His Property

By ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." More

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#22 Darex'

3.2K 69 1
By ayennboo

THIRD POV

"Weh? Talaga? Pupunta sya dito?" Di makapaniwalang tanong ni Ross kay Russel. Tumango lang si Russel kay Ross habang nakafocus pa rin sa paglalaro ng billiard.

"Pero puro lalaki tayo dito, hindi---" di na natapos ni Jack yung sasabihin nya nang binatukan sya ni Klein. "E ano naman? May gagawin ka bang masama sa kany--"

"Ako wala, ewan ko kay Darex." Sinamaan naman ng tingin ni Darex si Jack pero nginisian lang sya nito. "Ako na naman nakita mo." Napa-tsk na lang si Darex at tinira yung dart.

"Oo nga naman. Nananahimik na yung tao e ginaganyan mo pa." Pagtatanggol ni Ross kay Darex pero agad na umarte ang dalawa na para bang nasusuka. "bromance! Ew!" Agad na nag-apir si Jack at Klein nang magkasabay ito sa pagsabi nun. Napailing na lang si Russel sa kalokohan at sinabi kay Klein na sya na yung titira.

"Ayos na ba Mama mo?" Tanong ni Klein kay Darex at hinagis salo ang maliit na bolang hawak nya.

"Yeap. Kakalabas lang kahapon." Sagot nito at umupo.

"pero pre, anong balak mo kay Yanna?" Tanong ni Ross na narinig ni Russel pero hindi na lang nya iyon pinansin. Ayos na silang lima at alam nyang hindi na to gagawa ng kalokohan. Dahil yun ang pakiusap ng Mama ni Darex sa kanya. Kaya pala tahimik ito nung mga nakaraang araw, yun pala ang dahilan.

"Ewan ko. Bahala na basta ang alam ko gusto ko sya." Napailing na lang si Russel sa narinig at tumira. Pagkatapos ay umupo sa upuan at uminom ng juice.

"Siguraduhin mong aayos ka, Darex." Napalingon naman sa kanya ang apat at kinunutan sya ng noo.

"She's fragile. Alam nyo lahat yun kaya kung kikilos ka sa kanya e ayusin mo lang."

"Naks! Di na masyadong kumokontra si Russel boy!" Ngiting sagot ni Ross at hinagis sa kanya ang throw pillow.

Minura lang sya ni Russel, "wag mo ring kalimutan na babae pa rin ni Jace si Yanna." Nagkibit balikat si Darex at iniba ang usapan.

"Bakit nga pala pupunta si Yanna dito?" Pagtatanong nya at agad na humiga sa carpet. Si Klein at si Ross naman ay agad na tinira ang cake. Nasa playroom nga pala sila sa bahay ni Russel. May malaking bintana rin ito kung san sakop ang isang dingding. Sliding window lang ito lang din ito at pag binukas ay preskong hangin lang kaya magandang playroom din ito para sa kanila.

"May isosoli raw sya at may ibibigay." Maikling sagot ni Russel.

"Tara basketball." Aya ni Jack nang makita ang bola ng basketball at dumaan na lang sa bintana. Pagkalabas din kasi doon ay basketball court sa labas ng bahay nila.Agad na sumunod ang apat at naglaro.

"Hoy Ross! Wag mong gawin na namang soccer yung bola ah!" Paalala ni Klein nang maalalang ginawa yun ni Ross dati, hindi nga nakabasag ng bintana o ano pero napunta ang bola sa pool.

"Oo! Napagkatuwaan ko lang naman dati!" Depensa ni Ross at inagaw ang bola kay Jack.

"Boom! Sablay! Try mong pangshoot paa mo pre!" Pang-aalaska ni Darex nang matapik nya ang bola kay Ross.

"Ako na naman pinagkatuwaan nyo!" Natatawang sagot ni Ross na agad naagaw ang bola kay Klein at pinasa agad kay Russel. Agad namang nashoot ni Russel ang bola. Pagkashoot ay agad na nasalo ni Klein ang bola at shinoot ulit. Pasok! Pagkakwan ay masasalo na sana ni Klein ulit ang bola pero agad na naagaw ni Ross.

"Gago ni Ross! Expert sa agawan ng bola!" Kumento ni Jack at inagaw ang bola dito. Naglaro lang sila ng naglaro,

"Magsoccer ka na nga lang ulit Ross!" Asik ni Darex at napaupo na lang dahil sa pagod. Agad ding umupo ang tatlo sa pagod pero si Ross ay patuloy lang sa pagsipa-sipa sa bola. Napangisi naman si Russel nang may maalala ito.

"Paturo ka na, Darex. Yanna loves soccer." Agad namang napalingon si Darex sa kanya. Maya-maya lang ay umupo na rin si Ross sa pagod.

