His Property

By ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." More

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#31.2

1.9K 40 1
By ayennboo

THIRD POV

*FLASHBACK (SATURDAY)

Sinabi na lang ni Rein kay Vanessa na pabayaan muna si Yanna at tsaka na lang nila kausapin. Nagtataka man si Zyrel at Javi ay hindi na sila nagtanong kung anong nangyayari. Napagdesisyunan na muna nila na pumuntang ospital para alamin ang kalagayan ni Cass.

Pagkarating nila sa ospital ay saktong papasok pa lang si Jace sa loob, lumabas daw ito para tawagan yung mama nya. Sabay na silang lima na pumasok sa loob ng kwarto ni Cass at nakita nilang itong nakatawa gayundin din sila Eric.

"Oh bakit?" tanong ni Zyrel sa kanila pero nagkibit balikat lang sila na nandun sa loob.

"Look guys, sorry sa nangyari kanina ha?" agad na ngiting sabi ni Cass pero agad na lang din silang tumango at hindi na lang kumibo. Napalingon si Eric sa girlfriend nya na nakatingin lang sa lapag at mugto ang mata.

"Nasan si Yanna?" tanong ni Cass habang tinitingnan sila pero umiling lang ng tipid si Rein kaya halos lahat na nandun ay mga nagkunutan ang noo.

"Tsaka bakit parang umiyak ka yata, Vane?" nagtatakang tanong ni Lash habang nakaupo ito sa bed ni Cass.

Ngumiti lang ng tipid si Vanessa pero hindi rin nya napigilang hindi umiyak, pagkangiti nito ay nawala rin agad at agad na kumawala ang luha sa mata nya.

Nanlaki naman ang mata ni Eric at agad na lumapit dito, "huy tangna bakit ka umiiyak?" Pero sa tanong nyang yun ay lalo pang naiyak si Vane kaya nayakap na lang ito ni Eric at pilit pinapatahan.

Nagtataka silang tumingin kila Rein, "anong nangyari? Nasan si Yanna?" Agad na tanong ni Lash kila Rein.

"Umalis? Umuwi?" Patanong na sagot ni Zyrel sa kanya.

"Bakit hindi ka sigurado?" Nakakunot na tanong ni Jace sa kanya pero nagkibit balikat lang si Zyrel. Nakatahimik lang silang lahat at tanging pag-iyak lang ni Vanessa ang maririnig. Tumayo muna sa pagkakahiga sa sofa si Keith at pinaupo ang mga babae dun. Napalingon naman silang lahat kay Zyrel nang sabihin nitong hindi sinasagot ni Yanna ang tawag nya,

"Pabayaan nyo muna sya. May nagawa syang mali kaya--" hindi na natapos ni Jace ang sasabihin nya nang putulin ito ni Vanessa na kakatahan lang.

"PABAYAAN? SIRAULO KA BA? ALAM MO BA KUNG BAKIT HA?!"

"Ho-hoy sandali, ospital to!" Agad na awat ni Mac. Magsasalita pa sana si Jace nang magsalita si Vanessa,

"Oo nga't may kasalanan si Yanna pero alam mo ba kung bakit sya umalis? Umalis sya kasi alam nyang may alam kami! Nakakaramdam na yung kaibigan ko e! Galit sya samin kaya 'wag ka ring magtaka kung layuan ka nya dahil kasalanan mo naman talaga. Hindi mo pa nga sinasabi pero ano ng nangyayari ha?"

"Omygee. This is my fault! Sorry. Nadulas ako kanina habang magkausap kami. Sorry talaga. I accidentally mention na meron syang di pa alam. Gosh. Sorry talaga. I didn't mean to. Sorry talaga." Paulit ulit na humingi na nagsorry si Cass nang maalala ang bagay na yun.

"Okay lang yun. Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan ng gagong to." Agad na sabi ni Vane at lumabas ng room. Agad din naman sumunod si Eric dito.

"Ho-hoy Jace san ka pupunta?" Agad na tanong ni Keith nang aktong lalabas din si Jace pero hindi man lang sya nito nilingon. Napakamot na lang ng ulo si Keith at Mac dahil ang alam nila ngayon ay may bad aura ang kaibigan nila, tatlo ang nasa isip nila kung san pupunta si Jace. Kundi sa 66D sa tambayan nila o kay Yanna.

