Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Chapter 52
Epilogue

Chapter 40 part 1

127K 1.5K 79
By terelou1220

Chapter 40 part 1

Nagmamadaling pumanhik si Eliza sa kwarto ni Emer. Hindi na siya kumatok dahil sa pagmamadali, inabutan niyang prenteng nakaupo ang anak sa kama habang nagbabasa.

Nagulat si Emer ng bigla na lamang bumukas ang pintuan at sabay pasok ng humihingal na ina. "Mama! what's wrong?" nakakunot ang noo niya. 

"Nasa baba ang driver ni Dennis, ipanasusundo ka daw niya." matiim niyang tinitigan ang anak.

"Huh?" gulat na gulat ang naging reaksiyon ni Emer.

"May usapan ba kayo? Nandito na ba siya sa Pilipinas?" sunud sunod na tanong ni Eliza.

"Mama, it's imposible na nandito siya. Kausap ko lang siya kaninang umaga and he didn't inform me about this." naguguluhang sabi ni Emer. Naiinis na naman siya dahil gumagawa na naman ng desisyon ang lalaki na hindi ipinapaalam sa kanya. 

"I'll go downstairs baka dumating na ang Papa mo at magtataka yun kung aabutan ang driver ni Dennis. You better call him to confirm this." utos nito sa anak at dali dali na ring lumabas.

Agad namang tinawagan ni Emer si Dennis, nanggigigil siya habang hinintay na sagutin ng lalaki ang kabilang linya. Nababahala si Emer na baka maghinala na ang kanyang Papa sa mga nangyayari.

Nang marinig ni Dennis na wala tigil sa pag-iingay ang kanyang cellphone ay dinampot niya ito kahit tambak ang kanyang trabaho. Nagtataka siya ng makita na ang number ng asawa ang nakarehistro sa kanyang screen, hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito. 

"Emer?" bungad ni Dennis.

"Bakit nandito si Manong Pablito?" mabilis na tanong ni Emer.

"Napag-usapan na natin ito kanina di ba? He'll pick you up then we'll talk when I get home." naguguluhang tanong din ni Dennis.

"Wala tayong napag-usapan." inis na sabi ni Emer.

"Emer just follow my instructions. Alam kong galit ka sa akin, we'll talk pag-uwi ko." mahinahon ang boses ni Dennis.

"When are you coming home?" malamig na tanong ni Emer.

"Dapat bukas kaya lang hindi pwedeng iwanan itong kompanya na walang papalit sa akin. Sa susunod na araw pa pwede si Vincent." 

"Just let me know kung nakauwi ka na, then we'll just meet somewhere." ayaw ipahalata ni Emer na namiss niya ang lalaki. 

"Emer, umiiral na naman ang katigasan ng ulo mo. Sumama ka na kay Manong Pablito nakatawag na rin ako sa bahay alam na nina Nana Salud na parating ka ngayon.  If you wont listen to me I can easily tell to my cousin about the secret of your friend." alam ni Dennis na mahirap pasunurin si Emer kay binablackmail niya ito. 

Natigilan si Emer sa narinig, ibig sabihin ay may alam na si tungkol kay Venice. "Napakawalanghiya mo talaga!" sabay pindot  sa end button. 

Napapangiti si Dennis pagkababa ng telepono. Nasisiguro niyang uuwi si Emer.

Samantalang si Joan naman ay bibisitahin sana si Dennis, hindi muna siya tumuloy sa opisina nito ng marinig na may kausap ang lalaki sa telepono.

Pagkakababa ni Emer ng telepono ay agad niyang tiwanagan si Jesica kailangan niyang bigyan ng babala ito. 

"Hi! sis" masiglang bati ni Jesica kay Emer.

"Darating si Vincent diyan, mag-ingat ka."  

Kinabahan si Jesica ng marinig ang masamang balita mula sa kaibigan. "Ipapa re-book ko ang ticket namin ni Venice, uuwi na kami ngayon." mabilis na nagdesisyon si Jesica.

"That's great." sang-ayon ni Emer. 

"Nag-usap na ba kayo ni Dennis?" usisa naman ni Jesica dito.

"Yes, and my decision is final." sabay buntong hininga ni Emer.

"Hihiwalayan mo na siya?" paniniguro ni Jesica.

"Sobrang hirap ng ganitong sitwasyon, hindi ko kakayanin." biglang lumungkot ang boses ni Emer.

"Mabuti nga kumakain lang sila ang mas masakit na makita mo kung may ginagawa na silang kalokohan." pampalubag loob na sabi ni Jesica.

"Wala akong laban sa babaeng yun, siya ang totoong mahal ni Dennis." nagsisimula na naman siyang maging emotional. 

"Hayaan mo na nga ang lalaking yan, mula ng makilala mo yan puro sakit sa ulo na lang ang ibinigay sayo." palatak ni Jesica.

"Ayusin mo na ang ticket ninyong mag-ina, pauwi din ako ng Manila ngayon. I'll see you there." putol na ni Emer sa usapan.

Inayos ni Emer ang sarili. Kailangan niyang magsinungaling na naman sa kanyang Papa tungkol sa pagpunta niya ng Manila. 

Natagpuan ni Emer ang kanyang Papa sa library. Pinilit niyang pinasigla ang boses. "Papa, are you busy?"

"Even I'm busy, I'm always available for my bunso." paglalambing ng ama.

Naghihitay si Gerardo sa sasabihin ng anak. Kilalang kilala niya ang kilos ng mga anak, alam niyang may problema ang bunso pero hinihintay niyang ito mismo ang magsabi sa kanya.

"Papa, kailangan kong magpunta ng Manila." kinakabahang paalam ni Emer.

"Nasabi nga sa akin ng Mama mo at nandyan na daw ang driver mo para sunduin ka." malumanay na sabi ni Gerardo.

Nakahinga ng maluwag si Emer. 

"Is it okay Pa?" nakangiting tanong ni Emer sa ama.

"Go ahead, habang maaga pa para hindi kayo gabihin." pagpayag ng matandang lalaki.

Mabilis na hinalikan ni Emer sa pisngi ang ama at nagmamadaling lumabas ng library. Nasalubong niya ang kanyang ina sa pasilyo.

"Thank you Mama." mahigpit niya itong niyakap.

"Mag-iingat ka sa biyahe, siguruhin lang ng Dennis na yan na hindi niya padadampuin ang kamay niya sayo. Hindi ko na palalampasin yun kahit isa pa siyang Almonte." seryoso nitong sabi.

"Hindi na mangyayari yun Mama, hihiwalayan ko na siya." sigurado si Emer sa kanyang desisyon.

Si Joan naman ay may kausap na tao para bantayan ang mga kilos ni Emer. Nalaman niyang babalik na ng Manila ang asawa ni Dennis at ito na ang pagkakataon niya na siraan ito sa lalaki.

________________________

A.N.

Salamat po sa lahat ng sumusuporta ng PH ^____^

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
5.5M 54.1K 104
Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang s...
630K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.6K 2.5K 50
Greg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar...