His Property

By ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." More

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#26.5

2.2K 40 0
By ayennboo

YANNA'S POV

Nandito ko ngayon sa playground ng village namin, what for? Javi. Halos mag-iisang buwan na rin since nalaman kong sya nga si Tonton. Nakausap na ko ni Rein at sinabi nga nyang nakausap nila si Javi. Narealize ko rin na wala rin naman akong mapapala kung hindi ko sya papatawarin. Iniintay ko sya dati, ngayon pa bang kilala ko na kung sino sya tsaka pa ba ko iiwas? Sasaya siguro ako kung magkakaayos kami dahil totoo lang din, hindi naman ako sumaya nang binibitawan ko yung past ko.

Kanina pa kami nakaupo dito sa bench ni Javi, nakatahimik lang at nakamasid sa mga ilan-ilang batang naglalaro. Kung ang Diyos nga nagpapatawad diba? Ako pa kaya?

"..sorry" inintay ko pa syang magsalita habang nakamasid pa rin ako sa mga batang nagtatakbuhan. "Nung bata tayo, pumunta kami ng Japan for good. Sinadya kong hindi magpaalam." Sinadya? Napangiti na lang ako ng mapakla. Alam kong pumunta sya ng Japan at naisip ko noon nab aka dahil bata pa kami ay hindi na nya talagang nagawang magpaalam pero sinadya?

"Kasi alam ko babalik ako. Alam ko kasi na kapag nagpaalam ako sayo, iiyak ka." Tingin mo ba hindi ako umiyak nung umalis ka na lang basta-basta? Hindi mo man lang ako inisip. Gusto ko man sabihin to sa kanya pero ayaw ding bumuka ng bibig ko.

"Bata pa tayo. Hindi ako nakakapag-isip ng masyado kasi bata pa tayo. Yun lagi ang dahilan ko, ang lame diba? After 3years I created fb account, una kong naisip na hanapin ka sa pamamagitan ng facebook. Hindi naman ako nagkamali at nahanap kita, I added you. Imemessage sana kita kaso naunahan ako ng takot." Kaya ba nung minsanang kaming magkachat at nung naopen ko yung profile nya ay 2011 pa kami facebook friends. Kaya pala nagtataka ko dahil alam ko ay transferee sya nung third year at bakit 2011 friends na kami sa facebook. Sa mga sinasabi nya ay alam kong inaattempt nya na kausapin ako kaso nauunahan sya ng takot.

"Year 2011 dun ko rin nakita si Keith personally. Kilala ko sya sa pangalan lang pero never ko pa syang nameet dahil lipat lipat din sila ng bansa at nung pag-alis namin sa Pilipinas ay syang pagstay nila. Pumunta sila noon sa Japan for vacation. Keith's my cousin, father side. Yung papa ko at mama nya ay magkapatid na sakto namang Japanese ang napangasawa ng mama nya while si Papa ay half jap. Nagkausap kami and nalaman kong sa L.Academy sya nag-aaral, same ng school na pinapasukan mo. I asked him kung kilala nya si Alyanna Castro and he said yes. Tinanong nya ko kung bakit ko natanong pero hindi na ko kumibo at ganun din sya. Hindi kami close ni Keith pero nagkakausap kami. After 2 years nabalitaan ko na uuwi kami ng Pilipinas at dun na raw ulit kami mag-aaral ni Kuya. Pinilit ko si Mama na sa LA ako mag-aral at pumayag naman sya. Hindi ko alam kung pano kita kakausapin kasi pinapangunahan ako ng takot. Lagi akong nakasunod sayo pero hindi mo naman napapansin yun and narinig kong nag-uusap yung mga kaibigan mo nun sa library, d-dun ko lang nalaman yung nangyari sayo. Nabanggit nila na nawalan ka ng alaala pero nagbalik din agad yun. Narinig ko yung pangalan ko at tanda ko pang hindi mo nga raw alam yung pangalan ko, tanging tonton lang. Dun nasagot yung tanong ko kung bakit hindi ka man lang nagulat nang ipapage ako ng school director, buong pangalan ko pa. Alam kong hindi mo ko nakilala kasi wala na kong salamin, pumuti pa ko lalo, nagkalaman laman ako, naging masculine kasi yung mukha at naiba yung hairstyle ko." Unti-unti na kong naliliwanagan at hindi ko alam ang irereact ko sa mga sinasabi nya. Totoo naman na hindi ko sya namukhaan at totoo ngang nawalan ako ng alaala noon pero bumalik din agad kaso hindi ko matandaan yung mga mukha at pangalan nila tanging mga scenes lang ang alam ko. Sakto rin na nabuklat ko ang photoalbum ko at may ilan ilang pictures at may sulat sa likod kaya kahit papano ay may mukha sila sa isip ko, sya at yung tatlong batang lalaki.

