HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

Oleh GHIEbeloved

13.9M 389K 66.3K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... Lebih Banyak

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 21: [Second Crime ]

149K 5.3K 898
Oleh GHIEbeloved

BLAISE HARRISON BLAIRE

Nagimbal ako sa babaeng nakahandusay sa University ground ngayon. Naliligo na ito sa kanyang sariling dugo, bali-bali ang katawan nito at nakadilat pa. Pero mas lalo akong nanlumo ng makita kong maging ang buto nito sa kanyang tadyang ay lumabas na sa kanyang balat. Dahilan upang matigil ng ilang segundo ang aking paghinga.

S-Sinong walang puso ang gumawa nito?

Hindi pa ba sapat ang sunog na naganap at kinakailangan pang sumunod ang ganitong trahedya? Napakalala na ba talaga ng university? At bakit wala man lang kaming nagawa!?

Naghalo-halo ang emsyong namumuo sa aking dibdib dahilan upang magngalit ang panga ko sa galit. Hindi ko na matingnan ng deretyo ang kaawa-awang sinapit ng estudyanteng ito.

At mas lalong hindi ko na mapapalagpas ang krimeng ito. Hinding hindi na!

Ngunit natigil ako nang biglang kumilos si Myrttle at walang pasabing ginalaw ang bangkay.

"Myrttle!" Dagli kong tawag sa kanya!

Seryoso sa ba siya sa gagawin niya...

Ngunit sa muling pagkakataon ay natulala ako ng matihaya na nito ang bangkay. Bangkay ng isang babae...

Babaeng—

"Th-That g-girl."

Bulalas ni Linzy ngunit akoy tuluyan lang na napatulala sa babae.

"Siya 'yung babaeng bumangga sayo kanina." Kumpirmasyon ni Agata na tuluyang nakapagpayanig saakin. Pero imbis na titigan ito ay napayuko nalang akong muli..

Hudyat kung saan tuluyan na akong nalunod sa aking galit.

MYRTTLE JOONG

Napatingin ako kay Blaise ng sabihin ito ni Agata. Nawalan ng buhay ang mga mata nito at nakatulala lang sa lupa dahil hindi nito maatim na tignan pa ang bangkay.

Tama si Agata. Siya ang babaeng naka bangga kay Blaise kani-kanina lang. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Bali-bali ang buto ng babaeng ito na sa hinuha ko'y mataas ang kanyang pinagkahulugan.

Dahilan upang mapatingin ako sa itaas ng building na may sampong palapag. Lahat ng estudyante ay nakatanaw dito pero mas maraming estudyante ngayon sa university ground na nakikiusyoso.

Pinagmasdan ko namang muli ang katawan ng bangkay.

Kung iisipin ay may dahilan siyang magpakamatay dahil sa ginawa ni Blaise kanina. Pero, ang nabababawan ako dito. Hindi tinatanggap ng utak ko ang ganoong kababaw na dahilan.

Pero ano ba talaga?

Gulong gulo man ang isip ko ngayon ay may dalawa parin namang pwedeng maging sagot sa katanungan ko. Dalawa lang ang maaring nangyari...

Iyon ay ang mababang posibilidad na nagpakamatay siya.

O ang malaking posibilidad na may nagtulak sa kanya.

Nawala ako sa konsentrasyon ko ng pumangibabaw ang hikbi ni Linzy.

Hindi ko siya masisisi dahil hindi pangkaraniwan sa isang babae ang makakita ng ganitong senaryo. Kami ang responsible sa kaligtasan ng bawat tao sa lugar na ito kaya maging ako ay nakakaramdam ng inis sa nangyayaring ito. Oo, hindi ko siya maaring pigilan sa kanyang pagiyak. Ngunit ikinaiinis ko ito. Ikinaiinis ko dahil ang pagluha nito ay lubos saaking umiepekto.

Bagay na isa lang ang ibig sabihin para sa isang babaeng nagngangalang Myrttle Joong...

At ito ay ang katototohanang napalapit na ako sa taong ito.

My bad... dahil sa muling pagkakataon ay may hinayaan nanaman akong mapalapit sa buhay ko. At hindi lang siya iisa...dahil marami sila. The Rulers.