"Tapos nun turuan mo si Yanna kung ayaw mong si Ross ang magturo." Natatawang dugtong pa ni Russel.

"Talaga? Cool magkakasundo kami ni Yanna nito." Patong pa ni Ross.

"Ano pre? Lilipat ka ba ng sports?" Gatong pa ni Jack sa kanya at inagaw ang bola kay Ross.

"My husband's lover soccer edition. Hahahaha! Si Tom si Darex, si Carla si Yanna at si Dennis si Ross!" Napatawa naman sila sa sinabi ni Klein pero agad na inagaw ni Ross ang bola kay Jack at hinagis kay Klein.

"Sapul!" Tawa nilang lahat nang tumama ang bola sa ulo ni Klein. "Nice goal!" Nakangising kumento ni Darex kay Ross. Tumayo na si Ross dahil alam nyang gaganti si Klein pero hindi naman natuloy dahil may tumikhim sa likod nila.

"*ehem*" Sabay sabay naman silang napalingon at nakita si Yanna na nakatayo doon at bahagyang nakangiti sa kanila. Nakasuot to ng dirty white tank top, black and white plaids na nakaunbutton, black tight jeans at pair of white converse. Naka messy bun din ang buhok nito inshort simpleng simple pero malakas ang dating. Napaiwas naman agad ng tingin si Darex na nakita ni Jack. Napailing na lang agad si Jack.

Tinaas ni Yanna ang two box pizza na bitbit nya at agad na naunang tumayo si Ross. "Woah! Pizza! Tara sa loob Yanna!" aya ni Ross at binitbit ang pizza.

Nagtayuan na rin sila at inaya si Yanna sa playroom. Umupo na lang din si Yanna sa bintana at tinabihan naman sya ni Russel pagkapalit nila ng t-shirt. Si Klein at Ross ay pumuntang kusina para kumuha ng miryenda habang si Darex at si Jack ay naglaro ng x-box.

"Ayos ka na?" Tanong ni Russel sa kanya at tumango naman sya.

"Pano naging takbo nyo kahapon?" Monday kahapon at may pasok pero ngayon ay holiday.

"Wala. Absent sya ng umaga then nung pumasok natulog lang." Kibit balikat na sagot ni Yanna at binuksan yung bag nya.

"Salamat ulit sa jacket." Abot ni Yanna nito. Kinuha na lang din naman ni Russel at nilapag sa tabi nya.

"Parang ayos na kayo kay Darex ah." Sabi nya nang mapatingin ulit sya kay Darex.

"Oo. Nawala pagkagago e. Magbabagong buhay na ata." Sagot ni Russel sa kanya habang nakatingin sa billiard pool. "Huh?" napalingon naman si Yanna sa sinabi nya.

"Yun kasi ang pakiusap ng mama nya nang maospital si tita. Tigilan yung kagaguhan nya." Tumango naman si Yanna at tumingin ulit kay Darex na saktong tiningnan din sya ni Darex. Hindi agad sya nakapagreact nang ngitian sya ni Darex.

"Masasanay ka rin dyan. Kung anong nakikita mo sa kanya ngayon ganyan sya dati." Puna ni Russel nang makita iyon. Tumango na lang ulit si Yanna nang dumating si Klein at Ross na may dalang pagkain.

"Tara kain dun sa may pool!" aya ni Ross habang may bitbit na glass container na may lamang carbonara.

"Tara dun tayo!" aya pa ni Klein na may dalang tray kung san may juice. Ulit, dumaan na naman sila dun sa bintana at dumiretso sa pool kung saan sa gilid nun ay may table. Si Ross ang nanguna sa pizza nang mabuksan ang box kahit hindi pa lahat ay nakakaupo. Napailing na lang si Yanna sa kanya. Katabi ni Yanna si Darex sa kanan nya at sa kaliwa naman ay si Russel. Katabi ni Russel si Klein sunod ay si Jack at si Ross. Bale katabi ni Ross si Darex.

Hindi na nila pinansin si Ross at nag-abot na lang si Klein ng inumin sa kanila. Maya-maya lang ay inabutan sya ni Darex ng carbonara kung san kinuha pa sya nito.

"Ah t-thanks." Naiilang pa si Yanna kaya napatawa si Russel sa utak nya. Hindi na rin kumibo si Darex at kumuha ng sa kanya. Si Ross naman ay kumakain pa rin ng pizza at sinuwitan si Darex.

"Oh bakit?" Tanong ni Darex at sumubo ng carbonara sabay kuha ng slice ng pizza at nilapag sa plato ni Yanna. Nilahad naman ni Ross ang palad nya, nakatingin lang yung tatlo sa kanila at natatawa. Si Yanna naman ay nakakunot ang noo habang kumakain.