"Ang saya ko nang malaman kong kaklase kita nitong fourth year. Inoobserbahan lang kita at dun ko napansin na tahimik at may pagkamasungit ka. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, tanda mo ba nung kinausap kita sa rooftop? Ni di mo man lang ako kilala at higit sa lahat ni di mo man lang alam na kaklase mo ko. Nakakaloko alam mo ba yun pero tinawanan ko na lang. Nakaibigan ko na rin si Rein nun at iba pa hanggang lumipas ang araw at napapasama na ko sa inyo. Sabi ko wala ka man lang kaid-idea na nandito ako, ni di mo man lang nahalata. Pero agad akong kinabahan nang mapansin mo yung kwintas ko, kaba yung naramdaman ko kaya agad ko itong tinago at iniba ang usapan." Napansin ko sa peripheral vision ko na nilabas nya yung kwintas sa loob ng shirt nya. Yun yung kwintas na ibinigay ko sa kanya noon, kaya pala pamilyar. Kaya naman pala. Kung sana minanmanan ko ang kilos at kung sana hindi ko binaliwala yung mga hinala ko ay ako na ang nakatuklas kaso hindi. At isa pa, "Alam ko kasi brown ang mata ni Tonton kaya hindi ako nagpapadala sa mga hinala ko." Sambit ko. Nakita ko lang syang ngumiti ng bahagya at hinawakan yung kwintas,

"nagcocontact lens ako. Ayoko kasing nakatitig silang lahat sakin 'pag may kausap ako nang dahil lang sa mata ko." Kaya pala Hindi na lang ulit ako nagsalita kaya nagtuloy na sya sa pagsasalita,

"Nung sembreak, nasa Quezon ako. Hindi ko alam na nandun ka, sinabi lang sakin ni Kuya Ian na nakita ka nya pero umalis ka rin kaagad. Gusto kitang puntahan nun at sabihin na yung totoo kaso sabi ko baka hindi pa to yung tamang oras hanggang nitong Christmas vacation, nagkagulatan na lang tayo."

*silence

"Hindi ko alam na sa ganung sitwasyon pa magkakaalaman. Yanna, natakot ako. Kung yung takot ko noon mas natriple nang makita kong umiiyak ka. Sinubukan ko kaso s-sobra ang galit mo. *sighed* H-hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam kung pano kita kakausapin pero takot lang yung alam ko pero sinubukan pa rin kitang kausapin kaso umaayaw ka."

"Yanna, sorry kasi tinago ko sayo yung totoo pero k-kasi natatakot lang naman ako. Alam ko hindi sapat tong sorry ko pero p-pangako hinding hindi na ko uulit. Hindi na kita iiwan. Yanna, patawarin mo sana ko." Ramdam ko sa boses nya ang hirap. Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin ito sakin habang nagtutubig ang mga mata nya.

Naalala ko nang kinausap ako ni Rein. Nasasaktan na raw si Javi, minsang magkausap sila ay umiyak daw ito. Nasasaktan sya parang nung nakaraan si Jace ang nasasaktan. Nakakasakit ba ko?

"Alam ko m-mahirap magpatawad pero sana p-patawarin mo ko kasi hindi ko na alam kung pano pa ko kikilos. Gagawin ko lahat basta mapatawad mo ko."

Napatingin ako sa kwintas na suot nya.

//FLASHBACK

"Tonton, wag mong iwawala yan ha? Kundi gagalit ako sayo." Sabi ng batang babae habang binibigay ang kwintas sa batang lalaki. Nakatingin lang ang batang lalaki sa kwintas,

"Oo no! Lagi ko pa to susuot para laging maaalala kita!"

//ENDS

Na hanggang ngayon nga ay lagi mong suot. Sa loob ng halos isang buwan humuhupa rin ang galit ko, sino ba ko para lahat ng galit sa katawan ko e paganahin ko diba? "Don't waste this chance, Javi." Sambit ko sa kanya at tiningnan sya. Nakita kong nagliwanag ang mukha nya at ngumiti para syang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Ganun din yung feeling ko, feeling ko ang saya-saya ko. Feeling ko ang gaan gaan ng mundong ginagalawan ko.