Na sana ay pinigilan ko na simula palang. Dahil ang mapalapit sa responsibilidad na meron kami ngayon ay isang bagay na makakapagpahamak saakin. Isang bagay na maari ding makapaghatid ng kapahamakan sa kanila. Kapahamakang dulot ko, kapahamakang mas malala pa sa maaring maidulot ng mga tao sa lugar na ito.

Upang pakalmahin ay niyakap nalang ni Landon si Linzy. Sinenyasan ko naman itong ilayo muna si Linzy pansamantalaga na agad naman din nitong sinunod. Nilingon ko rin si Ethan sa pagkakataong ito ngunit tila mas bumigat lang ang pakiramdam ko ng ang mga ngiti nito'y napalitan na ng isang maitim at seryosong tindig. Tila nagiisip, tuluyang nanlulumo at punong-puno ng galit.

Hindi ko alam kung kailan ko pa natutunang magkaroon ng pakialam sa mga reaksyon nila pero delikado ito. Dahil ito ang iniiwasan kong bagay upang manatiling ligtas ang mga taong pinapahalagahan ko.

Pero agad akong napapikit at mariing umiling. Dahil imbis na ang kasong ito ang intindihin ko ay nagagawa ko pang isipin ang kakahinatnan ng nararamdaman kong ito. Ugh,. But I need to calm down. I need to solve this case first... no, we need to solve this case first before anything else.

Ngunit nang magsimula maglakad si Blaise ay ikinaagaw ito ng atensyon ko.

"Blaise..." Pigil ni Hunt dito ngunit tila ba wala itong narinig.

"Sinong nakakita ng nangyari sa babaeng 'to?"

Seryosong tanong ni Blaise sa lahat ng nakiki-usyoso.

Pero katulad ng inaasahan ko ay ibang reaksyon ang isinagot ng mga ito.

"O.M.G si Blaise kinakausap ako!!"

Sigaw ng bwisit na babaeng ang sarap sungalngalan ng kamao ko!Pero inaasahan ko naman talagang ito ang magiging reaksyon ng mga nilalang na ito.

"OMG like I'm in Heaven na wahh!"

"KYAHHH Landon!!!!"

Isa pa....

" I LOVE YOU BLA—"

"ENOUGH!!" Sigaw ko ngunit ikinagulat ko ng magkasabay kami ni Blaise sa bagay na ito. Na nagawa ko pang kamanghaan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nainis saakin.

"Please tell me, may nakakita ba sa inyo ng nangyari sa babaeng ito?" Pakikiusap ni Blaise sa mga estudyante na isang dipa na ang inihakbang papalayo sa amin dahil sa takot saaming dalawa. Nagsitahimikan lang naman ang mga ito na inaasahan ko na.

Hilig kasing magingay wala naman palang maitutulong.

Pero ang katahimikay nabasag ng isang babae ang sumugod malapit saamin.

"M-May t-tumulak po sa- sa kanya mu-mula se-seventh F-floor"

Pulang-pula ang mga mata nito na tila pinipigilan lang na umiyak. Ang sagot nito'y ikinabigla ng lahat pero hindi na ako nagtakha pa dito. I knew it.

"Seventh floor? Nakita mo ba kung sinong tumulak?" Tanong ni Ash sa babaeng iyon.

Ang seventh floor ay nasa taas lamang ng cafeteria. Malapit lang... Malapit lang ang crimescene sa kinapwe-pwestuhan naming kanina.

"Hi-hindi po..." Ngunit natigil ang babae nang isang lalaki ang humahangos na lumitaw sa aming harapan.

" J-Jenny?"

Bakas dito ang gulat. Ngunit napaiwas nalang ako ng tingin ng makita ko ang pagtulo ng mga luha nito.

"Jen-Jenny!"

Ngunit ikinaalarma ko ng hindi ko inaasahang yakapin pa nito ang bangkay upang ilagay sa mga bisig nito. Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawa-gawa dahil alam ko ang pakiramdam nang nasa sitwasyon nito...

"Jenny gising ka na diyan. Hindi magandang biro 'to. Ay-ayoko na ng Jo-joke mo."

Naiiyak nitong yugyog sa walang buhay na dalaga. Bagay na nakapagpasakit pa sa dibdib ko dahil tila bumabalik saakin ang isang ala-ala.

Tinatapik pa ng lalaki ang pisngi ng bangkay na akala mo'y magigising pa niya ito. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kanila, hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko.

