His Property

ayennboo tarafından

416K 7.4K 329

"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years." Daha Fazla

W A R N I N G
# Prologue
#1. That arrogant guy
#2. Caught
#3. Weird Guys
#4.1 Mopu
#4.2 LQ?! WTH.
#5.1 Missing
#5.2 Fever
#5.3 Montez again.
#6.1 Protective bro
#6.2 I dare you to..
#6.3 no-dare
#6.4 childhood picture
#6.5 Preparation for SSD
#6.6 Peace offering
#7.1 He's ugh?
#7.2 SSD 1
#7.3 SSD 2
#7.4 SSD (yes)
#8 Jerk
#9 Bracelet
#10.1 What's happening?
#10.2 Facebook
#11.1 His other side
#11.2 But why?
#11.3 Obviously
#11.4 Talk
#11.5 Agreeing
#11.6 Side of Eric
#12.1 But why?
#12.2 Wrong move
#13.1 Tonton
#13.2 Night
#14.1 Darex
#14.2 Anger
#14.3 She tried.
#15.1 Do I?
#15.2 untitled
#16.1 I missed you.
#16.2
#17.2 She's a btch
#17.3 Her tears
#17.4 The Question
#18 War
#19 Childhood memories
#HP:20.1
KINDLY READ THIS.
#20.2 Pretender
#20.3 let go
#21
#22 Darex'
#22.2
#22.3
#22.4
#22.5
#22.6
#23.2
#23.3
24.1 mess
#24.2
#24.3
#24.4
#25.1 Wheel of Fate
#25.2
#25.3 what the?
untitled part
#25.4
#26.1
#26.2
Must Read. Must Read.
#26.3
#26.4
#26.5
#26.6
#30
#31.1
#31.2
#32 Revelation
#33
#34
#35.1
#35.2
#36.1
36.2
#36.3
#37-38
#39 Graduation
#40 Last Chapter

#17.1

3.5K 74 2
ayennboo tarafından

Hi guys! Enjoy reading!

Alam kong medyo may pagka-immature so pagpasensyahan na. Last year pa tong draft! Thank you! Pasensya sa naghintay! 3\13\16

Yanna's POV

"Anong sinabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mata nya. Agad syang umiwas ng tingin at pilit na tumawa.

"Sabi ko ang pangit mo." Sabay talikod nito sakin at umakyat sa taas. Napailing na lang ako habang nakatingin kay Javi. Hindi ko alam kung nagkamali ako ng rinig pero alam kong narinig kong tinawag nya kong Laylay which is si tonton lang ang tumatawag sakin nun pero imposible kasi. Tama baka mali lang ang rinig ko or naghahallucinate lang ako.

Napailing na lang ako at kinuha yung mga chips at sumunod sa kanya. Ah, nandito kami kila Rein. We're doing our project kaya we decided na gumawa dito sa kanila. Pagdating ko sa terrace sa taas, dito kami gumagawa, mga tahimik lang sila at busy sa kakagupit at kakapaint.

"Guys, chips oh." Sabi ko at inabot sa kanila yung chips.

"Ahh~ Nakakapagod!"

"Sakit sa likod!"

pare-pareho nilang reklamo at huminto sa kani-kanilang ginagawa. Binuksan naman ni Rein yung chips at inabot sa kanila. Umupo na lang ako sa tabi at nakikain na rin. Bale si Rein, ako, Javi, Eric and two other guys ang nandito, kami yung magkakagrupo. Laking pasasalamat namin ni Rein na kahit mga loko ang napunta sa group naming e marunong makicooperate.

Lumapit sakin si Eric at tinabihan ako. "Tahimik mo dyan." Puna nito sakin pero nagkibit balikat lang ako. May mga sariling mundo yung iba I mean, may sariling topic sila at wala naman akong pakialam dun.

"Ano ng nangyari sa inyo ni Vane?" pag-uusisa ko sa kanya at nakita ko syang ngumiti.

"Ayos na pero badtrip! Hirap palang makuha nung babaeng yun!" natatawa nyang sagot sakin at alam kong Masaya sya. Binalingan naman nya ko at binaling sakin ang tanong.

