Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Chapter 52
Epilogue

Chapter 38 part 2

122K 1.5K 88
By terelou1220

Chapter 38 part 2

Sa kabilang panig naman ng restaurant ay nakikipagtalo si Toffer kay Jesica tungkol sa pagkaing oorderin nila hindi sinasadyang napatingin si Jesica sa direksiyon nila Dennis.

"Sis, si Dennis.." halos hindi maibuka ni Jesica ang bibig, nanggigigil siya sa galit sa nakikitang eksena.

"I don't care about him." mataray na sabi ni Toffer sabay tingin sa menu na nasa harap niya.

"He's with his ex." pabulong na sabi nito.

"Mommy, why are you angry?" nagtatakang tanong ni Venice kay Jesica.

"I'm not angry anak." sabay halik nito sa pisngi ng anak.

Pagkarinig naman sa sinabi ni Jesica ay mabilis na nilingon ni Toffer ang direksiyon na tinnitingnan kanina ni Jesica.

Nanlilisik ang mga mata ni Toffer ng makita ang hinahanap. "Napakawalanghiya talaga ng lalaking yan, kaya pala hindi isinama si Emer." 

"Ssshh, watch your words. Naririnig ka ng bata." saway ni Jesica. Napansin niyang pinagmamasdan sila ng anak.

"Anong gagawin natin?" kalmadong tanong ni Toffer.

"Gusto ko siyang makausap." seryosong sagot ni Jesica.

"Kailangan malaman ito ni Emer." mabilis na inilabas ni Toffer ang kanyang cellphone.

"Ano ka ba? hwag muna nating sabihin kay Emer. Masasaktan na naman ang kaibigan natin." pigil ni Jesica kay Toffer.

Tumayo si Jesica mula sa kinauupuan, tiyak ang kanyang patutunguhan at hinanda niya ang kanyang matamis na ngiti.

"Hi Dennis, I didn't expect to see you here."  bungad ni Jesica ng nasa harap na siya nina Dennis at Joan.

Nagulat si Dennis ng biglang lumitaw sa harap niya ang kaibigan ng asawa. Alam niyang makakarating kay Emer ang tagpong ito. 

"Jesica nice to see you here, by the way meet my friend Joan." kaswal na tugon ni Dennis. 

"I know her kahit noong may relasyon pa kayo. Kaya pala iniwan mo sa Pilipinas ang kaibigan ko." sabay talikod ni Jesica.

"Sorry, baka mag-away kayong mag-asawa dahil sa akin. Kung alam ko lang sana hindi na kita nilapitan."  tila nagsisisi ang tinig ni Joan habang nakatitig ito kay Dennis.

"Don't worry, I'll just explain it to my wife." buntong hininga ni Dennis. 

"Are you sure? i hope hindi narrow minded ang babaeng pinalit mo sa akin." sabi ni Joan sa pagitan ng pagsubo niya .

Hindi na lang pinansin ni Dennis ang sinabi ng babae, mula pa noon ganito na talaga ang ugali nito. 

"May gagawin ka ba mamaya?" pang-iiba ni Joan ng usapan.

"After sa office I'm free. Why?" 

"Baka naman pwede tayong lumabas mamayang gabi, ayoko naman na mag stay lang sa room ko lalo ko lang naalala yung mga nangyari sa akin." tila naluluhang sabi ni Joan ng maalala ang ginawa ng dating asawa. 

"Sure, I'll accompany you later." naiintindihan ni Dennis ang dating nobya. Nanghihinayang siya dahil hindi sila ang nagkatuluyan hindi sana nito naranasan ang pagmalupitan ng asawa. 

Nang maalala ni Dennis ang sitwasyon ni Joan ay bigla namang pumasok sa isipan niya si Emer. Kung sa tutuusin wala siyang pinagkaiba sa naging asawa ni Joan. Hindi nga niya sinasaktang pisikal ang asawa pero emotionally abused naman ito.  Sinugurado niya sa sarili na mamaya ay agad niyang tatawagan si Emer para ipaliwanag ang nakita ng mga kaibigan.

Samantala sina Toffer at Jesica ay galit na galit habang pinapanood na kumakain sina Dennis at Joan. Kung nakamamatay lamang ang tingin nila ay baka kanina pa natumba ang dalawa sa kinauupuan. 

"Kuhanan mo sila ng picture then send it to Emer." utos ni Jesica kay Toffer.

"Akala ko ba ayaw mong masaktan ang kaibigan natin?" naguguluhang baling ni Toffer sa kaibigan.

"Napag isipan ko mas lalo siyan masasaktan kung ipagpapatuloy niya ang kalokohang ito."  umiiling na sabi ni Jesica. 

Habang abala ang dalawa sa pag-iisip kung paano nila sasabihin kay Emer ay hindi nila namalayan na nasa tabi na nila si Dennis. 

"I know iba ang iniisip ninyo sa nakita ninyo kanina." bungad ni Dennis sa dalawa. 

"Ano pa ba ang dapat naming isipin?" medyo tumaas ang boses ni Toffer.

"Ninong, are you fighting?" nagtatakang baling ni Venice kay Toffer. 

"Dennis pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap, ayokong may marinig ang bata." pagpapaunawa ni Jesica sa lalaki.

Agad naman naagaw ang atensiyon ni Dennis ng batang nasa pagitan nina Toffer at Jesica. "Alam ba ni Vincent ang tungkol sa kanya?" tanong niya kay Jesica.

"Will you please shut up? Wala kang sasabihin sa kanya or else.." pinipigil ni Jesica ang galit.

"Or else, what?" nang-uuyam ang tinig ni Dennis.

"Toffer pwedeng pakilabas mo muna si Venice."  pakiusap ni Jesica . Magtutuos sila ng lalaking ito. 

"Mommy, I'm still eating." reklamo ng bata ng ayain ito ng Ninong niya na lumabas. 

"Your ninong will bring you to the ice cream house."  pang-uuto ni Jesica sa anak.

Parang nakarinig naman ng magic words ang bata, mabilis pa sa alas kwatro itong sumama kay Toffer.

Pagkatalikod ng dalawa ay agad namang umupo si Dennis sa harap ni Jesica. 

"What do you want?" mataray na sabi ng babae dito.

"Hindi ko sasabihin sa pinsan ko ang tungkol sa sekreto mo, but in return wala ka ring sasabihin kay Emer tungkol Joan." walang paligoy ligoy na sabi ni Dennis sa kanya.

"Walang problema sa akin, pero sa tingin mo si Toffer mapipigilan mo ba siyang hindi magsumbong sa kaibigan namin.  Kung wala talaga kayong ginagawa ng babaeng yun, hindi mo na ako dapat kinausap." hindi natatakot si Jesica kahit malaman pa ni Vincent ang tungkol kay Venice ang ayaw talaga niya ay ang maagrabyado ang kaibigan.

Hindi alam ni Dennis kung bakit ganun na lang ang pag-aalala niya na malaman ni Emer na nagkita sila ni Joan.

___________________

A.N.

Sorry po natagalan ang UD... naubos po ang time ko sa paglilinis ng bahay dahil kay Mario :)

Don't forget to vote and leave your comments ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

49.7K 2.5K 50
Greg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar...
158K 6.2K 79
A sole survivor of a plane crash was told by a fortune teller to find a certain woman and marry her in order to escape an impending death. *unedited*
385K 6.4K 25
I'm rich. No. Let me rephrase that. My family is rich. Not just rich. Isa kami sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo. I'm smart. I go to one of t...
25.6K 769 14
Is it possible to be friends with someone who broke your heart?