagawin alang-alang sa magiging apo.
"Ikaw ano ang desisyon mo? ipapaalam ba natin kay Dennis ang tungkol kay Emer?" kalmado na si Eliza ng mga sandaling yun.
"I want to talk to him first bago ako magdesisyon." buntong hininga ni Gerardo. "because I want our grandchild to have the best in this world. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang makilala ang kanyang ama." matapat na tugon ni Gerardo.
"You're just saying that dahil hindi ikaw ang nakarinig ng mga pinagsasabi ni Divina tungkol sa anak natin." mabilis na tugon ni Eliza. "but this time ikaw ang bahalang magdedesisyon, susuportahan kita." nakangiti na siya sa asawa.
Tinanguan ni Gerardo ang asawa. "Magpahanda ka ng masarap na pananghalian para makakain ng maayos si Emer, ilang araw na yang ganyan baka kung anong mangyari sa kanila." utos ni Gerardo sa asawa.
Samantalang sina Dennis naman ay hinihintay na lang ang choppoer na susundo sa kanila. Napagkasunduan ng kanyang mga magulang na sasamahan siya ng mga ito sa pakikipag-usap sa mga biyenan. Kasalukuyan silang nasa sala ngayon habang naghihintay.
"Anong oras kaya tayo makakarating sa San Simon?" hindi mapakaling tanong ni Divina sa anak.
"I'm sure before lunch nandun na tayo." tugon ni Francis habang abalang nagbabasa ng newspaper.
Bakit naman kasi ngayon pa nagpasundo si ate Lena?" tukoy ni Dennis sa asawa ng kapatid.
"Tumigil nga kayong dalawa sa kalalakad diyan, nahihilo ako sa inyo." asik ni Francis kina Divina at Dennis.
"Papa, my wife is sick kaya nag-aalala ako." sabay upo ni Dennis sa malambot na sofa na nasa malaking living room.
Nang may marinig ng ugong ng sasakyan ay halos mapalundag si Dennis, sigurado siyang ang pamilya na ng kuya Gener niya ang paparating. Ngayon pa lamang ay nasasabik na siyang muling makita ang asawa.
_________________
A.N.
Pasensiya na sa late UD nasira po kasi ang laptop ko kaya kailangan ko pang bumili ng bago para makapag ud ako today..
Thanks for waiting.. hehehehe