His Property

By ayennboo

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." More

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.1
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#21

2.9K 68 3
By ayennboo


THIRD POV

"Uy Yanna ko, bakit?" papasok pa lang si Lash sa gate nila Mac nang lumabas si Yanna na umiiyak. Nagulat si Lash nang makitang umiiyak to buti na lang ay nahawakan nya agad ang braso nito.

"Sht." Nasambit na lang ni Lash at tiningnan yung kotse nila kung nandun pa. Agad na binuksan ni Lash ang pinto sa likod at pinapasok si Yanna doon. Nakatingin lang sa kanila ang pinsan nyang nasa driver seat pati yung batang pinsang lalaki nya na nakaupo sa backseat.

Paalis na sana sila nang sumigaw ang batang lalaki, Leian, na may lumabas daw na babaeng umiiyak. Pinapanood kasi ni Leian ang kuya Lash nya na pumasok sa loob kaso yun nga ang nakita nung bata kaya napalingon din ang pinsan ni Lash na si Dave. Galing kasi si Lash sa kanila kaya nagpahatid ito sa pinsan nyang si Dave.

"Dun tayo samin." Sabi ni Lash at nginusuan si Leian na minostra na dun umupo sa harap pero agad na umiling si Leian. Napailing na lang si Dave nang di sundin ni Leian si Lash kaya pinaandar na rin nya yung kotse. Tahimik lang sa loob ng kotse pero si Leian ay nakatitig lang kay Yanna.

"Ate, wag ka ng iyak." Sabi nito at hinawakan sa braso si Yanna. Hindi na naman umiiyak si Yanna pero naluluha pa rin ito. Tiningnan nya ang batang katabi nya at nginitian ito. Kung sino man ang makakakita sa kanya ngayon ay tsak kakaawan sya. Mugtong mugto ang mata nito at mapula-pula ang pisngi't ilong.

Kumunot naman ang noo ng batang lalaki. "Kuya Lash, namumula braso nya tsaka may ano ng kuko." Pagdadaldal ni Leian kay Lash kaya naman napalingon si Lash kay Yanna at tiningnan yung braso nya. Nung nakita nga nyang meron ay tumingin sya kay Yanna pero pumikit lang si Yanna at sumandal. Nag-ssh na lang si Lash kay Leian kaya agad na tumango ang bata. Kinuha ni Lash ang phone nya at tinext si Vane.

To: Vanessangpangit

Kasama ko si Yanna ko. Ako na bahala dito.

Hindi man nya alam yung nangyari pero alam nyang nag-aalala si Vanessa dito. Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ng magreply si Vane.

Vane: Thank God! Alagaan mo yan ha?

Lash: Oo nman. Yanna ko to e pero ano bang nangyari? Nkita ko na lng sya na umiiyak paglabas e.

Vane: May nangyari kasi then nag-usap sila ni Jace. Di ko na alam nangyari.

Lash: E nasan yung lalaking yun?

Vane: Ewan ko dun, wala kong pake.

Lash: Baliw! Dyan ka na nga.

Napakamot na lang ng ulo si Lash at tinago yung phone. Pagkadating nila sa bahay nila Lash ay agad na bumaba si Lash at inalalayan si Yanna. Bababa pa sana si Leian nang tinulak lang sya pabalik ni Lash kaya napasimangot na lang ang bata. Pagkaalis ng kotse ay pumasok sila sa loob ng bahay.

Walang tao sa bahay nila. "Tara sa kwarto, gamutin natin yung sugat mo." Aya ni Lash sa kanya at hinila. Pagpasok nila sa kwarto ni Lash ay pinaupo nya ito sa kama. Tahimik lang na nakaupo si Yanna doon at nakatitig lang sa carpet.

Umupo na rin si Lash sa tabi nya at hinatak papalapit sa kanya. Tiningnan nya ang braso ni Yanna at napangiwi na lang. "Kawawang kutis." Sambit ni Lash na kinangiti na lang ni Yanna. After gamutin at lagyan ng ointment ni Lash yung braso nya ay tinanong nya to,

"Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" pero tanging iling lang ang sagot ni Yanna sa kanya. Nagkibit balikat na lang si Lash at binuksan yung aircon nang maalala nyang nakalimutan nya tong buksan. Pagkaupo ni Lash ay pabirong inakbayan nya si Yanna.

"Bakit ka umiyak?" seryosong tanong ni Lash sa kanya. Hindi kumibo si Yanna pero maya-maya lang ay nagkwento na. Tahimik na nakikinig si Lash sa kanya at patuloy ang pagpatak ng luha sa mata nya. "Tama naman sigurong bumitiw ako diba?" tanong ni Yanna sa kanya pero hinagod lang ni Lash ang balikat nya.

"Sorry lang naman inintay ko sa kanya pero wala e. Ganun ba talaga kayong mga lalaki? Tss. Nakakainis Lash."

"Nagsabay-sabay pa lahat. Ganun ba ko kasama para maranasan ko lahat to?"

"Lahat na lang hindi ako naiintindihan." Hinatak ni Lash si Yanna at niyakap. Doon na napahagulgol si Yanna ng malakas. "Sige lang, iiyak mo lang." sabi ni Lash habang hinahagod ang likod nito. Niyakap na lang ni Lash si Yanna dahil hindi naman nya alam kung pano magcomfort ng babae.

