49
Nang mga sumunod na araw hindi malaman ni Neira kung bakit
parang nagbago si Renz. Medyo matamlay ito at parang
malalim ang iniisip.
"Butter ko..bakit parang off ka lately? Hindi ka ba
nag-eenjoy sa date natin?" malambing na tanong ni Neira.
"Ah..hindi.wag mo kong pansinin" sagot lang ni Renz.
Sinubukan ni Neira sundin ang sinabi nito pero
habang tumatagal parang mas lumalala. Nagiging
cold na ito sakanya.
Hindi na ito masyadong sweet, pagkatapos kahit
magkasama sila nanahimik lang ito. Hindi nya
maintindihan ang nangyayari at hindi na rin sya
makatiis.
"Renz..may problema ba? Bakit parang nagbago ka?"
"Walang nagbago sakin" matipid na sagot nito.
Nangingilid na ang luha ni Neira. Sobrang hindi na
nya maintindihan ang nararamdaman. Nasasaktan sya
sa hindi malamang dahilan.
"B..Bakit parang may mali? May nagawa ba ako?"
Tumahimik lang si Renz at hindi ito tumitingin sa
kanya. Nakamasid lang ito sa labas at pinapanuod
ang mga taong dumadaan.
"Tigilan na natin to" biglang sabi ni Renz
Halos mabingi naman si Neira sa narinig. Hindi sya
makapaniwala na sinabi ito ni Renz. Tiningnan nya
ito at inisip na baka nagbibiro lang ito.
"You're kidding right?" medyo kinakabahan na sya
dahil hindi man lang tumitingin sakanya si Renz.
"I'm serious"
"No! You can't be!" medyo napataas na ang boses nya.
"Pagod na ako. Nakakasawa na..Itigil na lang natin" seryosong
seryoso ang mukha ni Renz.
"Wag ka naman magbiro ng ganyan Butter."
"Walang biro sa sinabi ko. So take it seriously.
Ayoko na..Tigilan na natin ang kalokohan na to,..Pare-pareho
lang tayong nahihirapan."
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagsasalita ng
ganyan? Alam mo naman na ginagawa ko ang lahat ng
paraan para maayos to diba?" tuluyan ng napaiyak si Neira.
Renz met her gaze with cold eyes. Parang walang buhay, walang
emosyon.
"Ginagawa? Sana noon pa. I'm tired of this. Nagising na lang
ako isang araw hindi ko na pala kayang magtiis"
"Pero bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Renz naman pilit
ko na ngang ipinaglalaban yung nararamdaman ko. Wag ka
naman sumuko"
"Maybe we're not really for each other... at maybe hindi na
rin sapat yung nararamdaman mo para ipaglaban ako. Kaya
tanggapin mo na lang ang katotohanan, it's better if we
stop this"
"No! I can't..Mahal mo pa naman ako diba? Diba?" parang bata si
Neira na pinagpipilitan ang pinaniniwalaan nya.
Pero wala pa ring emosyon si Renz. Naghyhysterical na si Neira.
This can't be happening she thought.
"Maybe..maybe mahal pa kita but I don't think it's still the
same..maybe it's not enough anymore to wait for nothing"
"This is not true.. I don't believe you."
"I don't care if you don't believe...Pero yun ang totoo" he said coldly.
"Mahal kita" her voice broke.
"I'm sorry..pero ayoko na.."
"Renz...don't leave me please..please.." nagmamakaawang sabi ni Neira.
Patuloy lang sya sa pag-iyak habang hawak-hawak ang kamay ni
Renz. Hinigit naman ni Renz ang kamay nya mula sa pagkakahawak ni
Neira.
"Let me go Neira..please..I'm no longer happy with
this..so please let me go" with one last glance he left Neira.
Sinubukan ni Neira hwag humagulgol sa loob ng coffee shop.
Ilang minuto lang sya nakakalayo si Renz parang nanghihina
sya.
Lumabas sya ng coffee shop at pilit hinanap si Renz
pero hindi na nya ito matagpuan. Sinubukan pa nya itong
tawagan sa cellphone pero hindi nito sinasagot.
"Bakit Renz? Bakit?" patuloy pa rin ang pagtulo ng mga
luha nya.
Hindi malaman ni Neira kung saan sya pupunta, lumalakad
lang sya kung saan sya dalhin ng mga paa nya. Hindi na nga
nya namamalayan ang mga taong nakakabangga nya.
Wala sya sa sarili at patuloy lang ang pagtulo ng luha
nya sa tuwing nagfaflash back sa utak nya ang huling
napag-usapan nila ni Renz.
"Bakit ganun, kung kelan handa ko na syang ipaglaban
saka sya sumuko" tanong nya sa isip.
Nakarating si Neira sa park na madalas nilang puntahan ni
Renz. Wala pang ilang oras na naghiwalay sila pero
pakiramdam nya isang buong taon na.
Pakiramdam nya mamamatay sya sa sakit. Nanghihina syang
napaupo sa isang bench duon. Malayo sa mga tao at duon
tahimik syang umiyak.
Sinisisi nya ang sarili kung naging malakas lang sana
sya para ipaglaban ito. Hindi siguro ito magsasawa, hindi
ito mapapagod. Sobrang bigat ng nararamdaman nya.
Nagsimulang pumatak ang ulan hanggang sa unti-unti na
itong lumakas. What could get any worst? Basang-basa
na sya pero hindi pa rin sya natitinag sa pwesto.
Wala syang pakialam ngayon, sarili pa ba nya ang iintindihin
nya gayung napakasakit ng nararamdaman nya. Hindi sya makapaniwala
na ganun-ganun lang matatapos ang lahat sakanila
ni Renz.
Biglang tumunog ang cellphone nya, sa pag-aakalang
si Renz yun agad nyang sinagot na hindi man lang tinitingnan
kung sino ang tumawag.
[Hello?]
[Bhie! Asan ka? Pinuntahan kita sa inyo pero
wala ka.]
[Matt..ikaw pala..]
[Ah..yeah..may iba ka bang ineexpect] bakas ang lungkot
sa boses ni Matt.
[wala. bakit mo ko hinahanap?]
[May surprise kasi ako. Ano nasan ka ba?]
[Nandito sa park] wala sa sarili nyang sagot.
[Huh? Anong ginagawa mo dyan sa park? Umuulan ah.
Sandali pupun--too toot]
Naputol ang pag-uusap nila ng bigla na lang mamatay
ang cellphone nya. Malamang nasira na yun dahil
nababasa ng ulan.
Inilapag lang nya yun sa tabi nya at wala sa sariling
tumingin sa malayo. Daig pa nya ang isang taong nawawala.
Isa lang ang nasa isip nya at patuloy tumatakbo sa
isip nya. Na ngayon ay wala na sila ni Renz.
Maya-maya lang hindi na nya nararamdaman ang pagpatak
ng ulan sa kanyang balat. Tumingala sya at nakita ang
isang payong na nakatapat sakanya.
"BHIE! Ano bang ginagawa mo at nagpapaulan ka?"
Tumingin lang sya kay Matt habang pinapayungan sya.
Bakit ba nag-eexpect pa rin sya na si Renz ang
dadating? Mas lalo lang nyang sinasaktan ang sarili nya.
"Matt..." mahina nyang sabi.
"Ano ka ba! Magkakasakit ka sa ginagawa mo! Halika na nga!"
hinila sya nito patayo.
"Matt...anong ginagawa mo dito?"
"Nakalimutan mo na ba? Gusto kitang sorpresahin diba
birthday mo ngayon? Pero sa halip ako pa sinorpresa mo.
Tumayo ka na dyan bago ka pa magkasakit ng tuluyan"
Sumunod lang sya kay Matt. Inalalayan pa sya nito
dahil nanginginig na rin sya kanina pa kasi sya
nakababad sa ulan.
