His Property

By ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." More

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#33

2.6K 50 2
By ayennboo


THIRD POV

"Sandali! Vane ano ba?!" tumigil si Vane sa paglalakad at inis syang tiningnan. "Ano na naman ba? Hindi mo ba naiintindihan na tapos na tayo?!" inis na tanong nito kay Eric pero hinawakan lang sya sa balikat nito, "mag-usap muna tay—" ipapakiusap nya sana pero tinabig na sya ng malakas ni Vanessa.

"Fvck naman! Ano nakipagbreak ka kasi nagtago ako sayo ng sikreto na hindi naman tungkol satin?! Vanessa naman! Hindi naman sapat na dahilan yun para makipaghiwalay ka!!" napaihip na lang sa hangin si Vanessa nang magsalita si Eric.

"Wala ka namang valid reason sa pagtago mo nun! Anong rason mo?! Kasi kaibigan mo si Jace?! Adi ayan magsama kayo ng gago mong kaibigan!! And wag mo kong pagsalitaan ng ganyan Eric, si Yanna ang usapan dito! Kaibigan ko yung usapan dito kaya wag na wag mong binabasta! Inayawan ko na yung kaibigan mo diba?! Pinapalayo ko na sya pero kayo sige lang sa kanya! Tapos sasabog tong pustahan na to?! Na in the first place alam nyo na?! Bakit ba hindi nyo man lang intindihin yung kaibigan ko ha?! Ang mahalaga kasi sa inyo yung kasayahan nyo!" nanggigil na sa galit si Vane habang sinasabi yun. Magkaharap silang nag-uusap sa di kalayuan sa clubhouse. Hindi na nakapagsalita si Eric at tiningnan lang si Vane dahil hindi na rin naman kumibo si Eric ay agad nang sumakay ng sasakyan si Vane na kararating lang doon.

Napahilamos na lang ng palad sa mukha si Eric habang tanaw tanaw ang sasakyan.

*

Pagkauwi na pagkauwi ni Yanna sa bahay nila ay nagdire-diretso ito sa kwarto ng kuya nya. Katok sya ng katok pero walang sumasagot marahil wala ito kaya tinawagan nya sa cellphone pero hindi rin ito sinasagot miski ang pinsan nya ay wala rin. Napaupo na lang sya sa kama nya at pinahiran ang luhang kumawala sa mata nya. Hindi na nya alam ang gagawin nya, hindi na nya alam kung sino pang kakausapin nya. Gusto nyang may makausap pero wala syang maisip kung sino. Napabuntong hininga na lang sya at tinawagan ang mama nya pero nakatatlong tawag sya nang sagutin pa lang ito ng mama nya.

(Good Evening, 'cess. What's the matter?) bungad sa kanya nang mama nya pero hindi sya agad nakapagsalita dahil may namumuo sa lalamunan na sa isang salita lang nya ay alam nyang iiyak sya. Huminga muna sya ng malalim bago magsalita,

"M-ma, kelan kayo uuwi?" tanong nya at pilit na ginagawang normal ang boses nya.

(By next month I guess? Sa graduation mo na mismo, why 'cess? May problema ba?)

"M-ma, pwede bang umuwi ka na bukas? P-please, kailangan ko k-kayo." Agad na pinahiran ni Yanna ang luha nya pero tuluy-tuloy lang ito sa pagbagsak.

(I'm sorry, 'cess. Makikipagmeet kami sa invest--)

"Ma please. Kahit ngayon lang, pagbigyan nyo na ko. Ibigay nyo naman yung oras nyo sakin, k-kailangan ko kayo e. P-please Ma." Pakiusap nito pero parang walang narinig ang mama nya.

(I'm really sorry, 'cess. Pero hindi namin pwedeng icancel yung meeting tomorrow and marami kaming ginagawa e. Sorry 'cess but promise by next week gagawan ko ng paraan para makauwi ako at ng papa mo.) napahigpit na lang ng hawak si Yanna sa bedsheet nya nang marinig ang sagot ng mama nya.

"Ma pati ba naman kayo? Akala ko si papa lang ang walang pakialam sakin pero bakit pati ikaw? M-ma kailangan ka ng anak mo e bakit ba puro na lang kayo trabaho? Bakit 'pag si Kuya pinapauwi kayo, uuwi agad kayo? Ma ngayon lang naman ako e." napakagat na lang sa ibabang labi si Yanna at inend na ang tawag. Napaubob na lang si Yanna sa tuhod nya at hinayaan na lang ang mga luhang magsipatakan sa luha nya.