"Friends?" ngiting sambit ko sa kanya at inabot ang thumb finger ko. The way we used to do before. Thumb to thumb, b--- "Bestfriends" sambit nya kaya napangiti ako at naramdaman kong pumatak ang luhang kanina pa gusting kumawala sa mata ko. "—for eternity" dugtong ko dito at agad na pinahid yung mga luha sa pisngi ko. Nakita ko syang ngumiti at hinila ako para yakapin. Right now, I feel safe again. Nandito na yung protector ko nung bata ako. Bumalik sya. Hindi ko na napigilang di umiyak. Naramdaman ko na pinapatahan nya ko pero mas lalo lang din akong napaiyak pero agad ko ring pinilit na tumahan dahil nasa public place kami kaya humiwalay din agad ako at natawa na lang ako. Ayos na nga't lahat, umiiyak pa rin ako. Nginitian naman ako ni Javi at inakbayan. Pareho kaming nakatahimik at hinahayaan ang komportableng hangin sa pagitan namin. Hanggang nagkwento sya ng ilang bagay at mas lalong naging komportable ang pagitan namin hanggang manahimik ulit kami,

"M-may aaminin pala ko sayo." Napalingon ako sa kanya nang magsalita sya ulit. Kinunutan ko sya ng noo at nagtanong kung ano yun. Ano namang aaminin nya?

"Ang totoo nyan sht pano ko ba to sasabihin?" mas lalo akong naguluhan sa sinasabi nya pero maya-maya lang ay tumingin sya sakin at nagbuntong hininga, "Gusto kita--- ah hindi mahal na pala kita."

Akala ko naman kung ano na mahal lang pala nya k---- "what the hell?!" Napatawa sya sa reaksyon ko kaya agad kong hinampas yung balikat nya. Sheez. Niloloko lang pala ko nitong lalaking to e. Bwisit. Akala ko naman kung ano- "pero totoo yun. Walang halong biro. Simula bata pa lang tayo crush na kita hanggang lumalim na." tiningnan ko sya at nakita kong seryoso sya. Walang halong biro kung tutuusin pero ang nakakapagtaka e ang lakas naman ng loob nyang magtapat I mean ganun lang ba kadali magtapat? Nakita kong ngumiti sya,

"Totoo, hindi ako nagbibiro kaso nga lang may 'Jace' ka."

"Hindi pa kami ni Jace." Agad kong sagot sa kanya pero ngumisi lang sya, "hindi pa? tsk." Magsasalita pa sana ko ng ilagay nya yung hintuturo nya sa bibig ko na parang pinapatahimik ako.

"Alam ni Rein na gusto kita kaya nga lagi nilang inaasar na love triangle or love square. Jace-you and I."

"E ano meron sa square?" naalala ko pa kasi nung sumigaw nun kung sino man nung nandun kami kila Rein or kila Vane nun. "Lash." Ano namang kinalaman ni Lash? Okay I get it now.

Pero bakit nung si Jace yung nagtatapat hindi ako mapakali? Bakit ngayong si Javi parang normal lang? "Siguro nagtataka ka kung bakit di ako kinakabahan or what. Nabaling sa iba to e." turo nya pa sa bandang puso nya. Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. You mean totoo talaga?

"K-kanino naman?"

Nginitian lang nya ko hanggang maramdaman kong may pumapatak na tubig kaya pagtingala ko ay sheez umuulan! Agad akong tumayo at hinila si Javi pero nginitian nya muna ko bago sya magsalita,

"kay ulan." Nung una hindi ko nagets yung sinabi nya kahit ngayong hatak hatak ako ni Javi sa ilalim ng puno. Hindi naman ganung kalakas ang ulan at maya-maya lang ay alam naming titigil ito dahil mahina lang naman at halatang panandalian lang yung ulan---- wait.

"...Nabaling sa iba to e."

"K-kanino naman?"

"kay ulan."

OMG. Hindi ako nakakilos sa bigla nang marealize ko kung kanino hanggang di ko namalayan na tumigil na yung ulan at inaya ako ni Javi sa 7eleven pero hindi ko muna yun pinansin at hinarap sya, "kay rein? Gusto mo si Rein?" napatsk na lang sya at narinig kong bumulong, "akala ko naman nakalimutan na." na narinig ko naman yung binulong nya. Hindi pa rin ako makapaniwala at mas lalo akong nagulat nang mapakamot sya sa ulo habang tumatango. Pero maya-maya lang ay napangiti ako at sinundot yung tagiliran nya,

"Ikaw ha. Rein ka na pala ha! Pinagpalit mo agad ako!" pang-aasar ko sa kanya habang sinusundot pa rin yung tagiliran nya. Umiiwas naman sya kaya tawa lang ako ng tawa hanggang hawakan nya yung kamay ko,

"'wag ka ngang gumanyan, 'pag bumalik tong nararamdaman ko sayo at di mo ko sasaluhin, itutulak talaga kita sa bangin." Pananakot nya pero tinawanan ko lang sya at tinapik tapik ng malakas yung likod nya. "Upo!" agad kong sabi sa kanya at tinulak sya pababa. Nung nakatalungko na sya ay tatanungin nya sana ko pero agad akong pumasan sa likod nya,

"Come on piggy! Tara na sa 7eleven! Gutom na ko!" natatawa kong sabi sa kanya habang pinapaikot yung braso ko sa leeg nya. "Ang bigat mo, Yanna!" reklamo nya pero hinawakan nya rin yung magkabilang binti ko at dahan-dahang tumayo. Wala na rin syang nagawa kundi pasanin ako. Like the old times, lagi nya kong pinapasan 'pag uwian na.