Sumakay lang sila sa isang taxi at bumaba sa isang
maliit na apartment. Binuksan ni Matt ang bahay at
pinapasok sya.
Nagulat lang sya ng bigla na lang may mga sumigaw
at nagpasabog ng confetti
"HAAAPPPY BIRTHDAY!"
Pero sa halip na si Neira lang ang magulat
pati yata ang mga taong nakapaligid sakanila
ay gulat na gulat sa hitsura nya.
Nakapaligid sakanila ang mga kaibigan ni Neira, ilang
malalapit na kaklase at mga kabarkada ni Matt.
"Oh! Anong nangyari sa celebrant natin bakit basang-basa"
Hindi na nalaman ni Neira kung sino ang nagtanong. Medyo
nahihilo na sya at nilalamig.
"Sandali lang. Kailangan muna nyang makapagpalit ng
damit, basang-basa sya ng ulan" sabi ni Matt.
"Kami na ang bahala sakanya, Matt." sabi ni Airis.
Dinala nila si Neira sa isang kwarto doon at dahil sa
masamang pakiramdam ni Neira minabuti na ni Matt na
hwag na lang ituloy ang party. Pinauwi na nya ang ilang
bisita.
Sa pinsan ni Matt ang apartment na tinuluyan nila
at pinahiram sakanya para icelebrate sana ang
birthday ni Neira. Inimbita rin nya ang mga kaibigan nito.
"Uy, sister ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sayo?" tanong
ni Mina matapos nila itong mapagpalit ng damit.
Nanginginig pa rin ito at namumutla.
Hindi malaman ni Neira ang gagawin, masama ang pakiramdam
nya pero mas matindi ang sakit sa puso nya. Hindi na
nya napigilang ang luha nya na tumulo muli.
"Uy, Ranah..ano bang problema?" tanong ni Airis
Maya-maya may kumatok na sa kwarto. Si Matt.
Binuksan nito ang pinto at nadatnan ang mga kaibigan ni
Neira na nakapalibot dito. Umiiyak si Neira.
"Ahm...Matt..iiwan na muna namin kayo dito ni Ranah,
ikaw na ang bahalang maghatid sakanya" panimula ni Kate.
"Ah..Sige, salamat at pasensya na rin kayo"
"Wala yun..sige uuna na kami..Ranah..alis na kami ah"
at nagpaalam na yung tatlo. Naiwan na lang si Matt at Neira
sa apartment.
Tumigil na rin sa pag-iyak si Neira at si Matt naman ay
hindi malaman kung paano mag-uumpisa. Tumabi sya ng upo
sa nanginginig pa rin na si Neira. Niyakap nya ito, mabuti
naman at hindi nito inisip na pumalag.
Hindi malaman ni Neira pero she just found comfort
in Matt's arms. Of course he doesn't what's the problem
but besides he's involved.
"I'm sorry" bulong ni Neira.
"It's okay, anyway Happy Birthday..I prepared something for
you Bhie..but I guess it can wait"
Mas lalo namang naguilty si Neira, Birthday nya ngayon 21 but
she also forgot about it. Mas lalo lang syang nakaramdam
ng sakit ng maalala ang ginawa ni Renz para sakanya nung mismong
gabi ng tunay nyang birthday. Pakiramdam nya parang kahapon
lang yun.
Now she has all the chances to talk with Matt, pero para
saan pa, everthing was over with her and Renz. He ended it
up before she can clear everything.
"Matt. pwede bang ihatid mo na lang muna ako samin, gusto
kong magpahinga."
"Sige ihahatid kita, uminom ka kagad ng gamot pag nakauwi ka na"
Sabi lang nito.
Maya-maya inihatid na sya nito sakanilang bahay. Agad din naman
nyang pinaalis si Matt. Gusto nyang mapag-isa.
Pumasok sya sa kwarto at duon nagmukmok. Gulong-gulo pa rin
ang isip nya hanggang ngayon.