Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Chapter 52
Epilogue

Chapter 40 part 2

123K 1.5K 117
By terelou1220

Chapter 40 part 2

Apat na oras din inabot ang biyahe nina Emer bago sila nakarating sa exclusive village sa Pasig kung saan nandun ang bahay ni Dennis. 

Masaya siyang sinalubong ni Nana Salud. "Ma'am kumusta po?"  inalalayan ng matanda ang amo na makapasok sa kabahayan.

"Okay naman po ako, kayo kumusta kayo dito?" balik anong ni Emer. 

"Naku ma'am, halos araw araw tumatawag dito si sir Dennis lagi nga niyang tinatanong kung may balita kami sa inyo." excited sa pagkukwento ang matandang katiwala.

Tinanguan lang ni Emer ang sinabi ni Nana Salud. Kahit ano pa ang malalaman niya this time ay desidido na siyang makipaghiwalay dito. 

"Bilin po pala ni sir na kapag dumating ka ay itawag namin sa kanya." patuloy na pahayag ni Nana Salud. 

"Hwag na po ninyo siyang tawagan, ako na lang ang bahalang mag inform sa kanya." 

Sumang-ayon na lang ang matanda sa sinabi ni Emer kahit na mahigpit na bilin ni Dennis na tawagan siya pagdating na pagdating ng asawa.  "Nagluto po ako ng paborito mo, ihahanda ko na muna ang hapunan." nagmamdali nitong tinungo ang dining room.

Nagdiretso na si Emer sa master's bedroom para makapagpahinga bago maghapunan. Pagpasok niya sa kwarto ay iginala niya ang paningin sa kabuuan nito, napaka aliwalas ng kwarto pero tuwing nandito siya sa loob nito ay nakakaramdam siya ng kalungkutan. Humiga siya sa malambot na kama para kahit papano ay makapagpahinga siya. 

Hindi naman mapakali si Dennis habang naghihintay ng tawag mula kay Nana Salud. Dapat sa ganitong mga oras ay nasa bahay na si Emer pero hanggang ngayon ay hindi pa siya tinatawagan ng matanda. Nang hindi na makapaghintay ay siya na mismo sana ang tatawag pero sunud sunod na ang ginawa ng taong nasa labas ng suite niya. Dali daling niyang sinilip kung sino ang tao sa labas at laking gulat niya ng makita ang hitsura ni Joan.

Samantalang si Toffer naman ay palabas din sa kanyang suite para ihatid ang mag-ina sa airport ng may mamataan siya sa di kalayuan sa kinatatayuan niya. Hindi siya pwedeng magkamali, si Dennis at Joan yun. Kitang kita niya kung paano nagyakapan ng dalawa bago pumasok sa loob ng kwarto. 

Kung hindi lamang napigilan ni Toffer ang sarili ay baka nasugod niya ang dalawa at nakatikim ng sabunot sa kanya ang bruhang babaeng yun.

Nang makarating siya sa kwarto ni Jesica ay doon niya ibinuhos ang lahat ng inis. "Sister, I saw them! mga walanghiya!" panay ang kumpas ng mga kamay ni Toffer.

"Hey, calm down. What's going on? hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi ni Jesica.

"Nakita ko ang bruhang babae at ang hayop na lalaking yun, nagyayakapan." pagkukwento ni Dennis.

Napa upo sa couch si Jesica, parang biglang uminit din ang kanyang ulo. Napakalaki ng utang na loob niya kay Emer, noong panahon na siya ang nangangailangan ng tulong si Emer ang laging nasa tabi niya para damayan siya kahit inilihim niya dito noon ang totoo tungkol sa ama ng kanyang anak.

"Sasabihin ba natin ito kay Emer?" baling niya kay Toffer na nakatayo sa harapan niya.

"Hwag muna, masyadong torture na ito sa kaibigan natin." tugon ni Toffer.

"Anong gagawin natin?" naguguluhan din si Jesica sa sitwasyon ng kaibigan.

"Ang sabi naman niya ay may final decision na siya, kaya we'll just wait. Tayo na baka ma late kayong mag-ina." sabay lapit ni Toffer sa dalawang maleta na malapit sa pintuan.

Nang mga sandali namang yun ay panay ang iyak ni Joan mula ng makapsok sa loob ng kwarto ni Dennis. Halos hindi na ito makapagsalita dahil sa kakaiyak. 

"What;s wrong?" pinipilit ni Dennis na magsabi ng problema sa kanya si Joan.

Ilang sandali rin ang lumipas bago nahamig ni Joan ang sarili. "I s-saw my ex-husband nandito rin siya. Dennis, I'm scared." napayakap ito sa sarili at lalong napaiyak.

Naawa naman si Dennis sa ayos nito kaya lumapit siya at niyakap niya ito. Nang maramdaman naman ni Joan ang mga bisig ni Dennis ay agad niyang isinandig ang ulo sa dibdib nito at ginantihan ng yakap.

"Naka check in din ba siya dito?" muling tanong ni Dennis habang hinahagod ang likod ni Joan para kumalma.

"I think so, pwede bang dito muna ako matulog, ngayong gabi lang naman." nakikiusap ang tinig ni Joan. Kumalas na rin sya sa pagkakayakap ni Dennis kahit gustong gusto niya ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nito. 

Hindi makasagot si Dennis dahil nagdadalawang isip siya. Alam niyang nandito rin ang mga kaibigan ni Emer at ayaw niyang malaman ito ng asawa niya baka tuluyan na siyang kasuklaman nito. 

"Dennis, please. Tomorrow I'll check in to another hotel." pagmamakaawa ni Joan. 

Kahit sinaktan siya ng babaeng ito noon ay hindi rin naman niya kayang mapahamak ito. "Okay, you can stay here tonight." pagpayag ni Dennis.

Pagkarinig sa sinabi ni Dennis ay parang gustong magtatalon sa tuwa ni Joan. Hanggang ngayon ay kaya pa rin niyang paikutin ang lalaki.

"Sa bed ka na matulog, I'll use the couch." sabi ni Dennis. 

"Ako na lang ang sa couch, mahihirapan ka or kung gusto mo pwede naman tayong mag share sa bed." pilit na pinapakaswal ni Joan ang boses para hindi makahalata si Dennis na inaakit niya ito. 

"I'll insist." sabi ni Dennis at inayos na ang couch kung saan siya matutulog. Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil ng mga sandaling yun ay si Emer ang naiisip niya, wala na ring dating sa kanya ang presensiya ni Joan.

Dahil sa pagod ay agad nakatulog si Dennis kaya hindi na niya narinig na nagriring ang kanyang telepono. 

Si Joan ang sumagot sa cellphone ni Dennis na nakapatong sa bedside table. "Hello" tila tamad na sagot ni Joan. 

Nagulat si Nana Salud ng boses ng babae ang sumagot at halatang naistorbo ito sa pagtulog.

_____________

A.N.

For sure marami na naman pong sisigaw na bitttttttttiiiiiiiinnnnn!!! 

Sorry guys :) 

Please leave your votes  and your comments ^____^

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
313K 5.2K 47
(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari...
25.6K 769 14
Is it possible to be friends with someone who broke your heart?
5.5M 54.1K 104
Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang s...