His Property

Galing kay ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." Higit pa

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#19 Childhood memories

3.4K 68 1
Galing kay ayennboo



"Ayos ka lang?" Tanong ni Russel habang ginagamot ko yung sugat nya sa side ng lips nya. "ikaw ang dapat tanungin ko nyan ah." Sagot ko sa kanya pero inilingan lang nya ko.

"Ano ng mangyayari sa inyo ni Jac---"

"Tapos na." Sabi ko at niligpit yung first aid kit e. Tiningnan ko sya at nakatitig lang ito sakin.

"Napansin ko lang bakit parang galit na galit kapag may gantong gul---" tinabi ko na muna yung kit sa table at humiga.

"Way back then, there's a group of boys na lagi akong pinagtitripan, kami nung kababata ko." Napalingon si Russel kay Yanna, nakapikit ito habang nagsasalita. Natunugan na ni Russel na ikekwento nya kung bakit.

"Kahit asar na ko sa kanila pilit akong nananahimik. Yung kababata ko gusto ng lumaban kaso pinipigilan ko sya."

"One day, hinanap ko yung kababata ko kasi lagi kaming sabay umuwi nun. Pero nakita ko na lang sya na kasama yung tatlong batang lalaki na laging nangtitrip samin." Tahimik lang na nakikinig si Russel at nakatingin lang sa pader.

"Akala ko kinukuha lang nila yung bag nung kababata ko, mga tipong pinaglalaruan lang pero nagkamali ako. Saktong paglapit ko sa kanila ay paghampas ng kahoy sa braso nung isang bata sa kababata ko. Sino bang matinong bata ang gagawa ng ganun diba?" ramdam sa boses ni Yanna ang inis. Pamaya-maya ay nagmulat ng mata si Yanna pero nakatingin lang sa kisame.

"Ayoko ng ganung senaryo dahil alam kong may masasaktan at masasaktan. Guess what? Naospital yung kababata kong yun para hindi na magkaroon ng gulo, Alam mo ba kung ano ang sinabi nya? Nalaglag yung kahoy na yun na nakasabit sa puno at tinamaan sya."

"May tao talagang gagawa ng kwento para mapagtakpan lang ang isang kamalian. Kita na nga. Huli na nga. Magpapaliwanag pa. Sinong hindi mabubwisit sa ganun?"

Tahimik pa rin si Russel at di kumikibo gayundin si Yanna. Makalipas ang limang minuto ay nagtanong si Russel.

"Anong ginawa mo nung sinabi nya yun?" nagkibit balikat lang si Yanna at sumagot, "Tumahimik na lang ako. Ayokong pumatol sa ganun kasi ayoko ng gulo. Ginawa ng kababata ko yun kasi ayaw nya rin siguro ng gulo. Baka 'pag nagsalita ako gumawa pa ko ng gulo kaya tumahimik na lang ako."

"Ngayon ko lang din narealize na tama yung ginawa ko. Kahit gumawa sya ng kwento para pagtakpan lang yung mga siraulong yun e may sense. Siguro kung nagpaliwanag si Jace kanina, wait hindi lang pala sya marami pa dyan, walang sense ang paliwanag." Umayos ng upo si Russel at sumandal sa pader, paanan ni Yanna. Inayos naman ni Yanna ang unan at tumingin kay Russel.

"Ang bata mo pa nun, matalino ka na." sabi ni Russel sa kanya pero napangiti lang si Yanna. Napakamot muna ng ulo si Russel bago magsalita ulit,

"Nasaan na nga pala yung kababata mo? Ni di mo man lang kasi binanggit yung pangalan kaya for sure di kayo magkasama?"

"Nasa Pluto." Nailing na sagot ni Yanna. Nakaramdam naman agad si Russel kaya hindi na sya nagtanong at nakita nyang may pumatak na luha sa mata ni Yanna kaya agad na lang itong umiwas ng tingin.

"3pm na. Dito na lang ba tayo?" tanong ni Yanna kay Russel.

Tumango lang si Russel, "malamig dito sa clinic e. Nagugutom ka ba?" umiling lang naman si Yanna at pumikit. Wala rin naman yung school nurse kaya hindi sila mapapagalitan. Inaantok na rin sya pero hindi pa sya nakakarating sa dreamland ay may mga naririnig na syang ingay.

"Yo dude!"

"Sup Yanna?" napamulat naman ng mata si Yanna at biglang umupo. Dumating kasi sila Klein, nakajersey pa rin sila pero mga nakapagpalit na rin ng top kasama na rin nila si Ross na nakauniform ng Winston. Nandun din si Darex pero nakatahimik lang ito na ipinagtataka ni Yanna. Umupo sa pagitan nila Yanna si Ross, si Jack naman ay sa corner ng kama na malapit kay Yanna. Habang yung dalawa ay nakasandal lang sa pader.

Ni isa sa kanila ay walang nagsasalita kaya napakamot na lang ng ulo si Ross. "Mukhang nakaistorbo tayo mga pre." Agad naman syang sinikmuraan ni Russel. Napatawa na lang si Yanna nang makita ang reaksyon ni Ross.

"Pero seryoso balak nyo bang magstay lang dito sa clinic buong magdamag?" tanong ni Jack na nailing habang pinaglalaruan yung kit.

"Oo nga kanina pa kami nag-aabang sa bench kanina, baka 'pag di pa kami pumunta dito nakatulog na kayo." Patong pa ni Klein sa sinabi ni Jack. Tumingin naman si Russel kay Darex at tila nag-iintay na magsalita pero nagkibit balikat lang si Darex.