"Alam ba ni Rein na gusto mo sya?" pag-iintriga ko sa kanya. "Hindi. Ni di ko nga alam kung may pag-asa ba ko dun e, tomboy ata." Mas lalo naman akong natawa sa sagot nya. Tomboy? Hahaha! Hindi naman sa tomboy or what si Rein pero medyo may pagka-one of the boys kasi, medyo lang mga 40%. Pero wala talagang crush si Rein sa lalaki, naggwapuhan oo pero hanggang dun lang.

"grabe ka naman! Hamo tutulungan kita kay ulan!" sabi ko sa kanya habang natatawa pa rin. Mas lalo akong kumapit sa kanya, "h-hoy nasasakal na ko!" sambit nya pero tinawanan ko lang sya. Wala, masaya kasi ako.

"Manahimik ka na lang gago ka!" napatigil kami parehas ni Javi sa narinig. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar yung boses, hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang boses na yun, boses ni Jace.

"Tara dun. Si Jace yun." Sambit ko kaagad sa kanya at sinabi kong ibaba ako na sinunod naman nya agad. Agad akong lumapit doon sa kabilang lote dahil dun ko naririnig yung mga boses. Nakasunod lang sakin si Javi kahit sinasabi nyang wag na kong pumunta e hindi ko sya pinansin at nagdire-diretso lang. Pagkarating ko doon ay nagulat ako sa nakita ko,

"What? Totoo naman diba?! Sabihin mo na yung to—"

"E GAGO KA PALA E!" *BOOOGSH* Napatakip ako ng bibig ko nang makita kong sinuntok ni Jace yung lalaki na kausap nya. Kitang kita ko sila dito at nung tingnan ko yung lalaki ay parang nakita ko na sya somewhere pero agad din akong napatingin sa gilid at nakita ko si Keith na nakasandal lang sa pader habang may bata sa tabi pero yung kamay ni Keith ay nakatakip sa mata ng bata habang yung bata ay tinatakpan yung magkabilang tenga. Hindi ba't dapat umalis na lang sya doon?

"Bakit natatakot ka ba?! Pinapasok pasok mo tong gulong to tapos---"

"MANAHIMIK KA! TANGNA MO NAMAN!" Sasagot pa sana yung lalaking kausap nya nang mapatingin ito sa gawi namin ni Javi. Napaatras naman ako nang nginisian nya ko, nakaramdam ako ng takot. Napatingin din dito si Jace at nagulat nang makita ako. May sinabi yung lalaki kay Jace pero hindi ko na narinig dahil mahina pero maya-maya lang ay naglakad na paalis yung lalaki na saktong dumaan pa sa harap namin ni Javi, nakangisi lang ito samin.

"Parang nakita ko na sya."

"Pamilyar yung lalaking yun." Sabay naming sambit ni Javi kaya nagtinginan kaming dalawa pero agad ding naputol yun nang sumigaw yung batang lalaki na kasama ni Keith, "KUYA JAAAAVI!!" sigaw nito habang tumatakbong lumapit samin.

"Yow Kien!" bati ni Javi at binuhat yung batang lalaki na nasa 5-6 years old siguro. Sino naman tong batang to? Pero hindi ko muna pinansin yung batang lalaki at lumingon kay Jace na tinapik lang ni Keith sa balikat at lumapit samin. Nginitian ako ni Keith,

"hoy Kien laki-laki mo na nagpapabuhat ka pa." pero hindi sya pinansin nung Kien at nagbelat lang. Okay? Tumingin sakin yung Kien at maya-maya ay bumulong kay Javi. Napatingin sakin si Javi na nakangiti. Kumunot naman yung noo ko pero agad akong nalingon kay Jace na papalapit din dito. May sugat yung side lips nya at siguro dahil nasuntok din sya kanina. Oh right, bakit nga ba may ganun? Sino yung lalaki? Ano yung pinag-uusapan nila? 

Continue Reading

You'll Also Like

623K 20.5K 71
Tyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma n...
204K 4.8K 54
(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, h...
12.7K 393 22
Na biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mg...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...