"Kami ni Jace? Ganun pa rin." Sagot ko dito at sumubo ng chips. "

Pansin ko medyo iwas ka sa kanya. May problema ba?" tanong nya na kinaiwas ko ng tingin. Agad akong umiling sa kanya. "Wala yun." Ngiti ko pa dito pero tinaasan lang nya kong kilay.

"Anong wala? E halos maluko na si Jace kahapon. Kung alam mo lang parang batang di binigyan ng regalo ng magulang e." napatawa naman ako sa sinabi nya at naalala yung nangyari last week.

/FLASHBACK

"Aw. Sige sige bye... Opo, ingat din... Sira *laughs* sige na mamaya na lang... Oo nga promise... Bye..." nakangiti pa rin sya kahit na binaba nya na yung phone nya. Hindi ko napigilan ang bibig ko na magsalita.

"Sino si Cass?" Agad itong napalingon sakin na para bang nagulat pa na nandito ako. Hindi agad sya nakasagot bagkus ay nakatingin lang sakin. Sino ba sya? Mali yata ang pagkakatanong ko, sino ba si Cass sa buhay nya?

Nginitian ako ni Jace. "She's a friend." Sabi nito kaya tumango na lang ako at umiwas ng tingin. Hindi naman pala sya malayo sa babae or ayaw nya sa babae, tingnan nyo't may kaibigan e pero bakit ganun? Parang bumigat yung pakiramdam ko. Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon.

"Friend? Kaibigan?" parang sirang tanong ko sa kanya habang nakatutok sya sa phone nya. Tinanguan lang nya ko at tumingin sakin habang tinatago na nya yung phone nya.

"Sorry kung nakaistorbo. San na nga pala ta---"

"Ah mauna na ko, sumakit bigla yung ulo ko." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun basta ang alam ko lang gusto ko munang mapag-isa. Naiinis ako na ewan. Una hindi ko alam na meron syang Cass. Pangalawa, parang close sila at nakalimutan nya ko habang magkausap sila phone. At pangatlo, parang wala lang sa kanya yung pinag-usapan namin. Yung tipong na baliwala na lang dahil may tumawag sa kanya at ang lakas pa ng loob na tanungin kung nasaan na yung topic na pinag-uusapan namin.

**

Halos maloko? Ako ba'y niloloko nila? Sa loob ng isang linggo na yun busy sila sa basketball at sa pagkakarinig ko kila Mac ay kasama nya yung Cass. Oo nga't pinupuntahan nya ko para magsabay kami ng lunch and break pero sino ba kong siraulo para sumama sa kanya? Ano? Hahayaan ko yung sarili ko na mainis dahil baka ibukambibig nya yung Cass na yun? Sa pag-iwas ko naman na yun parang wala lang sa kanya. Tsk.

"Kung may problema kayo, pag-usapan nyo. Baka mamaya magwala yun dahil sa pag-iwas mo." Dugtong pa ni Eric pero umiling na lang ako sa sinabi nya.

Bago pa ulit syang magsalita ay tinawag ako ni Rein. Sinabi lang nya sakin na samahan ko si Javi na bumili ng ibang materials sa mall dahil marami pa pala kaming materials na kulang. Umoo na lang ako para makaiwas kay Eric baka mamaya kung ano pa ang masabi ko e.

Agad na rin kaming dumiretso ni Javi sa mall at pumasok sa national bookstore.

"Kuha ka ng 4 na cardboard dun." Sabi ko kay Javi habang namimili ng poster paint para mabilis kami. Tumango lang sya at dumiretso dun sa section na yun.

Poster paints check. Paintbrush check. 2 ½ illustration board. 2 yarns check. Scotch tape check. Markers check. Cardboard check! Dumiretso na kami ni Javi sa cashier para magbayad.

Habang pinapunch na nung babae yung binili naming nagsalita si Javi.

"Bili raw tayo ng ice cream." Kakakain lang kanina, ngayon naman ice cream ang gusto nila. Ewan ko lang kung may matatapos kami nito. Pagkabayad namin ay pinalagay muna namin sa package counter para di hassle. Dahil may pahabol pa silang yam burger ng Jollibee.