Sa labas ng bahay nila ay hindi napapansin na kanina pa may nagdodoorbell, napabuntong hininga na lang si Darex nang walang sumasagot kaya binuksan na lang nya ang gate at hindi naman ito nakasara, dahan dahan syang pumasok sa loob ng bahay nila Yanna pero wala namang tao, alam nyang nakauwi na si Yanna dahil sa pouch bag na nasa sala. Minabuti na lang nya na umakyat at katukin sa kwarto si Yanna pero hindi nya pa nakakatok ang pinto nang marinig nya ang boses ni Yanna,

"Ma pati ba naman kayo? Akala ko si papa lang ang walang pakialam sakin pero bakit pati ikaw? M-ma kailangan ka ng anak mo e bakit ba puro na lang kayo trabaho? Bakit 'pag si Kuya pinapauwi kayo, uuwi agad kayo? Ma ngayon lang naman ako e."

Sa narinig nyang yun ay alam nyang may problema si Yanna sa parents nya kahit iyon lang ang narinig nya alam nyang meron. Napabuntong hininga na lang sya at kumatok bago pihitin ang doorknob nito. Pagpasok nya ay nakita nya si Yanna na nakaubob sa tuhod nito kaya umupo ito sa tabi nya at hinawakan ang likod. Alam nyang alam ni Yanna na may tao na sa loob ng kwarto nya pero hindi pa rin ito tumunghay.

"Kung wala kang makausap, nandito lang ako." Sa sinabi nyang yun ay dun pa lang tumunghay si Yanna. Kitang kita nya kung panong umiyak si Yanna, ngiti lang ang ginawa nya nang tingnan sya ni Yanna at hinatak sa dibdib nya. Doon na tuluyang humagulgol si Yanna. Tahimik lang itong umiiyak at hindi nagsasalita, ganun din naman sya tahimik na inaalo ang likod nito.

Mas lalong galit ang nararamdaman ni Darex kay Jace. Sana hindi na lang nya hinayaan si Yanna kay Jace kung alam nya rin palang ganun kagago ang pinsan nya, sana hindi na lang nya inintay na hindi mapatunayan ni Jace na karapat dapat sya kay Yanna kasi sa gantong paraan pala nya malalaman na hindi. Hindi rin nya alam na magiging ganto ang epekto nito sa babaeng gusto nya. Sana pala inagaw nya na si Yanna kay Jace simula pa lang at hindi nya na hinayaang mahulog ito dito.

//WEDNESDAY

ZYREL'S POV

Balik normal na naman ang lahat dahil nitong Monday at Tuesday lang ay half day kami dahil examination week. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari nung examination days? TAHIMIK. Dahil na rin layo-layo kami ng upuan at mga kapwa nagrereview pare-pareho. Ngayong araw na to? Nakatahimik lang yung tatlo si Keith, Mac at Eric. Si Vane kasa-kasama namin ni Rein, Javi at ako. Si Lash naman e lie-low sa room nya at minsan lang magpakita samin dahil nga maraming kulang yun na worksheets. Kung hinahanap nyo pala si Cass nung party wala dahil umuwi na rin yun sa ibang bansa nung araw na yun. Kung tinatanong nyo pala yung dalawang ehem, tahimik din. Diba magkatabi sila sa room? Walang kibuan. Si Yanna? Nasasama samin dahil nahahatak ni Javi pero minsan nawawala na lang sya bigla pero hinahayaan muna namin. Si Jace? Back to himself again katulad ngayon.

"aaaagh!" sigaw nung lalaki habang pinipilipit ni Jace yung kamay nito. Hindi naman sinasadya nung lalaki na matunggo sya pero tingnan mo nga naman ang kapalit nung di nya sadyang pagtunggo dito. Halos tahimik lang kami dito sa cafeteria at walang nakikialam, bakit? Hindi naman ito yung first time ngayong araw. Pang-ilan na yan e. Marami rin kaming naririnig sa mga schoolmates namin na echos bakit bumalik na naman si Jace sa dati? Bakit mas lumala? Bakit di nya kasama yung tatlo? Bakit layo-layo kami? Bakit hindi na sila nagsasama ni Yanna? Break na ba sila? And etc. Ang totoo nyan naiinis ako kay Jace kasi sinaktan nya yung kaibigan ko pero hindi ko lang maintindihan kung bakit di ko magawang sigawan si Jace or what, para kasing—uh nevermind.

Magkakasama pala kami nila Vane ngayon kasama si Javi at Lash pero wala si Yanna ngayon. Kumakain kami ngayon dahil nga lunchbreak. Ni isa samin ay walang nagbabanggit nang tungkol sa nangyari nung Sabado para bang kung ano meron dun, iwanan na lang. Ngayon pinag-uusapan lang namin yung graduation namin na bali-balita e March 19 daw. Kamusta naman yun e Feb 25 na ngayon, it means ilang araw na lang.

"Tulungan nya nga ako! Di yata ako makakagraduate nito! May project pa kong kulang sa Filipino!" ayan na naman yang bata na yan. Hindi sya yung tipo na akala mo e ubod ng tino sa pag-aaral kahit joker, tamad kaya si Lash. Hindi nagpapasa ng project at minsan di nagsasagot ng worksheets kaya yung grades nyan e ay nako. He's smart naman kaso tamad plus maloko pa.

"Bat ka namin tutulungan? Nagpakapagod kaming tapusin mga requirements tapos tutulungan ka? Adi sana di na rin namin tinapos yung amin." Sagot ni Javi. Ewan ko sa kanilang dalawa simula nang si Javi ang asarin ni Lash ay ganyan na silang dalawa. And yea alam na namin na may gusto si Javi kay Rein pero si Rein wala nganga manhid, tomboy yata. Joke.

"May ilang araw ka pa para gawin yan, Lash. Kapag 90/50 na dun pa lang kami tutulong ha?" gatong ni Vanessa. At oo, kami-kami ay ayos na, ayos na rin kami kay Yanna kahit minsan e di sumasama samin.

"pero finals na next week! Kakaexam lang, exam na naman next week. Tapos sa 5 NAT, 6 walang pasok! Puro na lang exam! Di na natapos!" pagrereklamo ni Lash at padabog na sumubo ng kanin. Minsan napapagkamalan na namin tong bakla sa kakareklamo e. Pero tama naman talaga next week lang ay finals na namin, minamadali na rin kasi kami dahil sa 20 nga ang graduation namin.

*blaaaaag. Napatigil kaming lahat at tumanaw sa loob ng cafeteria pero wala namang kahina-hinala pero nung mapalingon kami sa labas ng cafeteria ay kita ko yung speaker na nalaglag at si Jace na malapit dito habang may bola sa kamay. Nakangisi ito na para bang successful, sa ngiti pa lang nyang yun ay alam ko na sya mismo ang naglaglag nung speaker ng school gamit yung bola ng basketball. Tanaw din namin na may lumapit na guy sa kanya na student council ng school namin pero laking gulat namin nang ibato ni Jace ang bola sa mukha nung lalaki. Sapul!

"Guys tara na. Magbebell na rin." Aya ni Rein kaya nagtayuan na rin kami at lumabas na ng cafeteria pero napatigil din kami malapit kay Jace nang makita namin na lumapit yung director ng school na mismong tito nya.

"Make a two violation report now!" sigaw ng director ng school sa kanya pero nginisian lang sya ni Jace, "this is too much, Nathan Jace! Hindi na kita mapapalampas lalo na't sinabihan ako ng papa mo! Isang katarantaduhan na lang, hindi ka makakagraduate!" napasinghap kaming lahat pero bago pa namin marinig ang isasagot ni Jace nang hatakin na kami ni Rein. Hindi pa rin kumikibo o pinag-usapan man lang yun. Ibig sabihin nasa panganib na yung name ni Jace sa listahan ng hindi gagraduate, tss hay nako naman. Pagkarating namin sa room ay narinig ko na yung usapan about Jace, kakaalis pa lang namin dun may nakapagbalita na agad. Si Lash ay kasa-kasama namin sa room ngayon at for sure guguluhin si Yanna na nakatutok sa phone nya.

"Yanna koooo! Tulungan mo ko ayaw nila kong tulungan! Dadamot ng kaibigan mo!" sabi na e. Umupo ito sa tabi ni Yanna at inalog alog ang braso nito, kami naman ay nakatayo lang malapit sa kanila. "Kung madamot kami, ano ka? Tamad?" sabat ko pero sinamaan lang nya ko ng tingin.

"Tingnan mo nga Yanna ko! Grabe talaga sila sakin! Ayaw akong tulungan!" tinawanan lang sya ni Yanna at pinitikan yung noo. Yan napala mong bata ka! "Tutulong naman yan kapag malapit ka na sa dead end mo." Binelatan namin si Lash dahil sa sinabi ni Yanna. Aba oo, tutulong kami kapag di nya na kaya like duh for sure iiwan na samin yung project nya kapag tinulungan na namin agad.

*blag~

Sabay-sabay kaming napalingon nang may padabog na binuksan ang pinto, nung makita ko kung sino ay napailing na lang ako sa isip ko. Si Jace, tiningnan ko si Lash para umalis na sya sa pagkakaupo dahil nga seat yun ni Jace pero ang bata nakatingin lang kay Jace.

Pagkalapit ni Jace ay nakatingin lang sya kay Lash, don't tell me—"alis kung ayaw mong mabangasan kita dyan." Ito na nga ba sinasabi ko e. Pero yung bata e nginitian lang si Jace, tiningnan ko si Yanna pero nakatingin lang din it okay Jace.

"that's my fcking chair so move!" asar na sigaw ni Jace kay Lash pero hindi natinag si Lash at nakipagsukatan ng tingin kay Jace. "Bakit dito ka pa rin pumepwesto? Dapat lumipat ka na lang ng upuan may allergy sa gago yung Yanna ko." Wth. Naghahanap ba ng sakit sa katawan si Lash?! Kinalabit ko si Javi para pigilan man lang nya pero inilingan lang nya ko. Nakita kong tumayo si Lash pero hindi man lang umalis sa pwesto, ngayon ko lang din napansin na nagbell na rin at halos lahat ng atensyon ay nasa sa kanila. Nandito na rin pala sila Mac pero nakatingin lang din sila. Ngayon ko lang din naalala na ngayong first period ng hapon ay si Ms. Tan plus kasama yung director ng school para kausapin kami about graduation! OH NO. 'pag naabutan to mas lalong malalago—

"E tarantado ka pala e—" nang sabihin ni Jace yun ay agad na sumabat si Lash, "e gago ka pala e. Yabang mo ha!" sa sinabi ni Lash na yun ay tinulak sya ni Jace. Napatayo na rin si Yanna sa ginawa ni Jace,

"Oh bakit ha?! Gago ka naman talaga a! Hoy Jace baka nakakalimutan mo kung ano mga ginawa mo at kung makaasta ka dyan e para ka na namang hari! Tanga! Gagong hari!"

"Lash stop it!" awat ni Yanna pero hindi sya pinansin ni Lash. Sinaway na rin sya ni Rein pero hindi natinag si Lash at sya naman ang tumulak kay Jace, "marami ka pang kamaong utang samin! Yabang mo ha, ayusin mo yung ugali mo pre—" *booogsh!

"OMG LASH!"

"WHAT THE?!"

"AAAAAHHH!"

Agad na lumapit si Yanna kay Lash at tinulungang tumayo pero kahit nasuntok na si Lash e nakangisi pa rin yung bata. Ghad! Naghahanap ba talaga ng away si Lash?! At oo nasuntok sya ni Jace. Tiningnan ko si Jace at masama lang ang tingin kay Lash,

"kapal din ng mukha mong manuntok ha?---" "Lash ano ba?!" inis na sambit ni Yanna kay Lash kaya napatigil na si Lash.

"LASH MARTIN, DETENTION NOW! AND YOU MONTEZ, IN MY OFFICE!" gulat kaming napatingin lahat sa pintuan at nakita namin si Sir Derquil, his tito/school director na kasama si Ms. Tan. They're doomed. Sheez. 

Continue Reading

You'll Also Like

797K 27.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.3K 1.2K 48
Without a member how will they handle the missions given to them? When they thought the battle of the three most powerful Mafia was done, the game w...
1.1M 21.1K 49
Sa school ang sungit niya, kung baga terror siya. Masyado kasi siyang seryoso, ayaw niya ng hindi nakikinig ang estudyante niya. Number 1 rules niya...
12.7K 393 22
Na biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mg...