"Kung may problema ka, Yanna ko, nandito lang ako lagi. Kaya nga nakadikit ako sayo lagi kasi alam kong iba ka." Napapikit na lang si Yanna sa narinig at napahigpit ang kapit kay Lash. "Kung wala ka ng makakapitan, nandito lang ako, Yanna ko." Yun ang huling sinabi ni Lash kay Yanna at hinayaan ng umiyak si Yanna. Nagstay lang sila ng ganun hanggang maramdaman ni Lash na tumahimik na ito. Dahan dahan syang humiwalay dito at nakitang payapang natutulog si Yanna.

Yun naman talaga ang intensyon nya noon pa lang ang magstay sa tabi ng babae kapag may problema ito. Nakita nya na ito nung third year pa lang sila, tahimik na umiiyak sa garden. May kung anong humahatak sa kanya para protektahan ang dalaga. Napabuntong hininga na lang si Lash nang makitang mugtong mugto ang mata ni Yanna.

Dahan dahan nyang hiniga ito sa kama at kinumutan. Tinitigan nya ito at pagkatapos ay hinawi ang ilang hibla na tumatakip sa mata nya. Napangiti na lang ito at napailing. Naramdaman nyang may nagvavibrate. Hinanap nya kung san yun nang mapansin nya ang pouch bag ni Yanna. Binuksan nya yun at nakitang cellphone nga nito ang nagvavibrate.

Russel calling...

Napakamot na lang sya at napaisip kung sasagutin nya ba to o hindi pero agad din itong naend. Nung pagtingin nya ay nakatatlong missed calls na ito.

Russel calling...

Tumatawag ulit ngayon kaya napakamot na naman sya sa ulo at sinagot na yung tawag dahil parang importante na ewan.

"Hey. Kanina pa kita tinatawagan. Nandito na ko sa tapat nila Mac, labas ka na." napakunot naman ng noo si Lash pero agad din nyang nagets. Nabanggit nga pala ni Yanna kanina na gusto nya ng umalis doon kaya siguro sinabi kay Russel.

"*cough* uhh. Si Lash to." Hindi man lang alam ni Lash kung pano ang sasabihin nya. "Ah? Nasan si Yanna?"

"May nangyari kasi, umiiyak. Kasama ko sya ngayon samin kaya umuwi ka na." nasabi na lang ni Lash at napaangat ng labi.

"Hah? Wait. Anong nangy---"

"Ah basta! Wag ka ng magtanong, mahabang kwento. Bye na."

"Wait! Pupunta ko dyan!" mabilis na sagot ni Russel sa kanya pero kumunot lang ang noo ni Lash. "Wag na! Di na kailangan! Baka mamaya patayin mo pa ko dito e." pabulong na sabi ni Lash dahil nga alam nyang may bad image ang mga yun at alam nyang isa si Russel sa grupo na yun. Napa-tsk na lang si Russel nang marinig iyon.

"Gago. Ano bang address nyo?" Napa-heh na lang si Lash nang nagago pa sya ni Russel. "114 Sesame street----"

"Umayos ka. Mapapatay talaga kita makita mo." Napakamot na lang ng ulo si Lash at sinabi na yung address nya dahil natunugan naman nyang mabait yung Russel. Pagkasabi nya nun ay inend nya yung tawag at nilagay ulit yung phone sa pouch ni Yanna. Umupo na lang si Lash sa kama at nag-isip. Napagulo na lang sya sa buhok nya at binuksan yung tv. Hindi pa lumilipas ang 30minutes nang may bumisina. Agad naman syang bumaba at binuksan yung gate. Napa-tsk na lang sya nang makitang si Russel nga.

"Si Yanna?"

"Tulog." Sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay na kasunod si Russel. "Kumuha ka na lang sa kusina ng inumin kung nauuhaw ka." Sabi ni Lash at umakyat ulit. Sumunod na lang sa kanya si Russel. Naabutan nyang mahimbing ang tulog ni Yanna sa kama ni Lash.

"Ano bang nangyari?"

"Tanungin mo na lang sya 'pag nagising." Pabalang na sagot ni Lash habang tutok na tutok sa tv. "Ikekwento mo ba o bubugbugin kita dyan?" pananakot ni Russel at umupo sa tabi ni Yanna. Saktong paglingon naman ni Lash sa kanya ay hahawakan nya ang buhok ni Yanna pero agad syang nabato ni Lash ng remote.

"Lumayo ka nga sa kanya kung hindi, hindi ko ikekwento."

Napataas naman ng dalawang kamay si Russel at tumayo. Umupo na lang ito sa couch. "Maayos ka naman palang kausap e." naibulong na lang ni Lash dito.

naman 3��;m��

Continue Reading

You'll Also Like

791K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
204K 4.8K 54
(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, h...
1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
9.4K 425 26
Ace Zack Alvarez - Meet Ace Zack Alvarez, siya ang ikinasal sa babaeng ubod ng kasungitan at pasaway. Ikinsala silang dalawa dahil sa kagustuhan ng k...