"Di ka ba nagugutom?" tumingin ako sa kanya at tinaasan ng isang kilay.

"Hindi ka pa kumakain ng lunch, tayo pala. Kain muna tayo." Sabi nya kaya tumango na lang ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Yanna, si jace." Napalingon ako kung san sya nakatanaw, si Jace nga na makakasalubong namin. Nakatingin sya samin ng diretso habang naglalakad kaya napahinto na rin kami ni Javi sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na may kasama syang babae. Inobserbahan ko ito, mahaba ang buhok at balingkinitan, maputi at may pagkamasungit ang mukha. Sino sya?

Huminto rin sila sa harap namin. "Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Jace habang nakatingin sakin ng diretso. "Bakit kayo magkasama?" dugtong na tanong nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsalita basta ang alam ko lang nakatingin lang din ako sa kanya.

"I'm asking you, Layne." May diing sabi nya pero hindi ako natinag. Hindi ba't dapat ako ang magtanong ng tanong nyang yun?

"Bumili kami ng materials para sa group project." Napalingon ako kay Javi nang sya ang sumagot ng tanong ni Jace.

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" maanghang na tanong ni Jace kay Javi. Pero bago pa magkainitan yung dalawa nagsalita yung babaeng kasama ni Jace.

"Anong nangyayari, Jace?" hindi ko alam pero napairap na lang ako pero hindi naman nya nakita yun. Nakita na yung nangyayari, nagtatanong pa. tss. "At sino sila?"

Huminga muna ng malalim si Jace bago ilingan yung kasama nyang babae.

"Ba't nga ba hindi mo kami ipapakilala ng girlfriend mo dyan sa kasama mo?" sabat ni Javi pero hindi na ko nakialam at nakatingin lang sa dalawang taong nasa harap ko.

"Girlfriend?" tanong ulit nung babae. Bumuntong hininga si Jace bago magsalita.

"Cass, si Javi kabarkada ko." Pagpapakilala ni Jace dun sa Cass. So sya pala yung Cass, I knew it. Tsk.

"And this is Yanna, girlfriend ko. Yanna, si Cass friend ko." Nginitian ko lang ng tipid yung Cass pero tinaasan lang nya ko ng isang kilay.

"Hindi mo man lang nabanggit sakin na may girlfriend ka." Baling nito kay Jace. Hindi naman sya sinagot ni Jace bagkus ay tumingin sakin si Jace. Magsasalita na sana sya nang inunahan ko sya.

"We're going. Enjoy your day." Tipid na ngiti ko sa kanila at hinatak si Javi paalis sa pwesto na yun. Kahit tinatawag ako ni Jace ay hindi ko sya nilingon. Wow. Just wow! Tangina talaga.

Huminto ako sa paglalakad,

"Uuwi na ko. Sorry, Javi. Pasabi na lang sa kanila na sumama yung pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin at dire-diretsong lumabas sa mall. Agad akong pumara ng taxi at umuwi sa bahay. Nakakainis!

Saktong pagpasok ko ng kwarto ko nagring yung phone ko, sinagot ko na to nang di man lang tinitingnan kung sino yung tumatawag.

"Nasan ka?" boses pa lang nya kilala ko na sya. Ang kapal ng mukha nyang tumawag.

"Pakialam mo ba?" inis kong sagot sa kanya at pabalibag na binato yung pouch ko sa kama.

"Mag-usap tayo pupuntahan kita."

"Wala naman tayong pag-uusapan, mag-enjoy ka na lang dyan sa kasama mo." Bwisit kong sagot sa kanya at umupo sa kama. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"Layne nama---"

"I hate liars. I hate you. I hate you, Jace."

ƅ$-

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

12.6K 393 22
Na biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mg...
65.1K 1.6K 43
Sa pag-ibig ay walang mahalaga kun'di kayong dalawa lang. Pero bakit ga'non kahirap na makita kita? Gusto kita makita at makasama araw-araw. sa pag...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.1M 21.1K 49
Sa school ang sungit niya, kung baga terror siya. Masyado kasi siyang seryoso, ayaw niya ng hindi nakikinig ang estudyante niya. Number 1 rules niya...