/ENDS

"Jace tingnan mo to." Inabot ni Keith yung envelope kay Jace. Nangunot naman ang noo ni Jace at ni Mac pero kinuha rin naman iyon ni Jace.

"San to galing?" tanong ni Jace kay Keith dahil lumabas ito para magcr pero pagbalik ay may bitbit na envelope.

"Dun sa babaeng may gusto sayo, yung tadtad ng make-up at yung nagkulong kay Yanna sa rooftop." Napa-tsk na lang si Jace pero binuksan din naman yung envelope. Napa-oh na lang si Mac nang makita kung ano yung laman nung envelope pero si Jace ay nakatahimik lang na tinitingnan yung pictures. Pictures iyon ni Yanna at Jace, marami iyon at yung iba ay alam nya na nagkasama ang dalawa kaya pinabayaan na lang nya iyon pero ang pumukaw sa atensyon nya ay yung ilang pictures kung saan bago-bago lang ang date.

2/14 kung saan parehong nakaupo si Yanna at Darex sa daan habang nag-uusap may cut din na lalaki pero sa postura pa lang ay kilala nyang si Russel iyon,

2/15 nakatayo sila parehas habang nag-uusap. Napaisip si Jace dahil alam nyang magkakasama sila pero naalala nyang hindi ito nagpasundo at nahuli pa ng dating sa kanya.

2/15 hawak ni Darex ang mukha ng dalaga, hindi man kita kung sino yung babae ay alam nyang si Yanna iyon.

Nakatingin lang si Keith at Mac kay Jace, nag-iintay ng reaksyon pero binalik lang nito ang pictures sa envelope at inabot kay Keith. "sunugin mo na lang yan."

"Di ka galit pre? Si Darex yun!" agad na epal ni Mac pero nagkibit balikat lang si Jace, "pero si Layne yun alam ko namang wala silang relasyon o ano, boyfriend ako diba? Sya ang paniniwalaan ko." Hindi na lang sila kumibong dalawa. Maya-maya lang ay natanaw ni Jace na paparating si Yanna kaya tumayo ito at lumabas para kausapin pero nilagpasan lang sya nito.

"Pre ayos ka lang?" Tanong ni Mac kay Jace at tinapik sa balikat. Sinubukan nyang kausapin si Yanna pero umiwas lang ito sa kanya. Nakita naman iyon ni Mac kaya nilapitan nya si Jace.

Ngumisi ng mapakla si Jace, "tangna. Pano ako magiging ayos kung iniiwasan ako ng girlfriend ko ha?" Tinabig lang ni Jace ang kamay ni Mac at umalis. Napatsk na lang si Mac at pumasok sa loob ng classroom.

Halos lahat naman sila ay iniiwasan ni Yanna pero nakakausap naman ni Zyrel, Lash at Zyrel si Yanna. Kung tutuusin halos lahat ay nag-iiwasan, iniiwasan ni Vane sila Eric at Rein it means walang kinakausap, si Zyrel ang kinakausap lang ay si Javi, si Javi at Rein naman yung okay sa lahat.

Tinanong ni Rein kay Mac kung san pumunta si Jace pero umalis daw kaya napakamot na lang ng ulo si Rein at tumingin sa mga kaibigan nya. Nakita nyang nakatingin si Javi sa kanya kaya nginitian na lang nya ito at tiningnan si Vane na busy sa paggawa ng slogan na ipapasa mamaya. Ganun din ang ginagawa ni Eric, sa loob ng pag-iwas ni Vane or di pagkibo ay lagi lang nakasunod si Eric sa kanya.

"Van, may notes ka sa Economy? Pa-photocopy mamaya." Tanging tango lang ang ginawa ni Vane kay Eric.

"tsaka pala, sa Saturday night sunduin kita ha?" tango na naman ang ginawa ni Vane habang nililigpit ang gamit nya.

"At isa pa gusto mo bang---"

"Pwede bang manahimik ka muna?" napabuga na lang sa ihip si Eric at hinawakan ang batok. Tinanaw nya ang mga kaklaseng may kanya-kanyang ginagawa at tumingin kay Vane,

"Nakatahimik ako sa loob ng limang na araw, gusto ko lang namang makausap ka na ngayon e tapos papatahimikin mo ko? Vanessa naman."

Agad na nasundan ni Jace si Yanna sa rooftop. Nasa likuran lang si Jace habang si Yanna ay nakatanaw lang sa railings, alam nyang kasunod nya si Jace pero hindi na lang nya ito nilingon.

"Sabi mo mag-usap tayo, ito na nga oh mag-uusap tayo pero bakit umiiwas ka?" malumanay na tanong ni Jace habang nakatanaw sa nakatalikod na dalaga pero hindi na naman ito kumibo.

"Pag-usapan naman natin to. Kausapin mo na ko oh."

"Magbebell na." iyon lang ang sinabi ni Yanna at naglakad na pero hinawakan sya sa braso ni Jace. "Mag-usap muna tay—"

"Bakit? Sasabihin mo ba kung ano yung tinatago nyo sakin?" mahinahong putol ni Yanna sa kanya pero nakatingin lang ito sa harap. Napahinga nang malalim si Jace, "sasabihin ko naman pero hindi ngayo—"

"Kelan pa? Bakit hindi pa ngayon? Nagmumukha na kong tanga. May alam kayo habang ako walang kaid-idea kung anong meron." Tinanggal ni Yanna ang pagkakahawak ni Jace sa braso nya at hinarap ito. Nakatingin lang si Jace sa kanya,

"kausapin mo ko kapag sasabihin mo ang totoo hindi yung puro ganyan ang naririnig ko sayo."

"Bigyan mo lang ako ng konting panahon, Layne. Sasabihin ko rin sayo pero nakikiusap na ko 'wag mo namang idamay yung mga kaibigan mo sa pag-iwas. Ako ang problema dito kahit a-ako na lang ang huwag mong kausapin pero sila Vanessa 'wag naman pati sila." Ayaw mang sabihin ni Jace na sya na lang ay ginawa pa rin nya. Alam naman nyang wala talagang kasalanan sila Vanessa kaya hindi naman dapat na madamay sila dito. Naaawa na rin sya kay Eric dahil sa kondisyon ni Vane, yung mga masasayang mukha nila noon ay mga pawang malulungkot na.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin yung totoo? Ano ba yun? Kasi wala talaga kong kaalam-alam, lumilipas yung araw na kahit isang katiting wala kong alam. Hindi ko pa alam pero nasasaktan na ko, pano pa kaya kung sinabi mo na?" nakatingin na lang sa semento si Yanna nang sabihin nya iyon. Hindi na alam ni Jace ang gagawin nya. Hinawakan nya sa magkabilang balikat si Yanna at pinaharap sa kanya,

"Sorry. Sorry kung nasasaktan kita. Sorry kung mas masasaktan ka kapag alam mo na yung totoo pero pakiusap hayaan mo kong ipaliwanag lahat. Hayaan mo lang akong mag-explain,yun lang ang gusto kong gawin mo, pakinggan mo ko pagkatapos. Naiintindihan mo?" hindi kumibo si Yanna at umiwas ng tingin. Kahit katiting wala talaga syang kaaydi-idea kung ano yung sasabihin ni Jace, kung ano yung tinatago nila sa kanya. Gusto na lang nyang umiwas at huwag ng alamin yun dahil feeling nya masasaktan talaga sya. Sa tono pa lang ng pananalita ni Jace alam na nyang masakit.

c

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 1.2K 48
Without a member how will they handle the missions given to them? When they thought the battle of the three most powerful Mafia was done, the game w...
9.4K 425 26
Ace Zack Alvarez - Meet Ace Zack Alvarez, siya ang ikinasal sa babaeng ubod ng kasungitan at pasaway. Ikinsala silang dalawa dahil sa kagustuhan ng k...
733K 7.8K 32
COMPLETED// MAFIA #1 Synopsis: Isang babae na naghahangad na magka-boyfriend at pumasok sa isang relasyon. Ang bubuo sa buhay niya at sa simple niyan...
1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.