Chapter 24: [ Myrko ]

152K 5.1K 870
                                    

PARIS DE VEGA

Natatawa akong umalis sa tabi ng reyna DAW ng Crimson Palace na nakaupo ngayon sa trono.

I just can't help but to laugh knowing who that person is. Pero hindi naman magandang tumawa ang protector ng reyna sa harap ng lahat hindi pa? So i better leave that spot before something unusual happen.

Badtrip hindi ko lang ma-imagine ang magiging ityura ni Queen kapag nalaman niya ang kalokohang ginagawa ng lalaking mapagpanggap na ito ngayon.

Ngunit napahawak ako sa tyan ko ng maghinaing nanaman ito sa gutom.

Ugh! Lagi ka nalang gutom tummy!

Dahil sa gutom ay agad na akong pumunta sa mga pagkaing nakahanda. Pero imbis na tunay na pagkain ay ang mga matatamis lang ang hinanap ko.

"Pst. Give me that. I want it."

May otoridad kong kulbit sa lalaking may hawak ngayon ng isang bowl ng matamis na bagay. Kinuha ko na agad ito sa kanya bago pa siya makaangal. Dahil din sa gutom ay hindi ko napansing nakatingin na pala ang ibang myembro ng Crimson Palace saakin. Bagay na ikinasama ko ng tingin nila kaya agad silang umiwas ng tingin saakin.

Aba, bakit ngayon lang ba sila nakakita ng taong gutom? Mga panget tss..

Psh takot pala kayo 'e.

Bakit nga naman hindi? Ako lang naman si Sakura, ang kanang kamay at protector ng Reyna ng Crimson Palace! My real name is Paris De Vega. But Queen said that I need to hide my identity by using the mask I am wearing.

Agad ko namang hinaplos ng kabila kong kamay ang mask na soot ko.

Nakakilig na si Queen pa talaga ang pumili ng Mask ko kaya naman hindi ko ito hinuhubad kapag nasa palasyo ako.

Pero ng maalala ko ang galit ito saakin ay talaga namang napangiwi ako.

Ugh! Paano na 'to!

Gusto ko lang naman siyang protektahan kaya pati sa eskwelahan niya ay nag-enrol ako. Tapos magagalit pa siya?

Why so cruel Queen? Bakit, ayaw mo na ba akong makasama?

Dahil sa prustasyon ay nakanguso ko lang na sinubo ang matatamis na bagay.

"Wine please."

Ngunit natigilan ako sa pagkain ng marinig ko ang isang napaka-pamilyar na boses.

Bagay na agad na nakapagpabilis sa tibok ng puso ko.

Pero ano ba Paris? Paano naman siya mapupunta dito hindi ba?

Para masigurado ay agad kong nilingon ang may ari ng boses na ito.

At laking gulat ko ng makita ng dalawang mata ko ang taong hindi ko inaasahang makikita sa lugar na ito.

Anak ng Daga!

A-Ash Taylor?! Ugh Paris, bakit naman siya mapapadpad sa lugar na ito? Imposible!

Tama, naka half mask ang lalaking ito kaya baka ka mukha lang ng labi niya.

"Nasaan ang dessert niyo?" Kaswal nitong tanong sa waiter na inagawan ko kanina. At ang tanong niyang iyon ay tila nakapagpatakam saakin sa matamis.

Nasaan ang dessert? Gusto ko ring matikman.

Dahil sa katakawan ay nakihanap din ako sa waiter na kausap ng lalaking kamukha ni Ash pero ikinagulat ko ng bigla akong ituro nito!

"Nasa kanya po."

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon