Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]

285K 7.8K 880
                                    

Myrttle's Point of View

MADILIM PA lamang ay ginising na ako ng mabangong putaheng niluluto ni Nay Julie. Kumalam agad ang sikmura ko sa gutom. Kaya naman mabilis kong iniligpit ang higaan ko't dali-daling bumaba sa kusina.

Kasalukuyan nito ikinigisa ang bawang at sibuyas. Pero nang makita ako nito'y sumilay agad ang kanyang ngiti.

"Oh, anak, anong meron at ang aga mong nagising?"

I hugged her from the back for my response.

"Grabe ka naman, 'Nay Julie. Wala lang po, nagising lang talaga ako ng maaga ngayon. Ewan, siguro may mangyayaring maganda ngayong araw," ngiti ko pa sa naisip na teorya.

Nakakagutom! Kahit kailan talaga, napakaespesyal ng mga putaheng iniluluto para sa'kin ni Nay Julie.

Sa labing-dalawang taong paninilbihan nito'y naibilang ko na siya sa mga importanteng tao sa buhay ko. Bilang na mga taong naglakas-loob na kilalanin ako. At mga taong prinoprotektahan ko.

Mga bibihirang taong walang pakielam kahit hindi lingid sa kanilang al ang panganib na maari kong maidulot sa kani-kanilang mga buhay.

Bagay na ikinanlulumo ko patagal nang patagal. Kaya naman ako na mismo ang lumalayo huwag lang mainvolve pa sa mga bagay-bagay.

* * *

SABAY MULI kaming pumasok nina Shenny at Xander sa University. Nakasundo ko na rin si Shenny dahil nangako itong papalitan niya ang mga gummy worms ko, which I do agree dahil dodoblehin niya raw ito.

Nang magkahiwa-hiwalay na kami'y isinaklob ko na ang hood ng soot kong jacket. I love this style dahil ayoko rin namang mainis sa mga pasosyal na tao sa paligid. Ayaw ko silang makita dahil baka masira pa ang araw ki.

Sa paglalakad ko ay hindi ko sinasadyang makabangga ng isang tao. Nakaharang ito sa daraanan ko kaya alam akong siya ang may kasalanan. May katangkaran itong tinatakpam ako sa may kababaan pang sikat ng araw.

Tss...

Problema nito?

Nanatili akong nakayuko at hinintay ang pagkukusa nitong pag-alis. I don't have time to talk. But...it seems like he doesn't like the idea of moving.

Badtrip.

I faced him. Tumingala na ako para makita siya kasabay nang pagtaas ko ng kilay. I can't clearly see his face for he's against the sunlight. Matagal akong nasa ganoong sitwasyon pero parang wala siyang balak magsalita man lang.

"Move." kalmado kong utos.

Kalma lang, Myrttle, kalma. Maganda ang gising mo ngayon. So don't ruin your day just because of a jerk.

I waited for almost ten seconds pero... Bakit hindi siya sumasagot?! O, kahit umaalis man lang?!

Ang laki-laki ng daan tapos haharang siya? Is he making fun of me?! O, sadyang ginagalit niya lang talaga ako?!

Nang nakapag-adjust na ang mata ko sa liwanag ay nakita ko salubong na salubong na kilay nito. Mga matang agilang pinanlilisikan ako. Na ikinakati kong tusukin na lang.

"Hoy! Ikaw ba si Myrttle?" galit na galit nitong bulyaw.

Seriously?!

"Anong hoy?! May pangalan ako! Oo, ako si Myrttle. Bakit? Anong kailangan mo?!" Ganti kong sigaw.

I am a kind of person who treat person the way they treat me. But I was shocked when he held my arms like hell. I tried to pull my arms back, pero napakasakit! Mas lalong itong humihigpit kada gagalaw ako.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon