Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Chapter 52
Epilogue

Chapter 35 part 2

127K 1.5K 94
By terelou1220

Chapter 35 part 2

"Ayusin mo na ang sarili mo and let's go downstairs para makausap mo sina tita Divina." muling sabi ni Jesica sa kaibigan.

Nasa hagdan pa lamang sila ay may mga naririnig na silang mga taong nag-uusap sa living room. Mahigpit na hinawakan ni Jesica ang kamay ni Emer para palakasin ang loob nito. 

Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Emer bago patuloy na bumaba. 

"Hija, mabuti bumaba ka na." nakangiting salubong sa kanya ni Divina. "Ipakilala mo itong maganda mong kaibigan mo kay Vincent para matigil ang pagkakahumaling dun sa ex-girlfriend niya." 

Biglang namula si Jesica sa narinig mula sa ginang, kung alam lang nito kung ano ang kaugnayan niya kay Vincent baka ni anino niya ay hindi makatuntong sa mansion ng mga Almonte. 

Habang si Eliza naman ay mataman niyang pinagmamasdan ang anak, alam niyang may gustong sabihin ito sa kanila. Akmang lalapitan niya si Emer ng biglang dumating ang humahangos na si Dennis. 

Nanlamig ang buong katawan ni Emer pagkakita kay Dennis.

"Sorry guys, medyo natrffic ako." mabilis itong lumapit kay Emer at inakbayan ang dalaga.

Naramdaman ni Dennis na napaigtad si Emer sa ginawa niya. 

"Hindi ka na nahiya, ang bride mo pa ang naghihintay sayo. Kanina pa si judge Mendoza." panenermon ni Francis sa anak.

"Balae sorry for this." muling baling ni Francis kay Eliza na tahimik lamang na nagmamasid sa mga nangyayari.

Tumango lamang si Eliza dahil sa kasalukuyan ay takot ang nararamdaman niya para sa anak.

"C-can we talk for a while?" hindi mapigilan na mag stammer si Emer ng lingunin si Dennis na nakatitig sa kanya.

Iginiya siya ni Dennis sa library at pinaupo sa silyang naroroon.

"Anong sasabihin mo? I'm waiting." sabi ni Dennis habang hinihintay na magsalita si Emer.

"I think...." halos hindi madugtungan ni Emer ang kasunod.

"What Emer?! ano naman bang kaartehan ito?" inis na sabi ni Dennis.

"Let's stop this, hindi ko pala kaya." sumusungaw na ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Natigilan si Dennis sa narinig at nakita niya ang determinasyon ni Emer na huwag ng ituloy ang kasal. "I'm sorry sweetheart it's too late, hindi ka na pwedeng umurong. And this is what you wanted, I'm just giving it to you." nang-uuyam na sabi niya rito.

"Dennis, please listen very carefully. If we will continue this magiging miserable lang buhay nating dalawa because I know you don't love me." umaasa si Emer ng mga sandaling yun na sabihin ni Dennis na mahal siya nito pero kakaiba ang lumabas sa bibig nito.

"Ikaw ang pumili nito and think about my mother's situation, kaya mo ba siyang saktan ngayon?" alam ni Dennis ang soft spot ni Emer. Nakita niya sa mukha nito ang pagsuko.

Magsasalita pa sana si Emer ay sunud-sunod na katok ang narinig nila sa labas. Seryoso ang mukha ni Eliza ng pumasok. 

"Hindi ko gusto ang ginawa mo Dennis, ipinaramdam mo ngayon pa lang na hindi mo pinapahalagahan ang anak ko." may bahid ng galit ang bawat katagang binitawan ni Eliza.

"Ma, may importante lang po akong inasikaso about sa business at hindi ko ito pwedeng palampasin." pagsisinungaling ni Dennis sa ina ni Emer.

Napaismid naman si Emer sa narinig alam niyang kasinungalingan ang sinasabi ni Dennis. Ang mismong kaibigan niya ang nakakita dito na kausap nito ang kanyang ex-girlfriend at ang pagkakaalam niya na ang babaeng yun din ang true love nito. 

Naguguluhan siya ng mga sandaling ito gusto na niyang hwag ituloy ang kasal pero ang inaalala niya ay ang maselang kalagayan ng mama ni Dennis. Napalapit na sa kanya ang matanda at hindi niya kayang saktan ito.

Naputol ang pag-iisip ni Emer ng marinig ang galit na tinig ng ina.

"Oras na malaman ko na sinasaktan mo lang ang anak ko, ilalayo ko siya sa iyo at hindi mo na kailan man makikita. Tandaan mo yan." pagbabanta ni Eliza kay Dennis.

Hindi na lamang kumibo si Dennis dahil ayaw na niyang makipagtalo sa magiging biyenan. 

"Ready na si judge Mendoza." nakangiting sungaw ni Divina. 

Naunang lumabas ng pinto si Eliza, nanggigigil siya sa galit sa mamanugangin at kung pwede lang nga niyang iuntog ang ulo ng anak para matauhan ay ginawa na niya.

Paglabas nila sa sala ay agad na sinalubong ni Toffer si Emer at mabilis na nahila. 

"Itutuloy mo pa rin ba ito?" concern na tanong nito sa kaibigan.

"At bakit naman hindi?" mabilis na hinatak ni Dennis si Emer para ilayo sa kaibigan.

"Dennis, pwede bang kausapin ko muna si Toffer?" 

"Damn you Emerald! talagang pinapunta mo pa ang lalaking yan sa pamamahay ko." nanggigil na sabi ni Dennis habang humihigpit ang pagkakaakbay niya sa dalaga.

Habang abala si Eliza sa pakikipag-usap sa mga magulang ni Dennis ay wala silang kamalay malay sa tensiyon na namamagitan sa dalawa. Tanging si Jesica at Toffer lamang ang nakakaalam kung ano ang totoong nangyayari ngayon.

"He's my friend, walang masama kung inimbitahan ko siya ngayon. Ayoko ng ituloy ang kalokohang ito Dennis." halos pabulong na sabi ni Emer dahil ayaw niyang may makarinig sa kanila. 

"Hindi ka na pwedeng umurong sweetheart, nandito na tayo." nang-aasar na sabi ni Dennis.

Hindi nakatiis si Jesica nilapitan niya ang dalawa. "Mr. Almonte hwag mo sanang pilitin ang kaibigan ko kung ayaw na niyang magpakasal sayo." matapang na simula ni Jesica pero sinuguro niyang sila lamang ang nakakarinig nito.

"I think hwag kaming dalawa ang pansinin mo, look at my cousin kanina pa nakatingin sayo." parang balewala kay Dennis ang narinig mula kay Jesica.

Halos namutla si Jesica ng marinig ang sinabi ni Dennis hindi niya akalain na may alam ito sa kanilang dalawa ni Vincent.

___________________________________

A.N.

Pasensiya na po na natagalan ang UD ko medyo masama lang ang pakiramdam ko few days ago.

Thanks for waiting patiently ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

660K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.7K 2.5K 50
Greg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar...
313K 5.2K 47
(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...