Playful Heart

By terelou1220

12.4M 152K 6.6K

Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa si... More

Playful Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Chapter 47 part 1
Chapter 47 part 2
Chapter 48 part 1
Chapter 48 part 2
Chapter 49 part 1
Chapter 49 part 2
Chapter 50 part 1
Chapter 50 part 2
Chapter 51 part 1
Chapter 51 part 2
Chapter 52
Epilogue

Chapter 4

190K 2K 29
By terelou1220

Chapter 4

"Hijo I'm happy to see you every morning, sana dito ka muna mag stay habang hindi pa kami umaalis ng Papa mo." Bungad ni Divina kay Dennis.

Inabutan nya ang kanyag Mama na nagbabasa ng newspapaer sa may living room.

"Don't worry Ma, yan din ang plan ko. I want to spend time with you, sana sina kuya rin mag stay muna sila dito ng mga bata." sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.

"Dennis! ano ba namang perfume ang ginamit mo amoy babae ka." pinandidilatan nito ang anak.

Kung alam lamang ng kanyang Mama na nagpakalunod sya sa kandungan ni Michelle kagabi ay lalo itong magagalit.

"May nabangga akong babae kanina Ma, nabasag ang perfume nyang hawak." palusot ni Dennis sa ina sabay tayo nito para umakyat sa kanyang kwarto.



"Just make sure na naghahanap ka na ng matinong babae to be your wife or else kami ng Papa mo ang maghahanap." may halong pagbabanta ang boses ni Divina.



Napabuntong hininga si Dennis, talagang isisingit ng kanyang Mama ang topic na iniiwasan nya.



"Yes Mama, actually I already found her." Habang sinasabi nya ito ay naglalaro sa isipan nya ang tigresang babae kanina.



Nanlaki ang mga mata ni Divina ng marinig ang sinabi ng anak. "Really hijo?"





"Huhmm, kaya just relax hwag ninyong masyadong isipin ang tungkol sa pag-aasawa ko. I'm worried for you Mama."



"We'll talk later after ng breakfast, mag shower ka muna ayoko yang perfume mo." pagtataboy nito sa anak.

Sinundan ng kakaibang tingin ni Divina ang papalayong anak.

"Sweetheart, ano ang ibig sabihin ng ngiti na yan." tanong ni Francis sa asawa.



"Bakit ang aga mong gumising? Saturday ngayon don't tell me na pupunta ka pa rin sa opisina mo." malambing nitong sabi.

"No, ipapasyal ko ang mga apo natin mamaya. Parang narinig ko si Dennis, nandito ba sya?." muling tanong ni Francis.



"Yes, he just went upstairs and I have a good news, may ipapakilala na raw sa atin ang bunso mo." excited sa pagkukwento ang ginang.

"Siguraduhin lang nya na matinong babae yun." sabi ni Francis.

"That's what I've told him a while ago."



"Kailan daw nya ipapakilala sa atin? Sana bago tayo umalis."

"Kausapin mo mamaya para makapag set na tayo ng schedule."

Tumango si Francis bilang pag-sang ayon sa sinabi ng asawa.

_________________________________________

"Gerardo, saan kaya nagpunta ang anak mo?" nag-aalala ang si Eliza para kay Emer.

"Hayaan mo sya natuto syang umalis matuto rin syang bumalik." may pinalidad sa bawat salitang binitawan ni Mr. Ignacio.



Pagkarinig ni Eliza sa sinabi ng asawa ay napahagulgol na sya, bilang ina napakasakit para sa kanya na hindi alam ang kalagayan ng bunsong anak.

Lumabot naman ang expression ng mukha ni Gerardo ng makita ang ayos ng asawa. "Sweetheart please calm down." kinabig nito ang umiiyak asawa at mahigpit na niyakap.

"Dapat hindi natin binigla ang anak mo sa magiging responsibilidad, baka hindi niya naisipang maglayas." may halong pagsisisi ang tinig nito.



"Hwag kang matakot para kay Emer, hindi mo ba alam na ang anak mong yun ay napakalakas ng loob." pang-aalo nya dito.

"Natatakot ako baka mapahamak sya."

"Hindi magyayari yun, baka isang araw mababasa mo ang pangalan nya as one of the famous fashion designers" pilit na pinapakalma ang asawa.

"Ano ang gagawin natin ngayon? hindi naman pwede na maghintay lang tayo dito kung kailan maisipan ng bunso mo na umuwi." medyo kalmado na ang tinig ni Eliza.

"I will ask someone para malaman natin kung nasaan sya." Hinagod pa nito ang likod ng asawa to assure her that everything will be fine.

Nang marinig ang sinabi ng asawa ay doon lamang napanatag ang kalooban ni Eliza. Naisip nya rin na totoo ang sinabi ni Gerardo na napakalakas ng loob ni Emer.



"Gerardo may pakiusap sana ako." tinabihan nya sa pagkakaupo sa pandalawahang sofa ang asawa.

"What is that?" nakakunot ang noo nito, kapag nilambing na sya ng asawa ay mukhang mabigat ang hihilingin nito.

"Huwag mo naman sanang putulin ang allowance ng anak mo."

"Paano naman sya matututo kung patuloy pa rin ang financial support natin sa kanya?"

Napaisip si Eliza sa sinabi ng asawa, may punto nga naman ito. "Just give her enough money para sa mga personal needs nya. Para sa akin din naman ito para hindi ako masyadong mag-alala." kumbinsi nito sa asawa.

Napailing si Gerardo. "Kaya lumaking matigas ang ulo ng mga anak kasi lagi mo silang kinukunsinti." biro nya sa asawa.

"At ako pa ngayon ang kunsintidor? samantalang ikaw itong pasunod sa kanila. Look at us now, pareho nila tayong iniwanan." parang mababasag na naman ang boses nito.

"Okay para may peace of mind tayo pumapayag na akong ituloy ang monthly allowance nya but just enough for her basic needs." sumusukong pahayag ni Gerardo.

Natuwa si Eliza ng marinig ang pagpayag ng asawa. "Thank you sweetheart." sabay yakap nito dito.

___________________________

Habang nagbibihis si Dennis ay bigla syang may naisip na paraan kung paano makakakuha ng impormasyon sa babaeng nakabanggaan kanina. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone para tawagan ang isa sa mga kaibigan nya.

"Dude, I need your help." bungad nya ng marinig ang nagsalita sa kabilang linya.

"Kung tungkol sa pagtakas mo sa mga babae mo, I can't man." natatawang sabi ni Renz

"It's not about that, at hindi ko tinatakasan ang mga naging babae ko nakikipaghiwalay ako sa kanila ng maayos." depensa ni Dennis.

"Tungkol saan?" tanong ni Renz

"May nasagi akong kotse kanina kaya lang hindi ko naibigay ang card ko because I was in a hurry. Gusto ko sanang malaman kung sino ang may ari nung kotse na nadisgrasya ko." paliwanag ni Dennis sa kaibigan. Hindi nya sinabi ang totoo dito dahil for sure pagtatawanan lamang siya nito.

"Just give me the plate number, para maipahanap ko sa LTO." mabilis naman na sagot ni Renz.

Natuwa si Dennis ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Mabuti na lang madali itong kumbinsihin ngayon. "It's color red Honda Accord, do you have you pen and paper now?" paniniguro ni Dennis.



"Damn dude! I'm serious," inis na sabi ni Dennis sa kaibigan.



"You sound desperate to know the owner, babae ba ito?' nang iinis na sabi ni Renz.

Kung hindi lang niya kailangan ang tulong ng kaibigan ay baka inaway na nya ito. "Hindi ko nga kilala ang owner that's why I'm asking favor from you." pinipilit niyang maging malumanay pa rin ang pagsasalita.

"Okay, just give me the plate number." seryoso na muli ang boses ni Renz sa kabilang linya.

"It's TUV 596" mabilis na sinabi ni Dennis. Hindi nya rin maintindihan ang sarili kung bakit na memorize nya ang plate number ng supladang babaeng yun.

"Give me until tomorrow afternoon, I'll inform you the details." sabi ni Renz

Pagkababang pagkababa niya ng telepono ay tinatawag na siya ng kanilang katulong, nakahanda na raw ang almusal.

Nang makaupo na sya sa dining table ay hinanap niya ang nakatatandang kapatid. "Nasaan sina kuya? bumalik na ba sila ng Bacolod?"

"Hindi pa, nagpunta silang mag-asawa ng Singapore second honeymoon daw nila." pagbibigay impormasyon ng kanyang Papa.

"That's great! mukhang madadagdagan na naman ang apo nyo." nakangiting sabi ni Dennis.

"Mas maaapreciate namin kung ang madadagdag ay ang anak mo." mabilis na sabi ng kanyang Mama habang titig na titig sa kanya.

"Baka kapag binigyan ko kayo ng isang dosenang apo kayo ang sumuko." pagbibiro nya sa mga magulang.

"Sabi ng Mama mo may ipapakilala ka na raw sa amin?" seryosong tanong ng kanyang Papa.


Muntik ng mabulunan si Dennis ng marinig ang tanong ng kanyang Papa.


"I'll let you know guys, ang Mama talaga masyadong excited." Pilit niyang pinapagaan ang sitwasyon nila.

"You've made me happy hijo." Nakangiting sabi ni Divina sa anak.


Tahimik lamang na nakikinig si Dennis habang nag iisip kung saan kukuha ng babaeng papasa sa standard ng mga magulang.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
141K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 37.4K 31
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wa...
25.6K 769 14
Is it possible to be friends with someone who broke your heart?