"Kami di mo pagsisilbihan?" Napangiti na lang si Yanna sa kakulitan ni Ross.

"Dinamay mo pa kami bugok!" Epal ni Jack dito at binato ang tissue. Magbabangayan pa sana yung dalawa nang magsalita si Klein,

"Baka magalit na naman si Jace dahil kasama mo kami ah." Sabi nito kay Yanna na ikinatigil nilang lahat. Tanging ngiti lang ang sagot ni Yanna sa kanya at bumalik sa pagkain na ikinataka ng apat. Agad din naman silang lumingon kay Russel na tahimik lang ding kumakain. Hindi na rin sila kumibo at inasar na naman si Ross.

"Walang lubay kain mo Ross! Pangatlo mo na yan ah?"

"Ulol! Pangatlo ka dyan, ikaw kaya yun!"

"Gamitin mo paa mo! Pizza Soccer!"

YANNA'S POV

Pagkatira ko ng last dart ay lumingon ako sa kanila. Si Jack bagsak sa carpet at natutulog. Si Klein naman at Ross ay naglalaro ng x-box. At nasan yung dalawa? Lumingon ako sa paligid at wala naman sila kaya lumabas ako ng playroom at ginala yung mata ko. Wala rin sila sa sala kaya napagpasyahan kong pumunta ng kusina.

"Subukan mong gumawa ng katarantaduhan, ako makakalaban mo. Magkakalimutan tayo, pre." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong magsalita si Russel. Okay? Parang seryoso yung pinag-uusapn nila ah. Sumilip ako saglit at nakita kong magkaharap sila at seryoso yung mukha ni Russel.

"Pinapabayaan kita ngayon pero sa oras na napahamak na naman sya, alam mo na ang mangyayari." Narinig ko pang dugtong nya.

"Usapang lalaki pre." Agad akong umalis ng kusina at pumuntang sala dahil nakarinig ako ng yabag ng paa.

"Anong ginagawa mo dyan?" muntik na kong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likod pagkarating ko ng sala.

Tiningnan ko naman si Russel at inilingan sya, "wala kasi kayo sa playroom kaya hahanapin ko sana kayo." Sabi ko sa kanya at umupo ng sofa. Umupo naman sya sa kabilang sofa at binuksan yung tv. Tiningnan ko yung relo ko at nakitang kong 5:12 na. Maya-maya lang ay uuwi na ko. Balak ko talagang pumunta dito dahil walang tao samin at wala akong kausap. Si Vanessa naman ay umalis. Yung dalawa nasa school at nagpapractice ganundin si Lash. Nabanggit ni Russel sakin na nandito nga yung apat nung paalis na ko samin.

Napalingon ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Pagtingin ko si Darex kaya tumutok na ulit ako sa tv. Hanggang ngayon naninibago ako sa kanya. Tss pero sa nakita ko naman mukhang nagbabago na. Sana kasi yung lalaking din yun baguhin na yung ugali---- wala.

Maya-maya lang ay nakita kong tumayo si Russel at pumasok ng playroom kaya naiwan kaming dalawa ni Darex dito sa sala. Uhh. Okay. Nakakailang.

"Kamusta na kayo ni Jace?" napalingon ako sa kanya nang magtanong ito at nakita kong nakatingin sya sakin. Ano bang isasagot ko? Wait. Ano bang dapat kong isagot?

Nginitian ko na lang sya at di sumagot. Nahalata naman nya yatang ayaw kong pag-usapan yun kaya tumahimik na lang sya. Nagsalita ulit sya na kinakunutan ko ng noo. Anong nangyari dito? Oh baka naman talagang nagbabago na sya? Uhh.

"Look Yanna, Sorry sa lahat." Maikli't simple lang ang sinabi nya pero napangiti ako. Ganun lang naman inintay k okay Jace, yung tipong wala ng paliwanag at excuse. Tss. Wait. Bakit ba napasok na naman yung lalaking yun?

"At isa pa," tiningnan ko lang sya at inintay magsalita. Ano naman kaya ang sasabihin nya?

"Seryoso ako sa sinabi ko na gusto kita." Hindi ako kumibo. Umiwas sya ng tingin pero agad ding tumingin sakin.

"Hindi ako susuko, Yanna. Susuko lang ako kapag alam kong mahal mo talaga sya."


Continue Reading

You'll Also Like

150K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.4K 94 80
Ang storyang ito ay nababase sa sariling imahinasyon lamang... Not a pro writer, sumubok lang po mag sulat... Just for fun as well as my stress reli...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
726K 14.5K 49
||• Mafia Series #1•|| ~ Triev Thunder Honteveros~ Fire Alexandra Honteveros Isang babaeng simple kahit mayaman. Mabait, matulungin at mapagmahal Tri...