Chapter 47 part 2
Pagkarating na pagkarating ni Dennis sa Manila ay sinabi ni Nana Salud na agad nitong tawagan ang kapatid na nasa Bacolod.
"Wala po ba siyang ibinilin si Kuya Gener?" tanong ni Dennis.
"Ang sabi lang po niya ay importante daw na matagawan ninyo siya, yun lang ang ibinilin niya."
Agad na inilabas ni Dennis ang cellphone para malaman kung ano ang importanteng gustong sabihin sa kanya ng kapatid.
"Kuya, what's the matter?" bungad ni Dennis ng marinig ang boses ng kapatid sa kabilang linya.
"Oh God! I was calling you since this morning but you're not answering yur phone." reklamo ni Gener sa kapatid.
"It's Gabriel and Athea's wedding, I was busy."
"Oh okay, I forgot it. Dude, I need you here." imporma ni Gener.
Napakunot ang noo ni Dennis. "Why? may problema ba sa hacienda?" lagi namang ganun ang nangyayari tuwing may problema sa mga negosyo nila ay siya ang taga-ayos ng mga gusot.
"Nag strike ang mga farmers natin and I tried to negotiate with them." mababakas ang pagkabalisa sa boses ni Gener.
"Anong nangyari?"
"Masyadong marami silang demands, hindi ko pwedeng ibigay ang gusto nila. Baka naman matulungan mo akong makipag-usap sa kanila."
"I'll help you pero next week pa ako makakapunta diyan may mga aayusin din akong problema dito." ang plano ni Dennis ay bukas na bukas din ay babalik siya ng San Simon para makapag-usap na silang mag-asawa. Hindi niya pwedeng i-delay pa ito baka lalong magalit sa kanya ang biyenan na lalaki.
"Dennis, hindi natin pwedeng patagalin ito. Malulugi ang hacienda, it's milling season now at baka madelay tayo sa mga kliyente natin." nagpapanic na si Gener.
"Pero kuya may problema kami ni Emer kung hindi kami makakapag-usap I might lose her forever." pagpapaintindi ni Dennis sa kapatid.
"If you'll explain it to her about our problem I'm sure she'll understand it. Your wife is a smart woman, alam niya ang kung paano kahirap kung may problema sa negosyo. Don't worry I'll help you para magpalwanag sa kanya." pangungumbinsi ni Gener.
Malapit ng mainis si Dennis sa kapatid dahil kahit kailan ay alam niyang hindi maayos ang pamamalakad nito sa Hacienda de Almonte. May mga nababalitaan din siyang naabuso ang karapatan ng mga magsasaka. Sa pagkakataong ito ay hindi naman niya kayang ipagwalang bahala ang nangyayari sa hacienda.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.
"Dennis are you still there?" tanong ni Gner.
"Okay, I'll be there. Magpapahatid na lang ako sa chopper pero bibisitahin ko muna ang refinery department para alamin ang production." walang magawa si Dennis kundi ang tulungan ang kapatid.
"Thanks dude! Pagdating na pagadating mo dito ako mismo ang tatawag kay Emer para ipaalam sa kanya ang sitwasyon." biglang sumigla ang boses ni Gener.
Tinapos na ni Dennis ang pakikipag-usap at inihanda ang mga dadalhin.
___________________________
Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe ni Dennis. Nang makita na maayos ang production sa refinery ay nagtuloy na siya sa villa. Nadaanan ni Dennis ang mga tauhan nila na nagrarally habang papasok sa kanilang villa, mabuti na lamang tinted ang kanyang sasakyan niya kaya hindi malalaman kung sino ang nasa loob nun.
"Dude!" nagmamadali si Gener sa pagsalubong kay Dennis. "Kumusta ang biyahe mo? Nakadaan ka ba sa refinery? since the other day hindi na ako makalabas dito, inaabangan ako ng mga magsasaka." pagbabalita nito sa kapatid.
"We still have enough stocks of sugar cane to supply the demands for this month. Pero kung magiging malala ang sitwasyon natin wala na tayong production next month." pagbibigay importmasyon ni Dennis.
"Halika sa library tayo mag-usap para maipakita ko sayo ang mga demands ng magsasaka." yakag ni Gener.
"Mas mabuti kung maaga nating maayos ito para agad na akong makabalik ng Manila." naalala pa rin ni Dennis ang asawa, hindi niya alam ang gagawin kung itutuloy nito ang sinasabing annulment. Kung kinakailangan na magtrabaho siya ng bente kwatro oras maayos lamang agad ang problema sa hacienda ay gagawin niya.
Nang makaasok sa library ay agad na inabot ni Gener ang mga dokumento sa kanya. Nakapaloob doon ang lahat ng mga gustong mangyari ng mga magsasaka.
"Kuya, kailangan kong pag-aralan ang mga ito. Gusto ko ring makausap ang mga leader ng mga magsasaka para marinig ko ang personal nilang hinaing." Nararamdaman ni Dennis na komplikado ang problema ng hacienda at hindi pwedeng ipagwalang bahala. Nakikini-kinita na niya na aabutin siya ng tatlong linggo sa Bacolod at yun ang pinaka malala niyang problema. Nangako pa naman siya sa papa ni Emer na babalik siya as soon as possible.
____________________
Lumipas ang tatlong araw hanggang maging isang linggo pero walang Dennis na nagpakita sa rancho ng mga Ignacio. Iyak ng iyak si Emer dahil parang alam na niya ang mangyayari sa kanila ni Dennis.
"Hija, tigilan mo na ang kakaiyak. Kung totoong mahal ka ng lalaking yun sana tinawagan ka man lamang niya para ipaalam na hindi siya makakarating." galit na sabi ni Gerardo kay Emer nang abutan niya itong umiiyak na naman sa kanyang kwarto.
"Papa, ang sabi ni Nana Salud nagpunta daw si Dennis sa Bacolod." humihikbing sumbong ni Emer.
"See? nakapunta ng Bacolod pero dito sa San Simon na ilang oras lamang ang travel time from Manila ay hindi niya nagawa. Ibig sabihin lamang nun na wala siyang palabra de honor at hindi siya seryoso sa mga binitiwang salita. Kalimutan mo na ang lalaking yun and if you want sumama ka sa kapatid mo sa Canada para makapagbakasyon ka." sabay akbay ni Gerardo sa anak.
"Aayusin ko na lang ang negosyo ko papa, ilang buwan na rin ako dito maybe it's about time na bumalik na ako sa Manila." malungkot na sabi ni Emer. Tama ang kanyang papa hindi dapat siya nagmumukmok dito sa San Simon kailangan na niyang magtrabaho baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
__________________
A.N.
Maraming salamat na hindi kayo nagsasawang maghintay ng UD ^__^
Please don't forget to vote and leave your comments :)