Naramdaman ko na 'tong sakit na 'to dati. At ito ay nang may kumuha sa isang taong pinahahalagahan ko...

Ngunit nabalik ako sa wisyo nang muling kumilos si Blaise upang lapitan ang lalaking ito.

Anong gagawin niya?

"B-Bro..."

Pagsisimula nito ngunit sinagot ito ng lalaki ng kanyang tingin na punong-puno ng puot. Bagay na pinaghinalaan ko.

At hindi ako nagkamali. Agad itong tumayo at akma nang susuntukin si Blaise pero naunahan ako ni Hunt na pigilan ito. Inawat niya ang lalaki sa kamay at malakas nitong inawat ang pagwawala ng lalake.

"H'wag mo kong hawakan!"

BLAISE HARRISON BLAIRE

Agad akong napaatras ng sunggaban ako ng lalaking ito. Pero lubos ko paring ipinagtatakha ang inaakto niya. Ano bang nagawa ko? Ni hindi ko nga siya kilala. Gusto ko lang sana siyang palayuin kay Jenny para maisagawa ang pagiimbistiga dito pero bakit ganito?

"Stop." Bulong ni Hunt sa lalaki pero tinignan lang siya nito ng masama. Kaya naman inawat narin siya ni Ash at Ethan ng muli itong magpumilit kumawala sa kamay ni Hunt.

Bagay na ikinatulala ko dahil tila labis na kabang nararamdaman ko sa inaakto nito.

"Pre tama na 'yan." Awat pa ni Landon dito hindi na nito kasama si Linzy na sa tingin ko'y nailayo na nito.

"Sinabi ng h'wag niyo kong hawakan!"

Pagpupumiglas nito at kitang kita ko ang pagkapuot nito saakin. Pero nanatili akong tahimik. Nakatitig sa lalaking ito.

"Bitawan niyo ko!"

Sigaw muli nito at napatingin na siya sakin ng masama at halos patayin na nito ako sa kanyang tingin.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!" At nang oras na iyon ay nabato nalang ako sa kinatatayuan ko. Na para bang natuyo ng tuluyan ang lahat ng likido sa katawan ko kasabay ng kung ano sa lalamunan ko. 'Ni wala akong magawa dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.

"A-ako?" Turo ko sa sarili ko.

Ano... anong nagawa ko..

"Oo ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!" Galit na pagsisi niya sakin habang tumutulo ang mga luha.

"Kung hindi dahil sayo, buhay pa sana si Jenny! Kung hindii dahil sayo makakasama ko pa sana siya! "

Sigaw pa nito na nakapagpapako saakin ng tuluyan sa mga naluluha nitong mata. Matang kinatatagusan ng paghihinagpis at sakit na nararamdaman nito.

"'Ni wala siyang naka-away alam mo ba 'yun?! At ikaw lang ang taong naiisip kong gumawa sa kanya nito dahil sa pagtapon niya ng pagkain sa walang kwentang damit mo! Ikaw Blaise! Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw!"

Ako.. Ako ang may kasalanan..

P-pero wala akong ginagawa... W-Wala akong alam. Hindi ako...

Patuloy paring itong nagwawala nang tuluyan siyang mabulagta nang mabilis itong lapitan ni Myrttle. Hindi malinaw ang lahat ngunit kita ko ang pag-hawak ni Myrttle sa leeg ng lalaking ito na sanhi upang mawalan ito ng malay.

Napatahimik man nila ito ay naguulit-ulit parin sa isipan ko ang lahat ng sinabi saakin ng lalaking iyon. Na ako...ako ang may kasalanan ng insidenteng ito.

Ako ang dahilan...

Ako...

MYRTTLE JOONG

Tuluyan nang nasimulan ang imbistigasyon ng dumating na ang mga otoridad upang asikasuhin ito. Samantala'y pinapunta naman kaming lahat ni Blaise sa head quarters at manhid ako kung sasabihin kong walang mali sa lalaking ito. Si Blaise maging ang lahat ng rulers ay tahimik na tumungo sa Head Quarters. Katahimikang hindi ko ako sanay kaya tuluyan ko nang inobserbahan silang lahat.

Tulala...

Kunot ang noo...

Mga mukhang malalim ang iniisip...