"Uhh guys, pasensya na pala sa nangyari kanina. Uhh. Kasalanan ko. Sorry talaga." Paghihingi ng paumanhin ni Yanna sa kanila. Agad naman silang napatingin dito. Nakayuko lang ito habang pinapalobo ang pisngi.

"Ikaw na mismo ang nagsabi kanina na nakakainis yung pinagtatakpan ang mali ng isang tao. Gusto mo bang mainis ako sayo?" pabirong sagot ni Russel sa kanya kaya napalingon sa kanya si Yanna at ngumiti.

"Pero kasi naguguilty ako, nagsimula lang naman yan dahil sa ako yung dahilan. Sorry ah? Sorry rin sa inasal ni Jace." Napailing na lang si Russel nang humingi na naman ng tawad si Yanna sa kanila.

"Wala na naman samin yun kaso 'pag umulit pa yung hangal nay un, pasensyahan na lang." sambit ni Jack at tinabi yung kit sa pinaglalagyan kanina.

"Nga pala kanina bakit mo nasabing hindi talaga kam----" hindi nya pa natatapos ang gusto nyang sabihin nang putulin na sya ni Russel.

"Halata naman e pero I won't ask kung ano talaga kayo dahil kayo pa rin naman."

"And don't you dare do anything to her, Darex." Baling ni Russel kay Darex na kanina pa hindi nagsasalita. Nagtaas lang ng dalawang kamay si Darex.

"I won't. Hindi pa to yung tamang oras." Sambit ni Darex na nakangisi. Napairap na lang si Yanna dahil naguguluhan sya sa mga kinikilos nito.

**

"Pinsan! Punta lang akong 7eleven ah!" narinig pa nyang pahabol ni Ken bago nya maisara yung pinto ng kwarto.

"Oo ge! Lock mo yung pinto ah!" sigaw ni Yanna pabalik sa kanya at dumiretso sa cabinet ng table nya. Hahanapin nya kasi yung picture na pinapahanap sa kanya ni Zyrel, yung first picture nilang apat.

Nag-indian sit ito at binuksan yung pinakailalim na lagayan. Dun kasi nakalagay yung mga photoalbums at mga pictures nya dati kasama na rin yung mga valuable things nya noon. Habang iniisa isa nya yung mga picture dun ay may napansin syang picture na nakausli sa isang photoalbum. Kinuha naman nya yun at nagulat. Picture nila yun ng kababata nya dati. Magkaakbayan sila habang may hawak ng ice cream at parehas ngiting ngiti sa litrato. Napalunok sya dahil hindi nya alam na nandito lang pala yung nag-iisang picture nila. Yun yung kinuhanan nya ng picture sa phone nya na dinelete ni Jace. Nakatitig lang dito si Yanna at tiningnan yung likod ng litrato.

Laylay and Tonton

Lagi kang ngingiti ah kahit may umaway sayo. Walang iwanan lay ah? J

Medyo Malabo ang pagkakasulat dahil matagal na ito at lapis lang ang ginamit pero nababasa pa rin nya ito. Agad na pumatak ang luha sa mata nya pero agad din nya itong pinahiran.

FLASHBACK

"Tenen!" masayang bungad ng babaeng nasa 30+ sa dalawang batang nanonood ng cartoons habang kumakain.

"Mama! Anow *chomp* yan?" tanong ng batang lalaki habang punung puno ng popcorn ang bibig nya. Ang batang babae naman ay nakatitig lang sa hawak ng babaeng nasa 30+

"Look honey." Lumapit ang babae sa kanila at umupo sa pagitan nilang dalawa. "Wooooow~" manghang sambit ng dalawang bata nang ipakita sa kanila ang picture nilang dalawa.

"Ang cute natin dito Laylay! Gusto ko tuloy ice cream, Mama!" makulit na sabi ng batang lalaki at ngumuso nang hindi tinatanggal ang tingin sa litrato. "Ako rin tita! Ice kim!!" masayang dugtong ng batang babae. Napangiti na lang ang babae sa kakulitan nila at tumayo,

"O sya, kukuha ko na kayo ng ice cream. Sa inyo na yan." Sabay abot ng litrato sa kanila na sabay naman nilang kinuha kaya napatawa ang babae. Pagkaalis ng babae ay nakatitig lang ang dalawa sa litrato nila.

"Ah!" sambit ng batang lalaki na parang may naalala at patakbong pumanhik sa itaas. Napakamot na lang ng ulo ang batang babae at binalik ang tingin sa litrato. Maya-maya lang ay bumalik ang batang lalaki at inagaw sa kanya ang litrato.

"Susulatan ko likod ah?" paalam ng batang lalaki at sumalpak sa lapag at sinulatan ang likod ng litrato. Nakatingin lang sa kanya ang batang babae hanggang matapos na to sa pagsusulat.

"Ako rin!" sabi ng batang babae at inagaw ang lapis sa batang lalaki pero hindi pa sya nakakasulat ay dumating ang babaeng nasa 30+ na may dalang ice cream.

"ICE CREAAAAAM!"

FLASHBACK ENDS//

"W-walang iwanan? M-mukha mo." Nasambit ni Yanna habang nakatitig sa sulat. Inis na pinahiran nya ang luha nya at padabog na nilapag ang litrato sa lagayan at nilagay sa cabinet.

0

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

623K 20.5K 71
Tyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma n...
204K 4.8K 54
(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, h...
733K 7.8K 32
COMPLETED// MAFIA #1 Synopsis: Isang babae na naghahangad na magka-boyfriend at pumasok sa isang relasyon. Ang bubuo sa buhay niya at sa simple niyan...
86.9K 2.2K 43
-COMPLETED- (Series 1: Damon & Zeina) Kung ikaw si Zeina ano kayang magiging takbo ng buhay mo sa napangasawa mong isang Mafia? At si Damon na syang...