Iyan ang kani-kanilang mga reaksyon sa nangyari. Hindi ko sila masisi, dahil miski ako ay hindi inaasahan ang ganitong pangyayari. This is not a good start for them dahil kakapasok palang nila sa school. At miski ako ay nagulat din naman dahil ngayon palang ako nakaingkwento ng ganitong kalalang trahedya para sa isang paaralan.

Sino? Sino ang gumawa? Sinong maaring gumawa nito sa kawawang babaeng iyon? May dapat akong gawin. Hindi ko alam kung paano sisimulan pero kailangan ko itong tuldukan.

Papatunayan kong walang kasalanan si Blaise. Ugh. Sino bang niloloko ko. Wala talagang kasalanan si Blaise.

Napatingin naman akong bigla kay Blaise. Matapos nitong sabihin saamin na kinakailangan naming mag meeting ay tinalikuran na kami nito at hindi ko na nakita pa ang reaskyon ni Blaise. Wirdong nagaalala ako sa kanya ngayon. Pero sinsera ako sa nararamdaman ko ngayon dahil hindi makatwiran ang pagsisi sa kanya ng lalaki kanina.

Hindi man sanay ay ipinagwalang bahala ko nalang ang katahimikan ng lahat hanggang sa tuluyan na itong basagin ni Blaise.

"Okay Rulers."

Tayo nito na ikinagulat ko. Katabi ko lang siya ngayon at ngayong nakikita ko na ang mga mata nito ay tila ba nahawa ako ng kalungkutang taglay nito.

"Simulan na natin ang pagpupulong." Panimula nito at nakatingin lang kaming lahat sa kanya.

"Ano bang mga mukha 'yan? Wala kayong dapat ikalungkot rulers kaya tigilan niyo na ang bagay na iyan." Asar nitong pigil saamin pero hindi parin naming siya inimikan.

Ano bang pinagsasasabi ng isang 'to?

Pero ikinagulat ko naman ng bigla itong ngumiti saamin..

Isang ngiting alam kong hindi totoo. Isang ngiting lubos na ikinaiinis ko.

"Ako na bahala sa kasong ito at ako narin ang hahanap sa may kagagawan sa nangyari. Ako, dahil ako ang dahilan ng lang ng problemang i-ito."

Lakas loob nitong pagkukumbinsi ngunit nang basag nitong boses ay tila ba bagay na na mas lalong ikinaigting ng bagang ko.

This freak! Nagiisip ba talaga ang isang 'to?!

"Tss, Sorry." Clearing his throat.

"Oh sige na. Meeting dismissed. Magpahinga na kayo." Tuluyan nitong alis sa aming harapan. Samantala ay lahat kami'y ilang Segundo lang na napatulala dahil sa pinagsasabi ng may saltik na si Blaise.

What the hell?!

Tapos ngayon sasarilihin niya?! Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang pagkatao ng lalaking 'yun!

Nang umalis si Blaise ay wala na miski isa samin ang tumayo at lumabas. Bagay na mas lalong nagpabigat sa tensyong nasa loob ng meeting room na ito.

At hindi ko na ito matiis pa.

"So ano ganito nalang tayo?"

Walang gana kong tanong sa lahat na dahilan upang makuha ko ang kanilang atensyon.

"Siraulo din 'yung Leader nyo 'no?" Turo ko sa pintong nilabasan ni Blaise. "Inaako niya ang kasalanang alam niya namang hindi niya ginawa! Ta's ngayon sasarilinin niya? Psh, that's nonsense ." Inis kong bulyaw . Tumayo naman ako at humalukipkip ng hindi parin nagsiimik ang lahat.

Bagay na ikinatakha ng lahat dahil sa sumilay na ngiti sa labi ko.

"So ano? Sino sasama saking magimbistiga?"

Sa huli ay nagkasundo kaming lahat sa paghati-hati ng mga trabaho. Kailangan naming tulungan ang isdang yun sa ayaw nito at sa gusto!

Si Landon at Linzy ang bahala sa pagkausap sa pamilya ng namatayan. Si Agata at Ethan ang bahala sa pakikipagtulungan sa mga may otoridad. Si Hunt at Kiera na magsasagawa ng sarili nilang imbistigasyon. At ang kumbinasyon naming ni Ash Taylor... Para bantayan ang kauna-unahang pinaghihinalaan naming tao.

At ito ay si Alaine De Castro.....

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...